HINDI matatawaran ang pagiging ganid ng ilang kongresista sa pork barrel matapos matuklasan na hinarang ng Palasyo ang pagpapalabas ng P80 bilyon congressional realignment, ayon kay Senador Panfilo Lacson. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na hindi pinayagan ni Pangulong Duterte ang isiningit na P80 bilyon ng mababang kapulungan ng mga kongresista sa kani-kanilang distrito sa ilalim ng “Build, Build, Build program. “Unmitigated gall. This best describes some lawmakers who tried to realign at least P80 billion from the administration’s Build, Build, Build flagship program to their districts’ pet projects under…
Read MoreMonth: February 2020
PALAWAN FARM DESTINATION GETS GOV’T BOOST FOR DAIRY PRODUCTION
PUERTO PRINCESA CITY—Yamang Bukid Farm, one of Palawan’s most visited tourism destinations, is embarking on dairy production to help improve the nutrition of school children, especially those in public schools. This after the farm tourism destination in the city’s Barangay Bacungan availed of a soft loan from the Philippine Carabao Center (PCC) to raise imported and high quality breed of carabao that can be a good source of milk and other dairy products. Some 11 Murrah buffaloes were initially given by the Nueva Ecija-based state animal propagation hub in a…
Read MoreANO ANG KATOTOHANAN SA REKLAMO NG ABS-CBN?
MAY nagawa nga bang paglabag ang ABS-CBN sa ipinagkaloob na prangkisa sa kanila ng pamahalaan o sadyang ginigipit nga lang ito ng pamahalaan dahil sa umano’y pagiging biased sa paghahatid ng balita laban sa kasalukuyang administrasyon? Tama bang sabihin na mayroong paglabag sa malayang pamamahayag ang inihaing ‘quo warranto petition’ ng tanggapan ng Solicitor General laban sa higanteng network? Kapag media outfit ba ang kinasuhan ng pamahalaan dahil sa may nakitang paglabag sa ipinagkaloob sa kanilang pribilehiyo ay paglabag na ito sa malayang pamamahayag? Kung naaalala ninyo, kinasuhan din ng…
Read MoreLAHAT NG SUGAL IPINAGBABAWAL
PINAALALAHANAN ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGen Ronnie Montejo ang mga mamamayan ng lungsod na itigil ang pagtangkilik sa mga ilegal na gawain kasama na ang sugal. Okay ang ginawang panawagan ni Montejo at maging ang paalala nito na lahat ng uri ng sugal ay ipinagbabawal kabilan na ang madalas na nilalaro sa mga lamay at maging sa kalsada. Okay na okay ang pinaigting na kampanya ng QCPD laban sa krimen at anumang uri ng sugal kung kaya’t nagtrabaho ang mga tauhan ni Montejo kung kaya’t nakaaresto ng…
Read MorePROTEKSYON SA MGA EMPLEYADO KAILANGAN – SEN. POE
ISA si Senadora Grace Poe sa mga senador na naghahangad na magkaroon ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN Corporation. Ito’y dahil napakalaking usapin kay Poe ang trabaho ng mahigit 11,000 empleyado ng ABS-CBN. Gusto ni Poe na mabigyan ng “proteksyon” ang trabaho ng mahigit 11,000 empleyado ng “Kapamilya” network katulad nang pagnanais ng iba pang senador at Department of Labor and Employment (DOLE). Ang prangkisa ng ABS-CBN na nagsimula noong Marso 30, 1995 ay magtatapos ngayong Marso 30. Kinakatigan ko ang “malasakit” ni Senadora Grace Poe sa mga manggagawa, sapagkat ang…
Read MoreKAHIT MAGLABAS NG GAG ORDER ANG SC IMBESTIGASYON NG SENADO SA ABS-CBN TULOY
UMAASA ang ilang senador na hindi isasama ng Korte Suprema ang Senado sa posibleng pagpayag nito sa gag order na hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay ng quo warranto na inihain nito laban sa ABS-CBN. Nanawagan si Senador Panfilo Lacson sa Supreme Court na huwag sakupin ng gag order ang ginagawang pagtalakay ng Senado at ng mga komiteng hahawak sa kaso ng nasabing giant network hinggil sa hiling nitong pagpapalawig ng prangkisa. “I hope the Supreme Court will not include the Senate or any of its committees…
Read MoreIRR NG FREE LEGAL ASSISTANCE LAW ILABAS SC, BIR KINALAMPAG NI NOGRALES
KINALAMPAG ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at maging ang Korte Suprema dahil sampung taon na simula nang maging batas ang Republic Act (RA) 9999 o Free Legal Assistance, ay wala pang inilalabas na Implementing Rules and Regulations (IRR). Sa kanyang privilege speech sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Nograles na napakaganda ng nasabing batas para matulungan ng mga private lawyer ang mahihirap na mamamayan na may kinakaharap na kaso sa korte ngunit hindi naiimplementa dahil sa kawalan ng IRR. “Ten years ago, Congress passed…
Read MoreOPERATOR NG NANAGASANG JEEPNEY SA MAKATI, SINUSPINDE
NAGLABAS na ng preventive suspension order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng jeep na sangkot sa pag-araro sa mga estudyante habang tumatawid sa pedestrian lane sa JP Rizal sa lungsod ng Makati. Ayon sa LTFRB, sakop ng preventive suspension order ang lahat ng unit ng jeep na nasa ilalim ng pangangasiwa ng operator. Matatandaan na isang grade 8 student ang nasawi sa nasabing insidente habang nasa pitong iba pang mag-aaral ang malubhang nasugatan habang tumatawid ang mga ito sa pedestrian lane. Kaagad namang dinala…
Read MoreTRAVEL BAN SA CHINA PINAG-AARALAN PA BIYAHE SA MACAU, HK IBINALIK NA
MAAARI nang bumiyahe ang mga Overseas Filipino Worker papuntang Macau at HongKong. Sa isang ambush interview, kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na batay sa pag-uusap nila ni Health Sec. Francisco Duque III ay napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force na alisin na ang travel ban sa mga nasabing lugar. Sinabi pa aniya sa kanya ni Sec. Duque na kailangan lamang ideklara ng mga Pinoy worker na alam nila ang risk o panganib sa kanilang pagbabalik sa Macau at Hongkong. Kaya aniya nagbago ang posisyon ng Pangulo rito ay dahil sa…
Read More