2021 AVC Asia Men’s Club Volleyball Championship REBISCO MEN’S TEAM GAGANTI

Ni ANN ENCARNACION

NASA Thailand na para sa 2021 AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship ang Rebisco men’s volleyball team.

Sisimulan ng koponan sa ­pangunguna ni team captain John Vic De Guzman, ang kampanya ng Rebisco men’s volleyball team sa Thailand sa Biyernes.

Bumiyahe Miyerkoles ng gabi ang national men’s squad upang ipagpatuloy ang magandang na­simulan sa kanilang historic silver medal finish noong 2019 Southeast Asian Games na ­ginanap sa bansa.

Naniniwala si coach Dante ­Alinsunurin na kahit hindi nakasama sina Marck Espejo at Bryan Bagunas, maglalaro para sa Tokyo at Oita Miyoshi sa Japan V.League (ayon sa pagkakasunod), lalaban pa rin ng husto ang kanilang mga kasamahan sa AVC Men’s Club.

“We always focus on team effort in every game,” giit ni Alinsunurin. “It is very important for us to compete to sustain the gains of our men’s volleyball program.”

Nagpalakas sa Batangas sa ilalim ng bubble training, kahanay ang Rebisco sa Pool A na kinabibilangan din ng Iran’s Sirjan Foulad, Al-Arabi ng Qatar, Diamond Food ng host country Thailand at AGMK ng Uzbekistan.

Unang makakasagupa ng Rebisco men’s team sa Biyernes ang Sirjan Foulad ng Iran.

Tatangkain ng Philippine men’s team na bumawi matapos mabigo ang national women’s squad sa AVC Women’s Club.

104

Related posts

Leave a Comment