Nawalan ng raket sa pandemya BUHAY TINAPOS NG ENTERTAINER

NAGBIGTI ang isang 21-anyos na entertainer dahil sa matinding depresyon nang mawalan ng raket dahil sa pandemya sa COVID-19, sa inuupahang kuwarto sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang biktimang si Joshua Dela Paz, live-in partner, naninirahan sa panulukan ng San Andres at Adriatico street sa Malate. Base sa ulat ni Det. Mark Daniel De Guzman ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-3:47 ng hapon nitong Huwebes nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa kumot sa inuupahan nilang kuwarto. Ayon sa ka-live in, mula nang mag-pandemic, hindi na…

Read More

QC RESIDENT NAKAREKOBER SA UK COVID VARIANT

INANUNSYO ng Quezon City government nitong Biyernes, ang residenteng nag-positive sa UK COVID-19 variant, ay negatibo na base sa isinagawang pinakabagong swab test. Ayon kay Dr. Rolly Cruz, pinuno ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), ang mga doctor sa quarantine facility kung saan nanunuluyan ang pasyente. ay nagsagawa ng final assessment bago pa man ideklarang fully recovered na ito. “After that, he would be allowed to reunite with his family and reintegrate with the community,” ani Cruz. Ngunit sinabi ni Cruz na mananatili pa rin ang pasyente sa…

Read More

BULACAN NAKAPAGTALA NG 96% RECOVERY RATE SA COVID-19

LUNGSOD NG MALOLOS- Sa lahat ng probinsiyang nakapalibot sa National Capital Region (NCR), ang lalawigan ng Bulacan ang umani ng mga papuri mula sa pamahalaang nasyunal dahil sa pagkakamit ng pinakamababang infection rate at nakapagtala ng pinakamataas na recovery rate na 96 porsyento at walang namatay sa nakalipas na mga buwan kaugnay ng kaso ng Coronavirus disease o COVID-19. Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando, isang paraan ang disiplina sa sarili na siyang pinakamabisang panlaban sa nasabing nakamamatay na virus habang hinihintay pa ang bakuna. Muling binigyang diin ng gobernador…

Read More

HOLDAPAN SA ANTIPOLO, 1 PATAY

RIZAL – Patay ang isa umanong holdaper habang nakatakas ang dalawang kasama nito matapos nilang mambiktima sa Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, Antipolo City kahapon ng alas-3 ng madaling araw. Dumulog sa Antipolo City Police Station ang biktimang si William Conde makaraan itong holdapin ng tatlong armadong kalalakihan na magkakaangkas sa motorsiklo sa Cogeo Gate 2, Brgy. Sta. Cruz. Agad ikinasa ang dragnet operation ng pinagsamang operatiba ng RMFB, RID RSOU, RID4-A RIZAL at Highway Patrol Group – Rizal at bandang alas-3:55 ng madaling araw ay namataan nila ang tatlong…

Read More

SOLID WASTE COMPANY IPINASARA NG MONTALBAN LGU

INISYUHAN ni Rodriguez, Rizal Municipal Mayor Dennis Hernandez ng Cease and Desist Order ang Greenleap Solid Waste Management, Inc. matapos ireklamo ng komunidad, mga lider Muslim at ang National Commission on Muslim Filipino. Nakarating sa kaalaman ng Department of the Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources at Montalban LGU ang reklamo hinggil sa umano’y paghuhukay sa lugar na apektado ang Muslim Cemetery. Kasunod ng CDO ay inatasan ni Mayor Hernandez ang kumpanya na sagutin ang mga rekamo at magpanukala ng mga solusyon bago niya alisin o…

Read More

GURO ITINUMBA SA EATERY

QUEZON – Patay ang isang lalaking guro matapos na barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang eatery sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Sariaya Police ang biktima na si Domingo Jaron, 56, residente ng Barangay Lutucan. Batay sa report, dakong alas-10:00 ng gabi, nasa loob ng eatery sa Guis Guis-Lutucan national road ang biktima nang pumasok ang suspek na bumaba mula sa isang walang plakang motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek. Pagkaraan ay walang sabi-sabing pinagbabaril ng suspek ang biktima…

Read More

2 KOREAN ILLEGAL WORKERS, HULI SA CEBU

CEBU – Nadakip ng Intelligence agents ng Bureau of Immigration (BI) noong Lunes ng hapon ang dalawang Koreano na nagtatrabaho sa Pilipinas nang walang working visa. Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang mga arestado na sina Kang Jiwon, 41, at Han Sungmin, 45-anyos. Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng BI ID Regional Intelligence Unit-7 sa isang posh resort sa Barangay Agus Road, Lapu-lapu City. Ayon kay Manahan, isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente, kasunod ng…

Read More

DAVAO REGION PATULOY NA MINO-MONITOR SA ASF

SA kabila ng banta ng COVID-19, pangunahin pa ring binabantayan ng Department of Agriculture (DA)-XI ang lagay ng African Swine Fever (ASF) sa rehiyon, partikular na ang Davao Oriental at Davao de Oro. Sa Davao Oriental, kinumpirma ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL)-XII na ang isinumiteng samples mula Mati City ay ASF-positive, sa isinagawang meeting ng DA-XI kasama ng City Veterinarian’s Office noong Disyembre 17, 2020, upang talakayin ang mga hakbang na ipinatupad ng LGUs para sa disease control and prevention. Ang Mati City LGU ay nagkaroon ng meeting…

Read More

Isinisi sa kapabayaan ng DPWH MARAMING KALYE SA NCR, WALANG ILAW

NADISKUBRE ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na maraming bahagi ng malalaking kalsada sa National Capital Region (NCR) ang walang ilaw. Aniya, obligasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtitiyak na patuloy na may ilaw sa mga lansangan. Sinabi ni Abalos sa mga opisyal ng DPWH at Department of Transportation (DOTr) sa kanilang pulong kamakailan na ang “Public safety is our utmost priority. Only one busted or broken light would endanger lives”. Sa kalatas ng MMDA, idiniin ng bagong pinuno ng MMDA…

Read More