LUMAKI ang volume amount ng domestic waste o basura sa mga kabahayan sa mga nagdaang linggo sanhi ng pinaiiral na strict home quarantine alinsunod sa enhanced community quarantine (ECQ) kaugnay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak sa bansa. Base sa pag-aaral, ang basura ng bawat kabahayan ngayong umiiral ang home quarantine ay lumilikha ng mahigit kalahating kilo o 15-20 kilos kada buwan partikular na sa Gitnang Luzon. Mababatid na kabilang sa essential services ng Inter Agency Task Force (IATF) ay ang pangongolekta at maayos na disposal ng basura upang mapangalagaan…
Read MoreMonth: March 2020
SADANGA, MT PROVINCE NAGPAUBAYA SA MGA HIGIT NA NANGANGAILANGAN
A gitna ng krisis na pinagdaraanan ngayon ng bansa dulot ng mapaminsalang COVID- 19, hindi nag-atubiling magparaya ang bayan ng Sadanga sa Mountain Province sa mga kababayan na higit na nangangailangan. Sa kanyang Facebook page, ipinaalam ni Mayor Gabino P. Ganggangan ng bayan ng Sadanga na hindi makikibahagi ang kanilang bayan sa relief packs na ipinadala ng DSWD region para sa mga lokal na pamahalaan na humihingi ng ayuda ng pamahalaang nasyunal sa gitna ng epekto ng krisis sa COVID-19. Pero paglilinaw ni Mayor Ganggangan, ang kanilang pagtanggi ay hindi…
Read MoreP5-K – P8-K FINANCIAL ASSISTANCE PANGANGASIWAAN NG DSWD
UUNAHIN muna ang profilling at validation ngayong linggo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa labing walong milyong Pinoy na bibigyan ng lima hanggang walong libong pisong (5k-8k) tulong pinansiyal dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019. Ayon kay Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa lahat ng Local Government Units (LGUs) para makakuha ng listahan sa nasasakupan ng mga ito na dapat mabigyan ng social amelioration package. Magbibigay muna raw sila ng form para sa social amelioration card para malaman nila kung si u-sino…
Read MoreMGA BARANGAY SA PROBINSYA BANTAYAN SA RELIEF OPS
HINDI lang ang mga barangay sa Metro Manila ang dapat bantayan sa relief operations ng Local Governent Units (LGUs) sa gitna ng Enhanced Community Quarantine kundi higit lalo na sa mga lalawigan. Hindi sa walang tiwala ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent sa barangay officials sa mga lalawigan pero maraming reklamo tayong natatanggap na kapag may biyayang ipamamahagi ang gobyerno sa mga tao na idinadaan sa kanila. May mga natanggap tayong reklamo sa mga malalayong probinsiya na hindi lahat ng pamilya sa bawat barangay ay nabibigyan ng relief…
Read MoreIATF ikinasa ang imbestigasyon FRONTLINERS HINA-HARASS, SINASAKTAN
PINAIIMBESTIGAHAN na ng Malakanyang ang ulat na nakararanas ng diskriminasyon, harassment at pananakit ang ilang frontliners lalo na ang mga health worker sa harap ng ginagawang sakripisyo para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease sa bansa. Paalala ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, dapat tratuhin nang maayos ang mga frontliner na nagsasakripisyo para sa kaligtasan ng mga Filipino sa halip na pangilagan at saktan ang mga ito. Ani CabSec Nograles, pinakilos na ng Malakanyang ang mga naiulat na insidente ng harassment at diskriminasyon para maparusahan ang mga gumagawa nito. “Yung umatake…
Read MoreAFP, NPA hinimok magkaisa sa gitna ng COVID crisis CEASEFIRE IGALANG – REP. NOGRALES
NANAWAGAN si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA) na igalang ang idineklarang ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng kampanya para makontro ang paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19. Ginawa ni Nograles ang nasabing panawagan matapos magkaroon diumano ng engkuwentro sa Montalban, Rizal kung saan isang sundalo at NPA guerilla ang namatay. Base sa report ni Captain Jayrald Ternio ng public affairs office ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, inatake umano ng tinatayang 30 rebeldeng NPA…
Read MoreDeployment sa ibang bansa pinatitigil ng solon PINAS MAUUBUSAN NG HEALTH WORKERS
HINDI malayong kapusin na rin sa healthcare workers (HCWs) ang Pilipinas dahil patuloy sa paghakot ang iba’t ibang panig ng mundo sa gitna na rin ng kinakaharap na COVID-19 pandemic. Labis itong ikinababahala ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kaya umapela ito kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na suspendehin muna ang pagpapadala ng HWCs sa ibang bansa. Ayon kay Rodriguez, ilang araw na ang nakararaan nang mapaulat na nagpadala umano ng eroplano ang Germany sa Manila para hakutin ang may 75 intensive…
Read MoreProbe sa pagbagsak ng eroplano gumulong na LIONAIR FLEET ‘GROUNDED’
PINAIIMBESTIGAHAN na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkasunog ng isang eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International Airport na ikinasawi ng walong sakay nito, Linggo ng gabi. Kasabay nito, iniutos ding huwag payagang makabiyahe o grounded ang buong fleet ng Lionair Inc. Walang nakaligtas sa walong sakay ng Lion Air Westwind ambulance aircraft na bumagsak sa runway 24 ng NAIA dakong alas-8, Linggo ng gabi. Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang nagte-take off ang eroplano na patungo sanang Haneda, Japan para sa isang medical evacuation…
Read MoreSupporters ni Kap laging una sa listahan FAVORITISM SA RELIEF GOODS BINIRA NG SOLON
MALALA ang favoritism sa relief operations ng mga barangay dahil tanging supporters umano ng mga barangay captain ang binibigyan ng ayuda habang pinagdadamutan ang mga hindi bumoto sa kanila. Ito ang kinumpirma ni House deputy minority leader Carlos Zarate ng Bayan Muna kaugnay ng relief operations naisinagawa ng mga Local Government Unit (LGUs) na idinadaan sa mga barangay captain. “We have received reports from barangays all over the country like in Manila, Quezon City, Mandaluyong, Rizal, Tacloban, Gen. Santos City and several other areas in Mindanao that quarantined residents, particularly…
Read More