3 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA MALABON

TATLO ang namatay dahil sa COVID-19 sa Malabon City habang 38 ang nadagdag na nagpositibo at 38 ang mga gumaling sa naturang sakit.

Ayon sa City Health Department, ang tatlong binawian ng buhay ay mula sa mga barangay ng Concepcion at Tañong.

Ang mga bagong naitalang kaso ay naitala sa Barangays Acacia (3), Baritan (2), Bayan-bayan (4), Catmon (2), Hulong Duhat (4), Ibaba (2), Maysilo (1), Niugan (2), Panghulo (3), San Agustin (2),Santulan (3), Tinajeros (1), Tonsuya (8), Outside Malabon (1).

Habang ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling na mga pasyente ay mula sa BarangayS Acacia (5), Baritan (1), Catmon (1), Hulong Duhat (6), Maysilo (2), Panghulo (5), Potrero (3), Tañong (4),Tinajeros (3), Tonsuya (1), Tugatog (6), Outside Malabon (1).

Sa huling ulat ng City Health Department hanggang alas-5:00 ng hapon noong Hulyo 30, umabot na sa 1,673 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod, 723 dito ang active cases, 838 anggumaling at 112 naman ang binawian ng buhay.

Samantala, alinsunod sa polisiya ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID), pinangunahan ng City Health Department ang mas agresibong mass testing sa Barangay Longos covered court upang mag-swab testing sa mga residente ng Block 14 A at C Phase 2. Dala nila ang swabbing van at booths para makapag-test ng 185 residente. Kaagapay ng health workers ang mga miyembro ng Malabon City Police upang masiguradong ma- swab ang lahat na natukoy ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

Kaugnay nito, hinihikayat ng Malabon LGU ang lahat na huwag matakot sumailalim sa mass testing, para sa kaligtasan ng lahat. (FRANCIS SORIANO)

135

Related posts

Leave a Comment