PANLOLOOB SA PAWNSHOP NAPURNADA SA ALARMA

CAVITE – Pinaghahanap ng mga pulis ang isang lalaki na pumasok sa isang pawnshop sa bayan ng Silang sa lalawigan, subalit napurnadang tumangay ng kahit anomang bagay makaraang tumunog ang alarm nito noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:35 ng gabi, pinasok ng ‘di nakilalang suspek ang Villarica Pawnshop sa AFP Housing sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite sa pamamagitan ng pagsira sa bubong nito gamit ang steel bar.

Ngunit nang makapasok ay biglang tumunog ang alarm na nakaagaw ng atensiyon sa bystanders na humingi ng tulong sa mga awtoridad habang ang suspek ay nataranta kaya tumakas sa ‘di nabatid na direksyon at naiwan ang isang steel bar, isang plier, isang pulang ball cap na may marking na “Doges”, isang blue t-shirt at isang pares ng pulang tsinelas.

Dumating naman ang isang representative ng pawnshop kung saan idineklarang walang anomang bagay sa loob na nawala o natangay ng suspek.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa kalapit na establisyemento para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

4

Related posts

Leave a Comment