PARANG dumadaan sa butas ng karayom bago pa makasakay sa barko ang Pinoy seafarers. Grabe ang hirap na dinaranas nila mula sa kani-kanilang mga recruitment agency sa Pinas. Napakarami lagi ng mga aplikante ng pagiging seamen riyan sa TM Kalaw, sa bandang Luneta Park sa Maynila dahil nais nilang makaahon sa kahirapan. Pero kalakaran daw ng mga maritime agency ng seamen ay pinagtrabaho muna sila sa mga opisina ng mga ito. At matindi pa hindi lang buwan kundi isa hanggang tatlong taon silang gagawing utusan sa opisina ng kanilang mga…
Read MoreMonth: February 2020
SOLON: SINGLE USE PLASTIC BAN GAWING PERMANENTE
ISINUSULONG ng isang mambabatas na maging permanente ang pagbabawal sa paggamit ng translucent plastic bags at thin-filled sando bags na plastic hindi lang sa government offices kundi sa lahat ng mga establisimyento sa bansa. Kasabay nito, hinikayat ni TGP Party-list Rep. Jose “Bong” Teves ang sambayanan na maging responsable sa pagtatapon ng basura at huwag gumamit ng single use plastic. Nauna nang inihain ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang resolusyon na ipagbawal ang paggamit ng sisidlang plastic sa lahat ng tanggapan ng gobyerno. Suportado ito ni Teves kaya…
Read MoreP22-B MAKOKOLEKTA SA OLIGARCH- DEFENSOR
MAKOKOLEKTA ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) ang halos P23 Billion mula sa apat na kumpanya na matagal nang may pagkakautang sa pamahalaan. Nabatid na magbabayad na ang malalaking kumpanya kasunod na rin ng pangangalampag sa mga ito ng House committee on public accounts na pinamumunuan ni Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan party-list. Nangako umano ang mga kinatawan ng Northern Renewable Generation Corporation na may P4.9 Billion atraso; FDC Misamis Power Corporation, P2.6 Billion; FDC Utilities, Inc., P1.1 Billion at Good Friends Hydro Resources Corporation, P1.2 Billion…
Read MoreMALASAKIT HATID NI NOGRALES
MALAYONG BARANGAY SA MONTALBAN NAABOT NG AYUDA GINUGOL ni Rizal, 2nd District Rep. Fidel Nograles ang araw ng Martes sa pamimigay ng ayuda sa isa sa pinakamalayong barangay sa bayan ng Montalban. Kung ang iba ay ipinagdiriwang ang nakagawiang selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA People Power tuwing sumasapit ang Pebrero 25, si Rep. Nograles naman ay ipinadama sa kanyang mga kababayan ang tunay na malasakit. Tinungo ng grupo ni Cong. Nograles ang Brgy. Puray sa bulubunduking bahagi ng Montalban, Rizal para maipamahagi ang sampung (10) bisekleta para sa Barangay Health…
Read MoreABS -CBN, UMIWAS SA KONSTITUSYON?
Nagtayo ng ibang kumpanya para sa ‘foreign funds’ ALAM na alam ng pamilya ni Eugenio Lopez Jr. na ang media company ay dapat 100 porsiyentong pag-aari at pinangangasiwaan ng mga Filipino alinsunod sa itinakda at ipinag-utos ng Konstitusyong 1987. Kaya, malakas ang loob na iwasiwas at igiit ng pamunuan ng ABS-CBN Corporation na pag-aari ang media company na ito ng mga Filipino, sa pangunguna ng mga Lopez ng Iloilo. Ngunit, kapag binusisi at pinag-aralang mabuti ang ABS-CBN, makikitang mayroong nakapasok na mga negosyanteng dayuhan na tumaya at naglagak ng pondo…
Read More4 EX-DA OFFICIALS KULONG SA 40 CENTAVOS
NAHAHARAP ngayon sa anim hanggang walong taong pagkakabilanggo at diskuwalipikasyon sa gobyerno ang apat na dating opisyal ng Department of Agriculture dahil sa 40-sentimong sumobra sa inaprubahang badyet para sa mga materyales ng water supply system. Sa 24-pahinang desisyon ng Sandiganbayan, nadiin sa kasong graft sa paggawad ng P2.5 milyong kontrata sina dating DA Region 11 officials Roger Chio, Romulo Palcon, Alma Mahinay at Godofredo Ramos. Ayon sa anti-graft court, nabigo ang mga akusado sa alegasyon ng prosekusyon na iginawad pa rin ng mga opisyal ang kontrata sa PZA Trading…
Read MoreSA GITNA NG BANTA NG COVID-19, BIYAHE SA SOKOR BAWAL MUNA
INANUNSYO ng Malakanyang na inaprubahan ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IAFT-EID) ang pagpapatupad ng travel ban para sa mga Filipino tourist na nagnanais pumunta sa buong South Korea partikular na sa North Gyeongsang province. Ang maaari lamang bumiyahe, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ay iyong permanent resident ng South Korea, mga Pilipinong aalis para mag-aral at mga overseas Filipino worker. Iyon nga lamang ay kailangan nilang mag-execute at lumagda ng declaration na nagpapakita na alam nila at naiintindihan ang panganib bago pa sila bumiyahe sa nasabing…
Read MoreAYUDA NG PCSO SA GOV’T AGENCIES PINATITIGIL
Itinuturong dahilan sa pagkasimot ng pondo REREBYUHIN ng Kamara ang ilang bilyong mandatory contributions na binibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga ahensya ng pamahalaan na nagiging dahilan upang maubos ang pondo nito at hindi na mapaglaanan ang para sa medical assistance. Ang aksyon ng Kamara ay resulta ng naganap na pagdinig kahapon ng House Committee on Games and Amusement kung saan kinuwestiyon ni Surigao del Norte Rep Prospero Pichay ang masyado nang maliit na medical assistance na binibigay ng PCSO sa mga nangangailangan. Inamin ni PCSO General…
Read MoreSANGGOL ITINAPON SA BASURAHAN
laguna – isang bagong silang na lalaking sanggol ang inabandona ng isang hindi kilalang babae sa tambakan ng basura sa gilid ng maliit na kalsada sa brgy. poblacion, biñan city sa lalawigang ito, noong martes ng madaling araw. nadiskubre ng mga basurero ang sanggol na nakakabit pa ang inunan, sa loob ng isang eco bag na iniwan sa basurahan pasado alas-6:00 ng umaga. agad itong sinagip ng mga opisyal ng barangay at ng mga kawani ng cwsd ng biñan city. nakita sa cctv ng barangay ang pag-iwan dito ng isang…
Read More