LOLO NILIMAS, LIVE-IN PARTNER PALA UTAK!

ARESTADO ang isang binatilyo at ang live-in partner ng isang 87-anyos na lalaki matapos mabuking ang planong pagnanakaw sa Naic, Cavite kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “John,” 18-anyos, at alyas “Ruby,” 39-anyos, na live-in partner ng biktimang si alyas “Domingo.”

Sa imbestigasyon, lumabas na si Ruby ang utak ng krimen at siyang nag-utos sa binatilyo na pasukin ang bahay ng matanda.

Sa ulat, armado ng patalim at nakasuot ng itim na jacket na may hood, pinasok ng suspek ang bahay sa Pawikan St., Brgy. San Roque bandang alas-9:30 ng umaga.

Pagpasok, tinutukan nito ng patalim ang biktima at puwersahang tinangay ang gintong kuwintas, singsing at relo na nagkakahalaga ng tinatayang P80,000.

Matapos ang insidente, agad na nagsumbong ang biktima sa barangay na nag-report naman sa pulisya.

Sa follow-up operation, nadakip ang mga suspek at nabawi ang mga ninakaw na alahas pati ang patalim na ginamit sa krimen.

(SIGFRED ADSUARA)

113

Related posts

Leave a Comment