KUMBINSIDO si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto na mali-maling impormasyon ang nakararating kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagdinig ng Senado hinggil sa vaccination program ng gobyerno. Ito ay makaraang sitahin ni Pangulong Duterte ang mga senador sa pagbibigay prayoridad sa pagbili ng bakuna mula sa Pfizer. “You senators want Pfizer? In Norway, 25 persons died after receiving Pfizer vaccination. Do you want it? We’ll order for you,” saad ni Duterte. Tumanggi naman si Sotto sa alok kasabay ng paninindigan na ipagpapatuloy ng Senate Committee of the Whole ang kanilang…
Read MoreMonth: January 2021
WIN: AYUDA SA MAG-AARAL SA ILALIM NG BAYANIHAN 2 IPAMAHAGI NA
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pabilisin ang paglalabas at pamamahagi ng ayudang inilaan sa extended Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2 (Republic Act 11494) sa kuwalipikadong mag-aaral ng basic education na humaharap sa problemang pinansyal dahil sa COVID-19 pandemic. Ito ay matapos ipamahagi ng Commission on Higher Education (CHED) ang ayudang nagkakahalaga ng limang libong piso (P5,000) sa halos limampu’t limang libong (54,761) mag-aaral sa pribadong kolehiyo na may hindi pa nababayarang tuition at miscellaneous fees. Ang ayudang ito ay ipinamahagi…
Read More182 PERSONNEL NG BULACAN PNP ISINALANG SA DRUG TEST
BULACAN – Sumailalim sa surprised drug test ang 182 personnel ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), sa pakikipag-koordinasyon sa Bulacan Crime Laboratory Office sa Camp. Gen. Alejo S. Santos sa Malolos City sa lalawigang ito, noong Lunes. Pinangunahan ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang sorpresang drug test at kabuuang 165 uniformed personnel at 17 non-uniformed personnel ang kaagad na sumailalim sa nasabing pagsusuri. Sinabi P/Col. Cajipe, patuloy nilang susuportahan ang PNP’s thrust for internal cleansing at titiyakin ang matinding pagsisikap ng Bulacan PNP na linisin ang kanilang hanay sa ‘rough…
Read More81-ANYOS NA LOLA, KINATAY SA BAHAY
BATANGAS – Patay ang isang 81-anyos na lola makaraang tadtarin ng saksak sa loob ng kanyang kwarto sa kanilang bahay sa Lipa City. Kinilala ng Lipa City Police ang biktimamg si Iluminada Lumbera Leynes, retiradong guro at nakatira sa Barangay Tangway. Batay sa report ng Lipa Police, ang mismong ang anak ng biktima na si Lizel Leynes, ang nakadiskubre sa duguang bangkay ng kanyang nanay na tadtad ng saksak bandang alas-5:00 noong Lunes ng hapon. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam kung may nawawalang kagamitan sa…
Read MoreBINATA PINATAY NG MAG-UTOL
QUEZON – Dead on the spot ang isang binata matapos pagbabarilin ng nakaaway na magkapatid at isa pang suspek sa Barangay Lusacan, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ng Tiaong PNP ang biktimang si Nico Mendoza, 21-anyos, habang kinilala ang mga suspek na ang magkapatid na sina sina Gerald at Divino Katigbak, at isang JeJay Ilagan, pawang mga residente ng nabanggit na lugar. Base sa imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-8:45 ng gabi, naglalakad ang biktima sa lugar kasama ang kanyang ama nang biglang…
Read More2 TIKLO SA P360K HIGH GRADE MARIJUANA
DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.3 milyon halaga ng high grade marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director, P/BGen. Eliseo Cruz ang arestadong mga suspek na sina Mark Lester Corpuz, 32, ng Banaba St., Pangarap Village, Caloocan City, at Norman Keith Frago, 28, ng Batangas City. Ayon kay P/BGen. Cruz, dakong alas-6:00ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni P/Maj.…
Read MoreRAPE SUSPECT ITINUMBA
PATAY ang isang 40-anyos na lalaking suspek sa panggagahasa makaraang pagbabarilin sa panulukan ng Pacheco at Madrid streets sa Tondo, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rolando Delos Reyes, may live-in partner, naninirahan sa nasabing lugar. Base sa ulat ni Det. Rodolfo Acosta III, ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-7:40 ng gabi nang pagbabarilin ng isa sa apat na mga suspek na pawang nakasakay sa motorsiklo, ang biktima sa naturang lugar. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, noong Disyembre 17, 2020, nakulong si Delos Reyes dahil…
Read MoreACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA UMAKYAT SA 220
PATULOY sa paglobo ang active cases sa Valenzuela na naitala sa 220 noong Enero 18. Nadagdagan naman ng dalawa ang confirmed cases sa lungsod na sa kasalukuyan ay 8,934 na ang bilang. Umabot na sa 8,452 ang recovered cases at 262 ang naitalang namatay. Samantala, isa sa apat na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City, ang binawian ng buhay noong Enero 18. Ayon sa City Health Office, pito naman ang gumaling sa nasabi ring araw. Umabot na sa 5,537 ang tinamaan ng COVID sa lungsod. Habang 5,306 na ang…
Read MoreTAGUIG CITY NAGHIHINTAY NG BAKUNA MULA SA NAT’L GOV
NAGHIHINTAY ang administrasyon ni Mayor Lino Cayetano sa bakuna na ibibigay ng pambansang pamahalaan na siyang pangunahing ituturok sa mga residente ng Lungsod ng Taguig upang maging ligtas mula sa COVID-19. Matapos gamitin ang bakunang galing sa pamahalaang nasyonal, gagamitin naman ng pamahalaang lungsod ang bakunang inorder ng huli mula sa AstraZeneca, pahayag ni Cayetano. “The national government’s allotment will come first. We expect it during the first quarter but that will be for medical frontliners and the vulnerable sectors so we have already been preparing our vaccination sites and…
Read More