3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA MALABON

TATLO ang namatay dahil sa COVID-19 sa Malabon City habang 38 ang nadagdag na nagpositibo at 38 ang mga gumaling sa naturang sakit. Ayon sa City Health Department, ang tatlong binawian ng buhay ay mula sa mga barangay ng Concepcion at Tañong. Ang mga bagong naitalang kaso ay naitala sa Barangays Acacia (3), Baritan (2), Bayan-bayan (4), Catmon (2), Hulong Duhat (4), Ibaba (2), Maysilo (1), Niugan (2), Panghulo (3), San Agustin (2),Santulan (3), Tinajeros (1), Tonsuya (8), Outside Malabon (1). Habang ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling na…

Read More

COVID DEATHS SA CALOOCAN: 116

UMABOT na sa 116 mula sa dating bilang na 109, dalawang araw ang makalipas, ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan City. Ayon sa Caloocan City Health Department, hanggang alas-5:00 ng hapon noong Hulyo 30, umabot na sa 2,378 ang nagpositibo sa COVID sa lungsod habang 1,526 ang gumaling. Samantala, hindi bababa sa 70 curfew violators at gumagalang walang suot na face mask, ang dinampot ng pulisya. Samantala, mahigpit ang tagubilin ni Mayor Oca Malapitan na palaging magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay. Hinimok din ng alkalde…

Read More

BIKER SINURO NG HI-ACE VAN

SUGATAN ang isang 40-anyos na vendor makaraang suruin ng Hi-Ace van habang lulan ng bisekleta, sa tapat ng Manila City Hall sa Ermita, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center na si Raffy Cañete, binata ng Cortada St., Ermita, Manila. Agad namang sumuko sa pulisya ang tsuper ng Hi-Ace van na si Algie Caranto, nasa hustong gulang, ng Dasmariñas, Cavite. Base sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Investigation Unit, bandang alas-8:10 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Padre Burgos (southbound)…

Read More

2 AGAW-ARMAS UMATAKE SA QC, SEKYU SUGATAN

SUGATAN ang isang security guard makaraang agawin ang kanyang service firearm at barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Barangay Philam Homes, Quezon City nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Mark Angelo Solayao y Biong, 33-anyos, residente ng Madjaas St., Group II, Area B, Brgy. Payatas sa nabanggt na lungsod, nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital. Ayon sa saksing si Reymart Junio, 29, salesman, ng #164 Baler Street, Barangay Paltok, Quezon City, habang naka-duty ang biktima sa #957 Pedrollo Bldg. sa EDSA,…

Read More

2M TARGET COVID TESTS SA AGOSTO

KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan. Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami nang test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na. “As of July 26”, sinabi ni Dizon na nasa 1.4 milyong test na ang nasa kanilang talaan na sumalang sa COVID-19 test. Puntirya ng gobyerno na makapagsagawa ng 10 milyong test hanggang 2021 sa harap ng pagsisikap ng gobyernong matukoy, ma-trace…

Read More

Bukod sa face mask PUBLIKO OOBLIGAHIN DIN MAG-FACE SHIELD

PLANONG obligahin na rin ng pamahalaan ang publiko na gumamit ng face shield sa mga pampublikong lugar bilang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. Bahagi rin ito ng “minimum health standards” para mapigil ang pagkalat ng COVID-19. “Magkakaroon po tayo ng stringent enforcement of minimum health standards. Ito po ‘yung hugas kamay, suot ng mask at social distancing, at pagsuot na rin…ng face shield,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa kabilang dako, sinabi naman ni Trade Secretary Mon Lopez na kinukonsidera ng pamahalaan ang mandatory na pagre-require sa mamamayan…

Read More

NCR mananatili sa GCQ LOCALIZED LOCKDOWN HIHIGPITAN

MANANATILING nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region, simula ngayong araw, Agosto 1 ngunit mas mahigpit na localized lockdown ang paiiralin. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address na isinailalim din niya ang Cebu City under general community quarantine (GCQ) simula rin ngayong araw. Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ ay Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal para sa Luzon; Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla at Consolacion para sa Visayas; at Zamboanga City para sa Mindanao. Ang natitirang…

Read More

SOLONS INISNAB NG DILG

HINDI naitago ng ilang mambabatas sa Kamara ang pagkairita sa Department of Interior and Local Government (DILG) matapos isnabin ang kanilang imbestigasyon sa problema ng mga Local Stranded Individual (LSI). “How can it be that the department in charge is not even here to shed light on the problem that,” pahayag ni House committee on good government and public accountability vice chairman Mike Defensor ng Anakalusugan party-list. Idinaan na sa virtual ang pagdinig kung saan hindi na kailangang pumunta nang personal si Secretary Eduardo Año o sinoman sa kanyang kinatawan…

Read More

5 PANG RUBBER GATES NG BUSTOM DAM LALAGYAN DIN NG SUPPORT BARRIER

NAIS ni Governor Daniel Fernando na malagyan din ng support barrier ang lima pang natitirang rubber gates ng Bustos Dam habang hindi pa napapalitan ang mga ito upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayang Bulakenyo. Nanawagan din ang gobernador sa kapwa niya Bulakenyo na huwag matakot o mag-panic mula sa mga maling impormasyon kaugnay ng kasakukuyang kalagayan ng Bustos Dam dahil ginagawang lahat ng lokal na pamahalaan ang mas makabubuting paraan upang mapanatiling maayos at ligtas sa taumbayan ang naturang dam. Kahapon ay muling binisita ni Fernando kasama si Bulacan National…

Read More