IGINIIT ni Senador Joel Villanueva na kailangan nang magsagawa ng ebalwasyon sa pagpapatupad ng batas kaugnay sa pagbebenta, paggawa, distribusyon at paggamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices. Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Villanueva na sa unang pagsusuri ay may problema sa pagapapatupad ng batas na posibleng dahilan kung bakit may ilang manufacturer ang hindi sumusunod dito. “We are here to listen and to help in any way we can. Hopefully, the PNP could provide us information on how we are doing with the implementation of RA 7183,…
Read MoreMonth: February 2021
PROTEKSYON NG FOOD DELIVERY RIDERS, ISINUSULONG
NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa kanyang mga kasamahan sa Senado na aprubahan ang kanyang panukala na nagsusulong ng proteksyon sa mga delivery rider ng pagkain. Sa kanyang Senate Bill 1677 o ang proposed Food and Grocery Delivery Services Protection Act, nais ni Lapid na bigyang atensyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kaso ng cancellation ng food deliveries na kadalasang pinababayaran sa mga rider. Binigyang-diin ni Lapid na maraming cusyomer ang tumangkilik sa food deliveries dahil sa pandemya. “Ito ay napapanahon at maraming nanloloko sa ating mga…
Read MoreINDUSTRIYA NG PAPUTOK HIHIGPITAN NG SENADO
INIHAYAG ni Senador Roland “Bato” Dela Rosa na mas hihigpitan ng Senado ang regulasyon sa pagbebenta, pagmamanupaktura at paggamit ng anomang uri ng paputok upang mas maging epektibo ang umiiral na batas. Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, sinabi ni Dela Rosa na sa kabila ng pagkakaroon ng ilang panukalang batas na may titulong “total ban”, ay wala pang panukala na nakasalang ngayon na naghihimok na tuluyang ipagbawal ang paggawa, pagbebenta o paggamit ng paputok. Kasunod nito, ipinakita ni Dela Rosa sa komite ang ilang…
Read MoreSa ‘half-baked’ EUA sa Sinovac PUBLIKO LALONG TINAKOT NG FDA
INILARAWAN ni House minority leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano na “half-baked” ang inisyung Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Sinovac. Bukod dito, lalo lang umanong nagdulot ng pangamba sa publiko ang mga deklarasyon ng FDA kaugnay sa pagiging epektibo ng nasabing bakuna. Ginawa ni Paduano ang pahayag matapos sabihin ni FDA director general Eric Domingo, na bagama’t aprubado na ang EUA ng Sinovac ay hindi ito inirerekomendang gamitin sa medical frontliners at mga senior citizen dahil sa mababang efficacy nito. “This only indicated that the…
Read MoreP550,000 kada Chinese ‘SUHULAN’ SA BI MALAKIHAN NA
(NELSON S. BADILLA) NAGPATULOY pa rin ang korapsyon sa Bureau of Immigration (BI) kung saan malakihan na ang pinag-uusapang pera. Ayon sa sources sa Senado, aabot na sa P550,000 ang ‘suhol’ kada Chinese upang makapasok ito sa Pilipinas, sa pamamagitan ng tanggapan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang ‘maayos’ at ‘malinis’. Napakalaki ng P550,000 suhol, o padulas, mula sa P10,000 na hatag sa sindikatong “pastilyas” sa BI na nakabase sa NAIA kada Chinese na papasok sa bansa. Ang P10,000 ay hatag ng mga Chinese na walang tinatawag…
Read MoreLIBRE ITO! CELEBRATE LOVE AND REVOLUTIONS SA CCP ARTHOUSE CINEMA SPECIAL SCREENINGS
Ngayong love month, patuloy pa rin ang CCP sa kanilang mga proyekto na kagigiliwan at ikatutuwa ng mga mahihilig sa sining dahil ipalalabas nila ang mga pelikula at documentaries mula sa archives ng Cinemalaya at Gawad Alternatibo, gayundin ang mga minahal na Philippine cinema classics. Single man kayo o coupled, muling buhayin ang kilig moments sa CCP Arthouse Cinema’s “Of Love and Revolutions,” isang special Valentine’s Day cinematic offering tampok ang mga istorya ng pag-ibig at rebolusyon sa iba’t ibang uri at porma. Ito ay nagsimula noong Pebrero 12 at…
Read MoreJSSP nagbigay ng laptops sa CCP
Nagbigay ng suporta kamakailan ang Johann Strauss Society of the Philippines (JSSP) sa Cultural Center of the Philippines sa pangunguna ni CCP president Arsenio J. Lizaso, sa pagbibigay ng computer laptops at external hard drives sa 11 departmento ng CCP. Ang nabiling items ay upang mapaganda pa ang pasilidad ng CCP. Sa nasabing pagbibigay, naging representante ng JSSP sina president Olga Severino Martel and chairman Fortune Ledesma. Ang JSSP ay itinayo noong 1998 upang itaguyod ang sining at kultura sa pag-oorganisa ng mga espesyal na okasyon tulad ng concerts at…
Read More1 PATAY, 2 MISSING SA BAGYONG AURING
ISA ang iniwang patay ng Bagyong Auring habang may dalawa pa ang nawawala matapos manalasa sa Caraga region. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 31,884 pamilya mula sa Caraga, Davao, Northern Mindanao at Bicol regions ang naapektuhan ng bagyo. Umabot naman sa 18,996 pamilya ang kinailangang ilikas bago pa humagupit ang bagyo. Sa inilabas na update nitong Martes ng umaga ng NDRRMC, 60 bahay ang tuluyang nasira dahil sa bagyo habang 180 bahay ang partially damage. Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman…
Read MoreDRIVER PINATAY SA VAN
LAGUNA – Patay na nang madiskubre ang isang shipping lines driver sa loob ng kanyang minamanehong van na nakitang nakaparada sa tabi ng highway sa Cabuyao City sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Tirso Robles, 48, tubong Torrejos, Marinduque at residente sa Carmona, Cavite. Ayon sa report ng Cabuyao City Police, nadiskubre ang bangkay ng biktima na tadtad ng tama ng saksak sa dibdib dakong alas-8:00 ng umaga sa loob ng kanyang minamanehong Foton van na pag-aari ng Starhorse Shipping Lines Inc. na nakabase sa Lucena City. Ayon…
Read More