KINUMPIRMA ng Malakanyang na napirmahan na ni Panguong Rodrigo Roa Duterte bilang isang batas ang RA 11523 o mas kilala bilang Financial Institution Strategic Transfer o FIST ACT. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na napapanahon na ang pagpasa ng FIST Law lalo na sa ngayon aniya na nasa pandemiya. Sinabi nito na nagpapasalamat ang Malakanyang sa Kongreso sa pagsasabatas ng RA 11523 na sinertipikahan aniyang “urgent” ng pangulo. “Pinapalakas nito ang ating financial sector na kinakailangan sa muling pagbangon ng ating ekonomiya. Kinikilala ng estado ang mahalagang papel po…
Read MoreMonth: February 2021
PING SINOPLA MULI NG PALASYO
NIRESBAKAN ng Malakanyang si Senador Panfilo Lacson matapos nitong pasaringan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-“refresh” ang kanyang memorya sa pamamagitan nang pagbasa sa Article VII, Section 21 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad na walang anomang tratado o international agreement ang magiging valid at epektibo maliban na lamang kung niratipikahan o inaprubahan ito ng two thirds ng lahat ng miyembro ng Senado. “Senator Lacson, hindi lang po binasa ng ating presidente ang Saligang Batas. Abogado pa po siya, pumasa po siya ng bar kung saan isa po…
Read MoreSENADO PINAKIKILOS SA DUMARAMING TEENAGE PREGNANCY
ISA pang resolusyon ang inihain sa Senado upang bigyang atensyon ang dumaraming kaso ng adolescent pregnancy sa bansa. Sa Senate Resolution 650, nais ni Senador Nancy Binay na magsagawa ng inquiry in aid of legislation ang kaukulang kumite sa Senado kaugnay sa nakaaalarmang pagtaas ng teenage pregnancy. Binanggit ni Binay sa kanyang resolution ang report ng Philippine Statistics Authority hinggil sa panganganak ng ilang 10 taong gulang mula sa National Capital Region at Calabarzon Region. Tinukoy din ng senador ang pahayag ni Commission on Population and Development NCR Director Lydio…
Read More36 EX-REBELS BINIGYAN NG LIBRENG PABAHAY
PINAGKALOOBAN ng libreng pabahay ang may 36 na mga dating rebeldeng komunista sa ilalim ng Community Pabahay sa Barangay (CPB) Shelter Program na may temang “Balay Aron Pamilya Mahamugay” ng lokal na pamahalaan ng Davao Occidental sa Brgy. Marabatuan, Jose Abad Santos sa nasabing probinsya. Sa ginanap na “ground breaking” ng CPB Shelter Program, nagpakitang gilas ang mga dating NPA sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw. Dinaluhan ito ng mga lokal na opisyal ng probinsya, kapulisan at kasundaluhan ng 73IB na namahagi rin ng food packs sa kanila. Ayon kay…
Read MoreSolons nababahala sa kawalan ng ideya ni PDu30 MASS VACCINATION ‘DRAWING’ LANG?
(BERNARD TAGUINOD) NAALARMA ang grupo ng mga mambabatas sa Kamara sa kawalan ng ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mass Vaccination Plan kaya hindi maiwasang isipin ng mga ito na ‘drawing’ o malabo na mabakunahan ang 70% ng mga Pilipino bago matapos ang taon. “Kaya ba this year? Lumalabas na puro drawing at hangin ang pangakong bakuna,” pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil mistulang clueless umano ang pangulo sa vaccination plan ng gobyerno sa huling pulong ng mga ito sa Malacanang. Hanggang ngayon ay hindi pa dumarating ang…
Read MoreKASAPI NG DRUG GROUP ARESTADO SA PNP-AKG
ISANG kasapi ng tinaguriang “Eagle drug group” ang nadakip ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa ikinasang law enforcement operation sa Bacoor City, sa lalawigan ng Cavite. Ayon kay PNP-AKG spokesman, P/Major Ronaldo Lumactod, bandang alas-10:15 ng umaga noong Martes nang masakote ng kanilang mga tauhan si Michael Alinsob Bergado sa Alcoba St., Barangay Salinas, Bacoor City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Mildred Jacinto Marquez, presiding judge ng Family Court Branch 2, NCR Judicial Region, Las…
Read MoreBARANGAY CHAIRMAN INULAN NG BALA
BATANGAS – Sugatan ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Gerardo Masarap, chairman ng Barangay San Isidro Norte. Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang mula sa likuran ay pagbabarilin ito ng mga suspek dakong alas-9:10 ng gabi. Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na malubhang isinugod sa Cabrina Hospital. Agad ding tumakas ang hindi kilalang mga suspek makaraan…
Read More3 ‘NANLABAN’ SA LAGUNA AT BATANGAS, PATAY
TATLONG kalalakihan ang magkakasunod na bumulagta sa magkakahiwalay na insidente nang umano’y manlaban sa mga awtoridad sa police operations sa Laguna at Batangas nitong Martes. Nangyari ang insidente sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa mga drug personality sa lungsod ng San Pedro sa Laguna at sa bayan ng Lemery sa Batangas. Batay sa report ng pulisya, unang napatay si Eduardo Sabariza nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa San Benito, Alaminos, Laguna dakong alas-9:40 ng umaga. Sunod namang napatay si Ernie Boy Cara na nanlaban umano sa buy-bust…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA AMOK NA SUNDALO
KALINGA – Hawak na ng Tabuk City Police Office ang isang sundalo na itinuturong namaril sa dalawang kawani ng kapitolyo ng nabanggit na lalawigan noong Martes ng gabi na ikinamatay ng bodyguard ni Kalinga Governor Ferdinand Tubban Jr., habang malubhang nasugatan ang isa pang biktima, ayon sa ulat ng pulisya nitong Miyerkoles. Kinilala ang suspek na si Army Corporal Denmark Baddongon, kasapi ng 503rd Infantry Brigade, Philippine Army, residente ng Naneng, Tabuk City, Kalinga. Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga biktimang sina Denver Sangdaan Tubban, residente ng Purok…
Read More