BINALAAN ni Agriculture Secretary William Dar ang mga manininda ng gulay na kakasuhan sila kung masyadog mataas ang presyo ng kanilang mga paninda. Ani Dar, “We are already coming up with an economic intelligence to file charges against unscrupulous traders and profiteers”. Aniya, labag sa batas ang manipulahin at itaas nang husto ang presyo ng mga produkto tulad ng gulay. Labag din sa batas ang pagtatago ng mga produkto at itataas ang presyo pagkaraan ng ilang araw, patuloy ng kalihim ng Department of Agriculture (DA). Ang banta ni Dar sa…
Read MoreMonth: January 2021
MEDIA WORKERS WELFARE BILL PASADO NA SA KAMARA
“WALA nang makapang-aabuso sa mga manggagawa sa media kapag naging ganap nang batas ang Media Workers Welfare Bill.” Ito ang tiniyak ni ACT-CIS Party-list Rep. Nina Taduran matapos pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa ang kanyang House Bill (HB) 8140 o Media Workers Welfare Act sa botong 218 pabor at walang tumutol. Ang pagbibigay aniya ng kapangyarihan at proteksyon sa mga miyembro ng Ika-apat na Estado ay mas makapagpapahusay sa pagbibigay ng katotohanan at impormasyon ng mga nasa media. “Tapos na ang panahong walang kasiguruhan ang isang taga-media sa kanyang trabaho. Hindi…
Read MoreLACSON: KASUNDUAN SA ‘BOUNDARIES’, DAPAT BUUIN NG UP AT SECURITY SECTOR
MATAPOS kanselahin ng Department of National Defense (DND) ang 1989 na kasunduan na nagbabawal sa pagpasok ng pulis at militar sa unibersidad nang walang coordination, dapat magkaroon ng panibagong agreement ang University of The Philippines (UP) at security sector. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, kailangang maging malinaw ang boundaries ng security sector sa UP upang mapapanatili ang academic freedom sa loob ng “State U.” “Once the pact is terminated, what will the security sector do? We don’t know that yet. Probably they could…
Read MoreDefensor dismayado sa DBP DOKUMENTO NG P1.6-B UTANG NG MGA LOPEZ ‘NAGLAHO’
(BERNARD TAGUINOD) DISMAYADO si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos aminin ng Development Bank of the Philippines (DBP) na wala na silang hawak na dokumento hinggil sa P1.6 billion utang ng pamilya Lopez. Sinimulang kalkalin ng Kamara ang nasabing loan ng mga Lopez na hindi na pinabayaran ng nasabing bangko ngunit inamin ni DBP Administrative Legal Department Soraya Adiong na wala na silang hawak na dokumento dahil ibinigay na umano nila ito sa SPV o Special Purpose Vehicle. Inamin ito ni Adiong sa unang pagdinig ng House committee on good…
Read MoreBigwas ng labor coalition chairman sa ‘Cha-Cha proponents’ VELASCO AT GARBIN WALA SA HULOG
NELSON S. BADILLA WALANG lohika, o wala sa hulog, kung mag-isip ang mga kongresistang nagsusulong ng pagbabago sa isang probisyon ng Kontitusyong 1987. Ito ang kasalukuyang akusasyong natikman ng pangkat ni Speaker Lord Allan Jay Velasco hinggil sa pag-arangkada nito sa pagbabago ng Konstitusyon o Charter change (Cha-Cha), galing naman kay Atty. Jose Sonny Matula, tserman ng NAGKAISA Labor Coalition, alyansa ng mahigit 40 pederasyon at unyon ng mga manggagawang Pilipino mula sa maraming panig ng bansa. Kamakailan, binatikos ni Senador Panfilo Lacson si Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin…
Read MoreDIGONG HANDANG MAUNA SA BAKUNA
HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maunang magpaturok ng COVID-19 vaccine sakaling dumating na ito sa bansa. Ito ang tugon ng Malacanang sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na dapat isa ang presidente sa unang maturukan ng bakuna. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi mag-aatubili ang pangulo na gawin ito para mawala ang takot at alinlangan sa bakuna ng taumbayan. “Well, iyan po ay sangguni na naman niya pero Im sure ang presidente naman po paiba-iba ang kanyang prayoridad sa kanyang Talk to the People. Hayaan po…
Read MoreVACCINES NG LGUs SA 2022 DARATING
SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca. Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na rin ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca. Sa 2022 pa ani Roque, ang dating ng karamihan sa delivery ng mga LGU na tatak Astrazeneca na maaari namang hintayin ng mga kababayan kung kanilang gugustuhin. Ngayong Hulyo ay may darating din naman na suplay subalit…
Read MoreSa pagkamatay ng 29 seniors na nabakunahan sa Norway TAKOT NG PUBLIKO PINAWI NG PALASYO
NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga senior citizen na huwag munang bigyan ng konklusyon ang pagkamatay ng 29 katao sa Norway matapos turukan ng bakunang gawa ng Pfizer laban sa COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kinakailangang pag-aralan muna kung bakit nagkaroon o nagresulta ng pagkamatay matapos umanong bakunahan ng Pfizer. “Kung sigurado ba na dahil yan sa Pfizer noh. Huwag muna tayong magkaroon ng conclusion. Pero ang akin lang po, talang pandemiya po ngayon. Panahon ng emergency kaya nga po walang commercial distribution kaya…
Read MoreSa mga lugar na walang transmission ng COVID-19 NEW NORMAL PWEDE NANG IKASA
MAAARI nang isailalim sa “new normal” ang mga lugar na wala nang COVID-19 transmission kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na, ayon sa Malakanyang. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa. Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal. “It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon ng new normal areas. Pero ang binubuo lang…
Read More