P6.8-M SHABU KUMPISKADO, CLAIMANT ARESTADO SA BOC-PORT OF CLARK

JOEL O. AMONGO Nagkakahalaga ng mahigit sa anim na ­milyong pisong (P6.8-M) halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark kamakailan. Ang shipment ay ­dumating sa bansa mula Shah Alam, Malaysia noong Pebrero 16, 2021 at deklaradong Air Fryer at Silkware. Nang isailalim sa ­profiling at physical ­examination, natuklasan ang dalawang piraso ng frying pan at isang air fryer. Pero sa pamamagitan naman ng X-Ray ay nadiskubre na naglalaman din ito ng tinatawag na organic substances. Kaya nang buksan ng Customs…

Read More

‘KANTO KULTURA’ SERIES INILUNSAD NG CCP

Inilunsad kamakailan ng Cultural Center of the Philippines ang isang serye ng proyekto na tinawag na Kanto Kultura, isang celebration ng culture and the arts tampok ang Filipino artists. Ang proyektong ito ay isang brainchild ng CCP Board of Trustees na sina Nikki Junia, Stanley Seludo at Dr. Jaime Laya at ng suporta ni CCP President Arsenio J. Lizaso. Layon ng Kanto Kultura na hikayatin ang talent ng mga Pilipino upang makalikha ng artistic content na nagpapakita ng pagtuklas at pagkamalikhain. Layon din nito na magbigay ng oportunidad para sa iba’t ibang porma ng artistic expression gaya ng musika, broadcast and film, literatura, teatro, sayaw at visual arts. Noong Pebrero 23, ang music video na may…

Read More

INTERNET SPEED SA ­PINAS MAY PAG-ASA PA

ISANG magandang development ang ating nabalitaan na bumibilis na raw ang internet connection sa bansa. Bagay na positibong balita sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ngayon kasi, negatibo ang naririnig at nababasa natin patungkol sa kaniyang administrasyon. Una na dito ay yung walang katiyakan kung kailan ba ang rollout ng bakuna sa covid-19. Napag-iwanan na tayo ng iba at ang masaklap ay mukhang wala pang kasiguruhan kung kailan ba ito tuluyang darating sa bansa. Bukod diyan ay mataas pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin habang namamalagi ang…

Read More

TRABAHONG KALABAW NA NGA, GINUGUTOM PA

NATANGGAP ko ang liham ukol sa paghingi ng saklolo ng isang OFW na nagngangalang Noraisa Adal Pinguiam na sa kasalukuyan ay nasa Makkah, Saudi Arabia. Siya ay nakarating sa nasabing bansa sa pamamagitan ng Adnan Manpower Agency noong August 10, 2019. Pilit niya raw tinitiis ang kanyang pinagdaraanang hirap sa kanyang amo. Pilit din niyang pinagbuti ang kanyang trabaho at talagang nagpakitang gilas siya sa kasipagan dahil umaasa siya na baka magbago ang pagtrato sa kanya ng kanyang employer. Pero sa mahigit na isang taon nang kaniyang pagtitiis ay imbes…

Read More

Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika 8 Bahagi) MAS MASAKIT NA PAGKATALO KAY BRADLEY

WALONG taon makaraang mabigong mahubaran ng korona si Juan Manuel Marquez sa kanilang una sa apat na pagtutuos, napagkaitan na naman ng panalo ang idolo ng mga Pilipinong si Manny ­Pacquiao nang siya ay mapatalsik bilang kampeon ng WBO welterweight, muli dahil sa maling hatol ng mga huwes. Noong tablahan siya ni Marquez sa una nilang sagupaan, mas higit ang pagkabigla ni Pacquiao at libo-libong nasa loob ng MGM Grand Arena sa Las Vegas at milyon pang nanood sa telebisyon nang ang kamay ng Amerikanong si Timothy Bradley ang itinaas…

Read More

VACCINATION BILL APRUBADO SA SENADO

TULUYAN nang pinagtibay ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na magpapabilis sa pagbili at administrasyon ng bakuna laban sa COVID-19 para sa mamamayang Pilipino. Sa botong 22 pabor, inaprubahan ng Senado sa hybrid plenary session ang Senate Bill No. 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021. Sinabi Senador Sonny Angara, chairperson ng Committee on Finance at isponsor ng panukala, na mapabibilis nito ang pagbili at administrasyon ng COVID-19 vaccines upang wakasan ang pandemya nang mas maaga at simulan ang pagpapasigla sa pagbangon ng ekonomiya…

Read More

DUTERTE INIUTOS ANG AGARANG PAMAMAHAGI NG LUPA SA REBEL RETURNEES

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang gabinete na bilisan ang pamamahagi ng lupain sa rebel returnees. Sa virtual presser ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay sinabi nito na nakatakdang mamahagi ang pamahalaan ng 6,406.6 ektarya ng lupain sa mga dating rebelde. “Gusto natin mapabilis ang pag-distribute nito. Alam nating napakalaki ng role nito para sa ating peace efforts,” ayon kay CabSec Nograles. Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang Gabinete, Lunes ng gabi. Magugunitang, noong nakaraang linggo ay nagbigay ng amnestiya si Pangulong Duterte sa ilang…

Read More

DUTERTE NAG-INSPEKSYON SA PINSALA NG BAGYONG AURING

NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Tandag, Surigao del Sur. “Weather-permitting, the President intends to visit para mabilis din iyong aksyon kapag may nakita siya na mga gaps or kailangan pang gawin over and above what is already being done by government,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles. “Based on the briefing and the reports and his visual observation on the ground ay magbibigay naman po ng mga direktiba si pangulo. Abangan na lang po natin,” dagdag na…

Read More

KALIGTASAN MAS PAHALAGAHAN KAYSA PAGLULUWAG SA NEGOSYO

DAPAT manaig ang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino mula sa banta ng coronavirus 2019 (COVID-19). Ito ang binigyang-diin ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso bagaman sinusuportahan umano niya ang unti-unting pagbubukas ng mga negosyo upang maibalik sa normal ang paghahanapbuhay ng marami at iba’t ibang economic activities. Giit ni Deputy Speaker for Trade and Industry at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, sa inaasahang pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines at agarang pagtuturok nito, dapat tandaan ng lahat na hindi pa rin nito ginagarantiyahan na magiging ligtas…

Read More