ITO ang paglilinaw kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna ng mga balita at haka-hakang pinakakalat umano ng mga sumasalungat sa ginawang unilateral abrogation ng kagawaran sa “No cops, no troops on campus” deal. Ayon kay Lorenzana, “We do not intend to station military troops inside campuses. We do not wish to suppress activist groups, academic freedom and their freedom of expression”. Kasabay nito ang paglalatag ng kalihim ng kanyang apat na punto: Na ito ay hindi curtailment ng academic freedom; ‘This will not impair their freedom of speech,…
Read MoreMonth: January 2021
Para makarekober sa ASF HOG RAISERS PINAKUKUHA NG INSURANCE
HINIKAYAT ni Agriculture Secretary William D. Dar ang backyard at commercial hog raisers na kumuha ng insurance packages para marekober sila sa kanilang investments sakaling hagupitin sila ng African Swine Fever (ASF). “As the Department of Agriculture (DA) intensifies efforts to encourage hog raisers to get back to business and, ultimately, help pork production rebound, availing of an insurance coverage is a prudent safety net for existing raisers and for those in ASF-free areas who will venture into this business,” ani secretary Dar. “Insurance offers stronger security in protecting one’s…
Read MoreP70-M SMUGGLED PRODUCTS NASABAT SA PARAÑAQUE
NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) noong Miyerkoles ang P70 milyong halaga ng smuggled goods sa isang warehouse sa Parañaque City. Kasama sa nakumpiska ng BoC raiding team ang mga damit, gamot, sapatos, sigarilyo, surgical mask, at pagkain na pawang mga produktong gawang China, sa isang warehouse sa Quirino Avenue, Brgy. Tambo ng nabanggit na lungsod. Nagharap ng ‘Letter of Authority’ sa warehouse ang raiding team na binubuo ng mga miyembro ng Enforcement and Security Service, Philippine Coast Guard, National Bureau of Investigation, at Port’s Customs Intelligence…
Read More54 RIDERS TINIKITAN SA MALING HELMET
UMABOT sa 54 motorcycle riders ang tinikitan ng mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) dahil sa hindi pagsusuot ng standard na helmet, sa ikinasang operasyon noong Miyerkoles ng umaga. Naaktuhan ng mga tauhan ng i-ACT Special Operations Team sa kanilang operasyon sa Bgy. Ususan, Taguig City, ang motorcycle riders na karamihan ay gumagamit o nakasuot ng “nutshell” helmet na karaniwang isinusuot ng mga nagbibisikleta at nag-i-skateboarding. Tinatawag ang nasabing helmet bilang “nutshell” dahil kalimitan ang itaas na bahagi lamang ng ulo ang natatakpan nito at walang visor sa…
Read More12 POSITIBO SA COVID-19 SA 1 BARANGAY SA QC *1 komunidad sa Navotas ni-lockdown
UMABOT sa 12 katao ang ang nagpositibo sa 70 individuals na isinailalim sa COVID-19 testing sa Brgy. Apolonio Samson, na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City kamakailan. Ito ang lumabas sa isinagawang expanded covid testing ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit sa Magsalin Compound sa naturang barangay. Tatlo sa mga ito ang close contact ng mag-asawang unang nagpositibo sa COVID-19. Isa sa mga ito ay senior citizen at dalawa ang menor de edad. Ang nasabing lugar ay kasalukuyan naka-lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.…
Read MorePosible pang lumobo ang bilang ng pambansang delegasyon sa XXXII Olympics
SA opisyal na listahan ang Pilipinas sa kasalukuyan ay may apat pa lamang na atletang makalalahok sa darating na XXXII Games of the Olympics na gaganapin sa Tokyo sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. Ito ay sina Eumir Marcial at Irish Magno ng boxing, Carlos Yulo ng gymnastics, at pole vaulter Ernest John Obiena ng athletics. Ang weightlifter na si Hidilyn Diaz at ang golfer na si Yuka Saso ay hindi pa opisyal na nakakuha ng tiket papuntang Tokyo. Subalit sa darating na Abril at Hunyo, ang pangalan ng dalawang…
Read MoreISA NA NAMANG OFW NA BIKTIMA NG PANG-AABUSO SA SAUDI ARABIA
HALOS hindi ko na mabilang kung gaano kadami ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Middle East ang humingi ng saklolo dahil sa nararanasang pang-aabuso mula sa kanilang mga amo. Ayoko isipin na marami sa mga kababayan natin na nagtutungo lalo na sa Kingdom of Saudi Arabia (K.S.A.) para doon magtrabaho ang madalas na dumadaan sa ganitong sitwasyon. Pero ang mahalaga kapag may kababayan tayong humihingi ng tulong ay agad-agad kumikilos kami sa AKOOFW para ipaabot ang mahalaga at sapat na tulong para sa kanila. Sino pa ba ang tutulong…
Read MoreANO BA PLANO NI LORENZANA?
HINDI lang mga mag-aaral, propesor, instraktor at pamunuan ng University of the Philippines (UP) ang nagulat sa desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kundi maging ang mga mamamahayag. Siyempre, panibagong istorya ang pagpapawalang – bisa ni Lorenzana sa kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at UP. Noong Hunyo 1989 pa ang kasunduang ito. Pinagtibay lang nito ang kasunduan nina Defense Minister Juann Ponce Enrile at pambansang tagapangulo ng League of Filipino Students (LFS) na si Sonia Soto kung saan nilagdaan nilang dalawa noong 1981. Ang dami-daming problema…
Read MoreSALVAGE VICTIM, ITINAPON SA PALAYAN
LAGUNA – Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuan sa isang palayan sa bayan ng Pila. Alas-5 ng madaling araw kanina nang matuklasan ng mga nagdya-jogging sa Pila Road, Brgy. Tubuan ang mga biktima na tinatayang nasa edad 30-35. Inilarawan ang isa sa mga ito na nakasuot ng maong na pantalon, dilaw na pang-itaas habang ang isa ay naka-itim na pantalon at itim na jacket, puting sapatos at may mga tattoo sa katawan. Kapwa may mga tama ng bala sa ulo ang mga ito…
Read More