UMABOT sa 12 katao ang ang nagpositibo sa 70 individuals na isinailalim sa COVID-19 testing sa Brgy. Apolonio Samson, na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City kamakailan. Ito ang lumabas sa isinagawang expanded covid testing ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit sa Magsalin Compound sa naturang barangay. Tatlo sa mga ito ang close contact ng mag-asawang unang nagpositibo sa COVID-19. Isa sa mga ito ay senior citizen at dalawa ang menor de edad. Ang nasabing lugar ay kasalukuyan naka-lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.…
Read MoreDay: January 21, 2021
Posible pang lumobo ang bilang ng pambansang delegasyon sa XXXII Olympics
SA opisyal na listahan ang Pilipinas sa kasalukuyan ay may apat pa lamang na atletang makalalahok sa darating na XXXII Games of the Olympics na gaganapin sa Tokyo sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. Ito ay sina Eumir Marcial at Irish Magno ng boxing, Carlos Yulo ng gymnastics, at pole vaulter Ernest John Obiena ng athletics. Ang weightlifter na si Hidilyn Diaz at ang golfer na si Yuka Saso ay hindi pa opisyal na nakakuha ng tiket papuntang Tokyo. Subalit sa darating na Abril at Hunyo, ang pangalan ng dalawang…
Read MoreISA NA NAMANG OFW NA BIKTIMA NG PANG-AABUSO SA SAUDI ARABIA
HALOS hindi ko na mabilang kung gaano kadami ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Middle East ang humingi ng saklolo dahil sa nararanasang pang-aabuso mula sa kanilang mga amo. Ayoko isipin na marami sa mga kababayan natin na nagtutungo lalo na sa Kingdom of Saudi Arabia (K.S.A.) para doon magtrabaho ang madalas na dumadaan sa ganitong sitwasyon. Pero ang mahalaga kapag may kababayan tayong humihingi ng tulong ay agad-agad kumikilos kami sa AKOOFW para ipaabot ang mahalaga at sapat na tulong para sa kanila. Sino pa ba ang tutulong…
Read MoreANO BA PLANO NI LORENZANA?
HINDI lang mga mag-aaral, propesor, instraktor at pamunuan ng University of the Philippines (UP) ang nagulat sa desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kundi maging ang mga mamamahayag. Siyempre, panibagong istorya ang pagpapawalang – bisa ni Lorenzana sa kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at UP. Noong Hunyo 1989 pa ang kasunduang ito. Pinagtibay lang nito ang kasunduan nina Defense Minister Juann Ponce Enrile at pambansang tagapangulo ng League of Filipino Students (LFS) na si Sonia Soto kung saan nilagdaan nilang dalawa noong 1981. Ang dami-daming problema…
Read MoreSALVAGE VICTIM, ITINAPON SA PALAYAN
LAGUNA – Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuan sa isang palayan sa bayan ng Pila. Alas-5 ng madaling araw kanina nang matuklasan ng mga nagdya-jogging sa Pila Road, Brgy. Tubuan ang mga biktima na tinatayang nasa edad 30-35. Inilarawan ang isa sa mga ito na nakasuot ng maong na pantalon, dilaw na pang-itaas habang ang isa ay naka-itim na pantalon at itim na jacket, puting sapatos at may mga tattoo sa katawan. Kapwa may mga tama ng bala sa ulo ang mga ito…
Read More7 PULIS BINANGONAN SABIT SA EXTORTION
INIUTOS ni Philippine National Police chief, Gen. Debold Sinas na imbestigahan ang pitong pulis ng Binangonan, Rizal dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa extortion activities at pakikipagsabwatan umano sa isang nakakulong na pulis. Nabatid na kabilang sa mga sabit sa kaso kasunod ng isinagawang operation ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), si Lt Col. Ferdinand Ancheta, ang hepe ng Binangonan PNP, dahil sa ‘command responsibility’. Kinilala ang mga pulis na iniutos na isailalim sa pagsisiyasat na sina PSMS. Randy Andanar, PSSG. Joel Acosta, PSSG. Joe Sevillena, PCPL.…
Read MoreP3.4-M SHABU NASABAT SA MALL PARKING LOT
CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska makaraang madakip ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Cavite City. Kinilala ang mga arestado na sina Aliakbar Pangandamun at Halil Hamal, pawang nasa hustong gulang. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon noong Miyerkoles nang magkasa ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A-Cavite, ng buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga…
Read MoreANIMAL, PLANT INTEGRATED LAB ITATAYO NG DA
PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang laboratory network system para sa kanilang patuloy na paglaban sa infectious diseases katulad ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy, avian influenza (AI) sa mga manukan, at foot and mouth disease (FMD) sa iba pang alagang hayop, panama disease sa saging, at fall armyworm (FAW) sa mais, sibuyas at marami pang iba. “We are adopting an integrated ‘OneDA’ laboratory masterplan that incorporates international bio-risk management standards and best practices on biosafety and biosecurity measures, regulations, and certifications,” ani Agriculture Secretary…
Read MoreBODYCAMS SA MGA PULIS, ATRASADO NA
NAIS alamin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung bakit nade-delay ang implementasyon sa pagpapagamit sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ng bodycam sa kanilang operasyon. Base sa House Resolution (HR) 1480 na ihinain ng Makabayan bloc sa Kamara, mistulang nagdududa ang mga ito na sadyang dine-delay dahil mahigit dalawang taon na umano ito subalit hindi pa nabibili ang mga bobycam. “The continued delay in the implementation of body cameras that will be used by the police, is disservice to the people,” ayon sa resolusyon ng mga militanteng mambabatas…
Read More