IPINAG-UTOS n ani Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alis sa puwesto ng lahat ng opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa bribery scheme na nangangasiwa sa “entry into — and exit from” Philippine territory ng mga dayuhan na nagta-trabaho sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) na may unauthorized fee. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, kinonsidera ni Pangulong Duterte ang anomalya na para sa iba’y “pastillas scheme”, bilang grave form of corruption na hindi masisikmura ng pamahalaan. “As we have repeatedly stressed, there are no sacred cows in this administration. Any official…
Read MoreMonth: February 2020
PANGAKONG 2,500 CELL SITES BAKA MAPAKO HONASAN NABAHALA SA DITO
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan sa kakayahan ng third telco Dito Telecommunity Corp. na makumpleto ang rollout program nito bago sumapit ang Hulyo 2020. Pinangangambahang maaantala ang commercial operations ng DITO, dating Mislatel Consortium, dahil sa kumplikadong proseso nang pagkuha ng permit para sa pagtatayo ng mga cell tower. Ayon kay Honasan, nag-aalala ang DICT sa kakayahan ng Dito na matupad ang pangako nito dahil limang buwan na lamang ay Hulyo na. Ilang mambabatas ang nagpahayag na rin ng pagdududa…
Read MoreBI OFFICER, LUMANTAD SA SENADO ‘PASTILLAS’ SYSTEM, PINATOTOHANAN
WALANG kagatul-gatol na pinatotohanan ng isang immigration officer ang nagaganap na “pastillas” system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ginagamit ng sindikato sa Bureau of Immigration (BI) sa paghakot ng multi-milyong padulas mula sa mga Chinese kapalit ng visa upon entry at walang sagabal na pagpasok sa bansa. Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on women, youth and gender equality na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros, sinabi ni Allison “Alex” Chiong, immigration officer sa NAIA na personal niyang nakikita ang sinasabing “pastillas” system sa BI. “My primary function…
Read MorePANALO KINUWESTYON SA SC PIMENTEL IPINASISIPA SA SENADO
HINILING ng isang batikang abogado sa Korte Suprema na tanggalin si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa Senado, sapagkat “ilegal ang kanyang paglahok sa eleksyon para sa pagkasenador nitong 2019.” Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio sa kanyang petition for certiorari sa Supreme Court (SC), dapat ipagwalang bisa ang mismong desisyon ng Commission on Election (Comelec) na bigyan siya ng “certificate of candidacy” para sa halalang Mayo 13. Pinagdiinan ni Topacio ang certificate of candidacy sapagkat ito ang “batayang legal” ni Pimentel upang walang kuwestyon at pagdududa sa legalidad ng pagtakbo…
Read MoreWHISTLEBLOWER ACT MADALIIN – CHR
UMAAPELA ang Commission on Human Rights(CHR) sa Malacanang na ipasa na ang Whistleblower Act na magbibigay proteksyon sa mga testigo kasunud na rin ng pagpaslang kay BuCor Lawyer Fredric Anthony Santos. Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, malinaw na ang pagpatay kay Santos ay dahil sa nalalaman nitong anomalya sa Good Conduct Time Allowance(GCTA). “May summary killing po na nangyari sa insidenteng ito and napakaimportante na tingnan natin mula sa anggulo na siya ay isang potential whistleblower doon sa GCTA”pahayag ni de Guia. Si Santos na sinuspinde ng Office of…
Read MoreMANILA GOV’T LAGLAG SA DILG 2019 GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING ISKO SINISI ANG ADMINISTRASYON NI ERAP
HINDI nakasama ang Maynila sa 2019 good financial housekeeping ng Department of Interior and Local Government na ipinalabas noong ika-14 ng Pebrero. Dahil dito, sinisi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nakaupong dating alkalde na si dating Pangulong Joseph Ejercito-Estrada. Sinabi ni Moreno, inaasahan na niya ang pangyayari dahil nabigo ang nakalipas na administrasyon na matugunan ang full disclosure ng financial documents sa 2018 at first quarter ng 2019. Ayon pa sa alkalde, isa itong oportunidad sa kanila na pagbutihin pa ang kanilang trabaho dahil hindi siya papayag…
Read MoreP84-B CONGRESSIONAL REALIGNMENT ‘DI AGAD IPALALABAS NG DBM
HINDI muna ipalalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang P84 bilyong congressional realignment, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Panelo matapos makausap si DBM Secretary Wendel Avisado na nagsabi na ang pagpapalabas ng P84 bilyon congressional realignment fund ay depende sa pangangailangan at paggagamitan. Iginiit ni Panelo na ito ay nangangahulugang daraan sa iba’t ibang patakaran. “In other words, there will a process,” ayon kay Sec. Panelo. Binigyang diin ni Panelo na walang kamay ang Malakanyang sa naging hakbang na ito ng DBM. Gayunman, naniniwala naman…
Read MoreSOLON SA SERYE NG PAGPATAY SA BUCOR OFFICERS ANOMALYA SA BILIBID ‘NILILINIS’
MALAKI ang paniwala ni Sen. Richard “Dick” Gordon na may koneksiyon ang pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Correction (BUCOR) ng riding in tandem sa Muntinlupa sa sumambulat na bentahan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) o “freedom for sale”. Sa panayam, sinabi ni Gordon na nagtataka siya sa sunod-sunod na pamamaslang sa mga opisyal ng BuCor at sa tingin niya ay malaki ang kinalaman nito sa scam sa pagbebenta ng kalayaan ng mga presyong nahatulan ng habambuhay na pagkakabilangggo. Sa tingin ng mambabatas, nililinis na ang eskandalo sa…
Read MoreRALLY NG PASIG PINIGIL NG MANILA
PINIGIL ng Manila ang paghahabol ng Pasig, habang isang come-from-behind win naman ang naitala ng Makati laban sa Bulacan sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season quarterfinal round, Martes ng gabi sa San Andres Sports Complex. Mula sa 12-point lead na bumaba sa apat sa huling 35 seconds, nagtulong sina Gabby Espinas at Gian Abricos sa tig-2 charities tungo sa 91-88 win ng Manila Stars kontra Pasig Sta. Lucia Realtors sa best-of-three series. Naghahabol naman mula sa anim na puntos sa final quarter, umatake ang Makati Super Crunch ng 14 points, pito mula…
Read More