BULACAN – Ligtas na si Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa coronavirus disease (COVID-19) at handa na muling magtrabaho, makaraang magnegatibo sa ikalawang pagsusuri sa nasabing nakamamatay na sakit. Samantala, dalawa pang COVID cases ang kumpirmadong nadagdag sa talaan ng Bulacan Provincial Health Office kaya’t umakyat na sa sampu ang naitalang tinamaan ng naturang sakit. Ayon kay Baliwag Municipal Administrator Eric Tagle, inaaasahang anumang araw mula ngayon ay magsisimula na sa kaniyang trabaho bilang ama ng bayan ng Baliwag si Mayor Estrella upang agarang maihatid ang “Serbisyong May Malasakit”. Nais umano…
Read MoreDay: March 26, 2020
DOKTOR NASAGIP NG ARMY SA ASG
SULU – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Army ang isang doctor na kidnap for ransom victim sa bayan ng Jolo sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi, ayon sa ulat ni Army Spokesman Col. Ramon Zagala kahapon. Sa ulat na ibinahagi ni Western Mindanao Command chief Cirilito Sobejana kay Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay, nailigtas ng mga tauhan ng 11th Military Intelligence Battalion, sa pangunguna ng 1102nd Brigade, ang biktimang si Dr. Daniel Moreno sa kabundukang sakop ng Indanan, Sulu. Bago natagpuan ang biktima ay napalaban muna…
Read MoreCommunity quarantine dinedma PASTOR INARESTO SA BIBLE STUDY
AKLAN – Bagsak sa kulungan ang isang pastor dahil sa paglabag sa ipinatutupad na enhance community quarantine at nanlaban pa nang sitahin dahil sa isinasagawang bible study sa kanilang chapel, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang inaresto na si Ivan Yadao, 41-anyos, ng Barangay Dalipdip, Altavas, Aklan. Batay sa report ng Altavas Police Station, nagresponde ang mga barangay tanod hinggil sa impormasyong nagsasagawa ng bible study ang pastor sa ilang kabataan at matatanda sa nabanggit na chapel na paglabag sa ipinatutupad na enchance community quarantine. Sinita…
Read MoreUNANG COVID-19 CASE SA CALAMBA NAITALA, 2 NAMAN SA SAN PEDRO
LAGUNA-Nakapagtala na ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 ang lungsod ng Calamba. Ang pasyente ay isang lalaki na edad 45 at nagmula sa Barangay Canlubang. Isa siyang asymptomatic o hindi kinakitaan ng sintomas at may travel history sa ibang bansa. Sa huling ulat, mayroon nang 85 persons under investigation o PUIs ang lungsod at 1,313 persons under monitoring (PUMs). Pinaalalahanan ni Mayor Justin Chipeco ang mamamayan ng Calamba na sumunod sa mga patakaran ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil walang sinisino ang nakakamatay na sakit. Samantala, tinutunton na…
Read MorePAG-UWI NG OFWs, PAGHANDAAN – SOLON
KAILANGANG paghandaan na ng pamahalaan ang inaasahang pag-uwi ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) matapos maapektuhan sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang ekonomiya ng mundo. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo ang nasabing panawagan sa pamahalaan partikular na sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) matapos bumagsak nang husto ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. “With world crude oil prices falling to only $23.75 per barrel as an aftershock of COVID-19, expect demand for OFWs in the oil-rich countries and for…
Read MoreDOLE SA OFWs: $200 FINANCIAL ASSISTANCE IBIBIGAY
TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bibigyan ng 200 dolyares bawat Overseas Filipino Worker (OFW) sa loob ng isang buwan habang may problema sa COVID-19 sa bansa. Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, partikular na bibigyan ng tulong pinansyal ang mga nawalan ng trabaho sa abroad dahil sa COVID-19 na namiminsala sa buong mundo. Kabilang dito ang mga OFW sa Italy na siyang nangungunang apektado ng COVID-19. Ani Bello, kung gusto namang umuwi ng mga OFW ay maaari nilang tulungan ang mga io para makabalik ng bansa.…
Read MoreSPECIAL POWERS ‘DI AABUSUHIN NI PDU30
SINIGURO ng Malakanyang na hindi maaabuso ang dagdag kapangyarihang ipinagkaloob ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa sa coronavirus disease. Kasunod ito ng mabilis na paglusot sa dalawang kapulungan para mabigyan ng special powers ang Presidente hanggang sa malagdaan nito ang Bayanihan to Heal as One Act. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, makatitiyak ang sambayanang Pilipino na ang ipinagkaloob na kapangyarihan sa Chief Executive ay gagamitin lamang base sa kung ano ang itinatakda ng Konstitusyon. May hangganan ani Sec. Panelo ang…
Read MoreP8-K MAKARATING SANA SA MAHIHIRAP NA PAMILYA
TINALAKAY sa Kongreso nitong Lunes ang panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na galawin at ilipat ang iba’t ibang pondo mula sa mga piling ahensiya ng pamahalaan upang makalikom ng P275 bilyon ang pangulo na gagamiting badyet na ipamimigay sa mamamayang dumanas ng matinding epekto ng pandemyang coronavirus disease 2019 o COVID-19. Syempre, maganda kung magiging ganap na batas ang nasabing panukala. Sa P275 bilyon, P8,000 ang mapupunta sa bawat pamilyang kuwalipikadong maging benepisyaryo ng nasabing tulong-pinansiyal ng pamahalaan, banggit ni Senate President Vicente Sotto III.…
Read MoreSALUDO SA BAYANING HEALTH WORKERS
KUNG mayroong dapat saluduhan at pasalamatan sa gitna ng problema sa coronavirus disease 2019 o COVID-19, walang iba kundi ang mga health workers na isinasakripisyo ang kanilang sariling kapakanan at kaligtasan para magamot at alagaan ang mga pasayente. Hindi biro ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ng lahat ng health workers sa bansa ngayon na dumadaan sa matinding pagsubok dahil sa virus na ito na pinabayaan ng China kaya buong mundo ang apektado. Apat na doctor ang namatay sa COVID-19 at marami pa ang nagkasakit. Kasama kayo sa aming panalangin.…
Read More