INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) na isasailalim sa imbestigasyon ang Lion Air dahil sa magkasunod na pagbagsak ng eroplano nito. Walang nakaligtas sa walong sakay ng Lion Air Westwind ambulance aircraft na bumagsak sa runway 24 ng Ninoy Aquino International Airport dakong alas-8, Linggo ng gabi. Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang nagte-take off ang eroplano na patungo sanang Haneda, Japan para sa isang medical evacuation mission. Sakay nito ang walong indibidwal na kinabibilangan ng anim na crew members, kabilang ang isang doktor at nurse at dalawang…
Read MoreMonth: March 2020
40 NPA SUMUKO BAGO ANG ANIBERSARYO NG REBELDENG GRUPO
RIZAL – Umabot sa 20 rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko nitong Sabado, bago sumapit ang kanilang ika-51 anibersaryo. Nalikom ng mga militar at pulis sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna ang 14 armas mula sa sumukong mga rebelde. Ayon kay Col. Alex Rillera, commander ng 202nd Infantry Brigade, ang mga rebelde na nasa ilalim ng Guerilla Front Cesar, ay nag-o-operate sa mga probinsya ng Quezon, Rizal at Laguna. Ang mga ito ay isinali sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno. Samantala, nanawagan si Maj.…
Read MoreMULTA, IMPOUND SA PASAWAY NA HABAL-HABAL
NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagmumultahin ng anim na libong piso ang mga habal-habal na patuloy na bumibiyahe sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil sa COVID-19. Ani MMDA Spokesperson Celine Pialago, may mga habal-habal pa ring bumibiyahe sa Metro Manila at lumalabag sa ipinatutupad na social distancing. Ngayong suspendido ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan tulad ng MRT, LRT, bus, jeepney, taxi, ay pumupuslit ang ilang rider para bumiyahe para kumita. Dahil dito, sinabi ng MMDA na ang mga mahuhuli…
Read MoreALLOWANCE SA DOKTOR, NURSE WALA PANG PONDO
HINAHANAPAN na ng House committee on appropriations ng pondo para bigyan ng disenteng allowance ang mga doktor at nurse na magbo-volunteer sa paglaban kontra coronavirus disease 2019. Ito ang nabatid kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, chairman ng nasabing komite sa gitna ng mga panawagan na bigyan ng maayos na allowances ang mga volunteer na doctor at nurses. “In my capacity as Chairman of the House Committee on Appropriations, I will push for this action. We will carefully look into this and see where we can get funds,” ani Yap.…
Read MoreMIDDLE CLASS PINOY AYUDAHAN DIN – DILG
DAPAT ding makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang mga middle class Filipino na apektado rin sa enhanced community quarantine bunsod ng worldwide coronavirus pandemic, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG). Sa ginanap na Laging Handa press briefing, inihayag ni DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya na kabilang sa maaring magpagaan sa epekto ng ipinatutupad na ECQ sa hanay ng ibang formal sector o middle class ang pagbibigay ng 30 araw na grace period sa pagbabayad ng credit card. Kabilang dito ang 30 araw na grace period…
Read MorePara matulungan ang mga farmer -solon RELIEF PACKS SAMAHAN NG PRUTAS, GULAY
NAIS ng isang mambabatas na isama sa relief packs na ipinamamahagi ng mga local government unit ang ani ng mga magsasaka upang matulungan ang mga ito ngayong dumaranas ng krisis ang bansa dulot ng epekto ng COVID-19. “Kailangan ding itahi ang LGUs sa mismong mga farmers groups. Isama sa social welfare programs at relief packs nila ang bigas, gulay, at prutas na mula sa ating mga magsasaka. Isa itong paraan para masigurong hindi nasasayang ang tone-toneladang produkto, at mabigyan ng masustansiyang pagkain ang mahihirap nating kababayan,” ani Magsasaka party-list Rep.…
Read MoreData base ng 18M Pinoy ‘di pa handa P8K AYUDA MADE-DELAY SA RED TAPE
POSIBLENG hindi agad mapakinabangan ng may 18 milyong pamilyang Filipino ang P5,000 hanggang P8,000 na ayuda ng gobyerno sa gitna ng Enhanced Community Quarantine dahil sa red tape sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ang babala ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil inaantay pa umano ng DSWD na mabuo ang data base ng 18 milyong pamilya mula sa lahat ng barangay bago iimprenta ang cash card na ipamamahagi. “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Pasimplehin na natin ito. Ibigay na nang buo ang…
Read MoreImbes na Dasma Village, si Koko ang unang kastiguhin MANNY POWER TRIP – NETIZENS
BINUWELTAHAN ng netizens ang tugon ni Senador Manny Pacquiao sa sulat ng barangay chairman ng Dasmarinas Village, Makati City na pinagbabawalan ang kanyang pamilya na lumabas dahil sa kanyang pagkaka-exposed sa taong may COVID-19. Para sa netizens, arogante at ‘power trip’ ang dating ng sulat ng senador sa punong barangay ng Dasma Village na si Rossana Hwang. Nagbigay ng kanya-kanyang opinyon ang netizens sa Twitter at marami sa mga ito ang hindi pabor sa balak ng senador na paimbestigahan ang pagkalat sa social media ng sulat na ipinadala sa kanya…
Read MoreMALABON, MAY 3 KASO NA NG COVID-19 POSITIVE
MAY tatlong kaso na ng COVID-19 positive ang naitala sa Lungsod ng Malabon. Sa post ni Mayor Lenlen Oreta sa kanyang facebook account, kahapon, March 27, kinumpirma ng City Health Department ang pangatlong pasyente na mula sa Barangay Dampalit. “Mag-expect tayong tataas pa ito sa mga susunod na araw. Muling pinaaalalahanan ang lahat na sumunod sa mga alituntunin ng enhanced community quarantine. Maging responsable upang masigurong ligtas laban sa COVID-19” base sa kanyang post. Ang pangalawang pasyente naman ay mula sa Barangay Acacia ngunit naka-confine ito sa isang ospital sa…
Read More