INUMPISAHAN na ni Senador Imee Marcos ang congressional hearings para masigurong matutuloy ang national at local elections na naka-iskedyul sa 2022, pagsasaalang-alang na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte kontra sa pagpapaliban nito. Sa kabila ng pagpapaliban sa mga eleksyon sa ibang bansa nitong nakaraang taon, sinabi ni Marcos hindi mapipigilan ang Senate committee on electoral reforms and peoples’ participation na pinamumunuan niya na maghanap ng tama at kaukulang pandemic-related measures para masigurong ligtas para sa mga botante at poll watchers ang eleksyon. Nitong January 19 lang, nakapagtala ang International…
Read MoreMonth: January 2021
ROQUE, SINOPLA NI SOTTO
IMBENTO! Ganito inilarawan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa paghahambing na ‘warlike’ ang hearing ng Senado sa vaccination program. “I wonder if Sec. Roque watched the hearing for 9 hrs. Tell me when, what time and who was war-like or even was shouting to any of the resource persons. Imbento!” giit ni Sotto. Sinabi ni Sotto na sa haba ng hearing ay wala siyang matandaaang pagkakataon o kahit sinong senador na nagtaas ng boses sa mga resource person. “I painstakingly stayed…
Read MoreUP-DND ACCORD, IPASOK NA LANG SA UP CHARTER
ISINUSULONG ng apat na senador ang panukala para sa pag-amyenda sa charter ng University of the Philippines upang bigyang-diin ang academic freedom. Ang Senate Bill 2002 ay inihain nina Senators Joel Villanueva, Sonny Angara, Nancy Binay at Grace Poe kasunod ng unilateral termination ng 1989 UP-Department of National Defense accord. “The UP-DND accord is not a ‘do not enter’ sign that bars law enforcement from entering the campus. It is not a wall which obstructs justice or deters the solution or prevention of crime,” pahayag ng mga senador sa kanilang…
Read MoreIkinasa ng PM laban kina Velasco, Garbin ‘PALENGKE CHALLENGE’ SA CHA-CHA
HINDI tatantanan ng mga organisadong manggagawa ang mga kongresistang nagsusulong ng pag-amiyenda sa Konstitusyong 1987 dahil labis na naniniwala ang pinakamalaking bilang ng “marginalized sector” ng lipunang Pilipino na hindi ito tamang solusyon sa kanilang napakatagal nang suliranin sa pagtatrabaho. Kahapon, ikinasa ng Partido Manggagawa (PM) ang hamon sa mga kongresistang nagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha) na magsitungo sila sa mga palengke upang alamin nang diretso sa mamamayang Pilipino kung pabor sila sa pagbabago ng Saligang Batas, o hindi. Bagamat hindi binanggit sa kanilang kalatas, ang hamon ay tinawag ng…
Read MoreCarbon Market ng Megawide FUTURE DESIGN LANDMARK
MATAPOS ang kanilang matagumpay na pagbuo at pagpapatakbo ng Mactan Cebu International Airport na nagwagi ng maraming pandaigdigang parangal, nagwagi rin kamakailan ang Megawide sa muling pag-develop ng Carbon Market sa Cebu. Ang Carbon Market ang pinakaluma at pinakamalaking merkado ng magsasaka sa lungsod ng Cebu. Kamakailan ay nagwagi ang Megawide ng panukalang P5.5 bilyong muling pagpapaganda upang ibahin ang Carbon Market sa isang bagong palatandaan ng hinaharap na disenyo. Kapatid ni Gov. Gwen Garcia Tulad ng ipinag-uutos sa ilalim ng batas, mayroong Swiss Challenge na sinubukan ng kapatid ni…
Read MoreIkakasa sa Kamara para sa ‘unusual side effect’ COMPENSATION SA ‘MADADALE’ SA BAKUNA
(BERNARD TAGUINOD) PINAG-AARALAN na ng House committee on health na gumawa ng batas para bigyan ng kompensasyon ang mga Pilipinong magkakaroon ng negatibong epekto o madadale sa ituturok na bakuna laban sa COVID-19. Ito ang nabatid kay Bataan Rep. Jose Enrique Garcia, vice chairman ng nasabing komite sa lingguhang Ugnayan sa Batasan forum kahapon kaugnay ng inihahandang mass vaccination ng gobyerno. “Isang nabanggit during the hearing is baka kinakailangang i-legislate yung compensation fund just in case there will be…yung mga mababakunahan ay magkaroon ng unusual side effect,” ani Garcia. Hindi…
Read MoreBilang bagong vaccinators NON-MEDICAL PRACTITIONERS SASANAYIN
SASANAYIN ang iba pang medical professionals bilang vaccinators sakaling maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Richard Gordon para sa implementasyon ng pambansang programa sa immunization sa panahon ng epidemya, pandemya at national health emergencies tulad ng COVID-19 pandemic. Sa pahayag, sinabi ni Gordon na may limitadong bilang lamang tayo ng doktor, nars at midwife na puwedeng tumulong sa pagbabakuna kaya inihain ang naturang panukala. “We filed a bill to expand the pool of vaccinators of the DOH by training other professionals such as dentists, veterinarians, medical technologists and even those…
Read MorePagpatay sa DND-UP accord LABAG SA KONSTITUSYON -CHR
KINAMPIHAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang University of the Philippines (UP) kaysa sa Department of National Defense (DND) sa pagsasabing labag sa Konstitusyon ang aksiyon ni Secretary Delfin Lorezana laban sa Pamantasan. Ayon sa CHR, nakabatay sa Artikulo XIV, Seksiyon 5 ng Konstitusyon ang “akademikong kalayaan” ng mga mag-aaral sa mga unibersidad at kolehiyo mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Idiniin din ng CHR na ang nasabing kasunduan ay espesipikong pagbibigay ng proteksyon sa mga mag-aaral ng UP mula sa anomang…
Read MoreDuterte pinakikilos sa mahal na pagkain GUTOM ‘WAG DEDMAHIN
KAILANGAN na ang personal na aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtaas ng presyo ng mga gulay, karne at iba pang pagkain dahil sikmura na ng mamamayang Pilipino ang nakataya lalo na ang mahihirap. Sa virtual press conference kahapon, sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro na dinedma at halos walang ginagawa umano ang mga ahensya ng gobyerno para pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gulay at mga karne kaya dapat bigyan na ito ng pansin ng pangulo. “Mukhang hindi na pinapansin ng ating gobyerno yung patuloy na…
Read More