NABULABOG ng magnitude 5.1 na lindol ang La Union na nakaapekto sa ilang lugar sa Luzon, kasama na ang Metro Manila. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong ala-1:17 ng hapon nang maitala ang lindol na ang sentro ay natunton sa layong 17-kilometro ng San Fernando, La Union. Naramdaman ang Intensity IV sa Labrador, Pangasinan; Intensity III sa Quezon City at Intensity II sa Navotas City; San Jose del Monte, Bulacan. Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Dagupan City; Intensity II…
Read MoreMonth: May 2020
Mga kongresista nakaabang CALIDA MAY PASABOG PA VS ABS-CBN
INAABANGAN pa rin ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang ‘pasabog’ ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN dahil muli itong inimbitahan sa susunod na pagdinig sa prangkisa ng network. Itinakda ng House committee on legislative franchise na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez at Committee on good government and public accountability ni Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado ang susunod na pagdinig sa Lunes, Hunyo 1, 2020 ng umaga. Si Calida, nanghain ng quo warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN sa Korte, ay inimbitahan ng dalawang nabanggit…
Read MoreKumikita na sa ilegal channel, nakaiwas pa sa buwis ABS-CBN ‘TUBONG LUGAW’
DOBLE-DOBLENG kita ang kinakamal umano ng ABS-CBN dahil sa kanilang illegal channels bukod pa sa nakaiwas ang mga ito sa pagbabayad ng tamang buwis noong 2018. Sa pagdinig ng House committee on legislative franchise at good government and public accountability, sinabi ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta, siyang tumayong ‘main oppositor’ sa prangkisa ng nasabing network, doble ang kita ng network sa kanilang tv plus box at kapamilyang box office channel. “Multiple channels in one franchise. Mga kababayan, inabuso po ng ABS-CBN ang kanilang prangkisa. Sa hindi po nila maipaliwanag na…
Read MoreNahuli sa COVID-19 clinic sa Pampanga 2 CHINESE NAT’L INILAGAY SA BI ALERT LIST
INILAGAY sa alert list ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals na nahuling nag-o-operate ng underground clinic para sa COVID-19 patients sa Pampanga noong nakaraang Linggo. “We have placed them on our alert list to prevent them from leaving the country and ensure their presence while they are undergoing criminal and administrative investigation for their alleged offenses,” ani BI Commissioner Jaime Morente. Kinilala ni Morente, ang dalawang Chinese na sina Liu Wei at Hu Shiling, at walang linaw kung kailan sila pababalikin sa kanilang bansa. Ang mga ito…
Read MoreFAST COVID-19 TEST RESULT NG CHINESE WORKERS INALMAHAN
INALMAHAN ni Senador Risa Hontiveros ang VIP treatment sa mga Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Hindi naitago ng senadora ang galit nang malaman nitong apat na araw lamang ang kailangan para makuha ang resulta ng COVID-19 test ng mga ito. “Four days lang nakuha agad ng Chinese workers sa Fontana ang COVID-19 results nila habang marami sa mga OFW natin ay mahigit isang buwan naka-quarantine dahil wala pa ang sa kanila,” giit pa ni Hontiveros. “Hindi tama ito. Hindi tayo 2nd class citizens sa sarili…
Read MoreBUS PAPAYAGAN NA SA GCQ
PUPUWEDE nang makabiyahe ang mga pampasaherong bus sa sandaling maibaba ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila. Pero ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, limampung porsyento lang ng kapasidad ng mga pasahero ang maisasakay sa bawat bus. “Under GCQ, ang buses papayagan na rin ‘yan pero 50% capacity at mayroon dapat provisions diyan ng minimum health standards,” ayon sa kalihim. “Yung mga upuan niyan ay hindi talaga dapat uupuan lahat, may alternately, nasa kanan yung una, yung susunod nasa kaliwa and so on and so forth,”…
Read MoreDOKTOR AT NURSE SA BAWAT SCHOOL, ITINUTULAK SA KAMARA
UPANG maproteksyunan ang 27 milyong estudyante sa mga pampublikong paaralan, ipinanukala ng mga militanteng mambabatas sa Kamara na maglagay ng isang doctor at isang nurse sa bawat eskuwelahan sa buong bansa. Sa ilalim ng House Bill (HB) 6837 na inakda ng Makabayan bloc sa Kamara, mas mahaba anila ang oras ng mga estudyante sa kanilang eskuwelahan kaya nararapat lamang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. “Public schools, therefore, have the potential of being the place where children can be provided with preventive, curative, and supportive interventions,” ayon sa nasabing panukala. Gayunpaman anila,…
Read More48 AFP MAMBERS POSITIBO SA COVID
UMABOT sa 48 miyembro ng Armed Forces of the Philippines ang nagpositibo sa COVID-19 ngunit nilinaw ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, nakabalik na ang mga ito sa kanilang tungkulin at muling lumalaban sa paglaganap ng coronavirus virus. Ayon kay Arevalo, sa bilang na 48 na nagpositibo sa COVID -19, nasa 35 ang gumaling na at sumasabak nang muli sa kanilang mga trabaho. Siyam naman sa mga nag positibo ay nakarekober na rin ngunit hinihintay ang final clearances para makumpirmang sila ay COVID-19 free na at handa na muling…
Read More‘NEW NORMAL’ GUIDELINES, OK NA SA KAMARA
APRUB na sa special panel ng House of Representatives ang panukalang maglalatag ng mga patakaran kung paano ipatutupad ang “new normal” sa public spaces, trabaho at komunidad. Ang panukalang “The Better Normal for the Workplace, Communities, and Public Spaces Act of 2020” ay inaprubahan ng House’s Defeat COVID-19 Committee (DCC) at sa susunod na linggo ay nakatakdang isalang sa House Plenary para sa deliberasyon. Nakalatag sa panukala ang ipatutupad na measures ng pamahalaan sa pagpapairal ng “new normal” na pamumuhay habang nasa pandemic ang bansa. Inaasahang iiral ang “new normal…
Read More