NAVOTAS COVID CASES SUMAMPA SA 141

ISANG COVID-19 patient sa Navotas City ang namatay noong Pebrero 17, ang ika-183 binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya. Sumampa naman sa 141 ang active COVID cases sa lungsod matapos na anim ang magpositibo sa swab test, habang apat ang gumaling. Umabot na sa 5,779 ang nasapol ng pandemya sa lungsod at 5,455 sa mga ito ang nakarekober na. Kaugnay nito, dalawang polymerase chain reaction (PCR) thermal cyclers ang ipinagkaloob ng Department of Budget and Management, sa pangunguna ni Sec. Wendel Avisado, sa Navotas. Ang mga naturang aparato…

Read More

5 CALOOCAN DADS KINASUHAN

KINASUHAN ng cyber libel ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang limang konsehal ng lungsod dahil sa paninira umano sa isang proyektong pang-edukasyon ng lungsod. Inihabla ng alkalde sa tanggapan ni City Prosecutor Ferdinand Valbuena sina Konsehal Rose Mercado, PJ Malonzo, Alexander Mangasar, Alou Nubla at Carding Bagus. “Kung ako lamang ang sinisiraan ng aking mga kalaban sa politika ay maliit na bagay iyan. Sanay na tayo sa mapanirang puring mga kalaban sa politika,” sabi ng alkalde. “Ngunit ang malisyosong sirain ang isang makabuluhang proyekto ng syudad para makatulong…

Read More

GOBYERNO DAPAT NANG GUMAWA NG PARAAN SA F2F CLASSES

AMINADO si Senadora Nancy Binay na dapat nang magawan ng paraan ng gobyerno na magkaroon ng face-to-face interaction ang mga estudyante at guro upang mabawasan ang hirap sa distance learning. “I agree that we can already have face-to-face classes. But kailangan doon lang siya sa mga LGU na kung puwede halos close to zero ang cases of COVID-19. And then it will not be the same classroom setup. Sabi ko nga baka pwede gawin siya sa covered court, kung saan baka 10 lang or 15 students lang will attend classes…

Read More

PHLPOST, HANDA NA SA PILOT TESTING NG MAIL-IN VOTING

HANDA na ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa ipinapanukalang mail-in voting para sa 2022 polls sa layuning maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa panahon ng halalan. Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms, sinabi ni Engr. Joel Zamudio, acting assistant postmaster general for operations ng PHLPost, isinasapinal na nila ang kanilang computerized system na gagamitin sa mail-in voting sa 2022 elections. “We are enhancing our current system and we expect that the full computerization will be done this year,” saad ni Zamudio. “Ang schedule namin is it will be…

Read More

BUKSAN NA KUNG BUKSAN

BUKSAN na kung buksan ang ekonomiya. Huwag ng magpatumpik-tumpik pa dahil baka mamatay naman sa gutom ang mga tao dahil wala ng makain at kung may pagkain mang mabibili ay napakamahal naman at hindi kaya ng mga ordinaryong mamamayan. Inaamin na ng gobyerno na matindi na ang problema ng bansa at kailangang ibalanse ang isyu sa kalusugan at ekonomiya dahil kung isang isyu lang ang pagtutuunan ng pansin baka sa kangkungan na tayo pupulutin sa dulo ng tunnel. Mag-iisang taon na tayong nakatutok sa covid-19 pandemic dahil hindi ginawa ng…

Read More

MARCOS-GO NA SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTION?

MAY mga umugong sa social media kamakailan na pwedeng magtandem sina dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. o si BBM kung tawagin ng malalapit niyang kaibigan at si Senador Christopher “Bong” Go sa 2022 Presidential Elections. Umugong ang isyung ito nang magtungo si Sen. Go sa Ilocos Norte upang buksan ang kaniyag Malasakit Center sa nasabing lalawigan. Ayon sa mga Netizens, malakas ang tandem ng dalawa kung hindi tutuloy sa pagtakbo si Presidential daughter Inday Sara Duterte. Matatandaan na kamakailan ay may lumabas na resulta ng survey na nangunguna sa…

Read More

ATC HIGIT NA MAKAPANGYARIHAN KAYSA KORTE

TUTOL ako sa terorismo dahil maraming namamatay sa sistema, o paniniwala, na ito. Ang kaawa-awa rito ay ang ordinaryong mamamayan na siyang pinakamarami sa lahat. Kaya, pabor ako kung pinalalakas ng policy makers ang batas laban sa terorismo. Ngunit, tahasang tutol ako kapag ang batas laban sa ­terorismo ay nagbibigay ng ‘butas’ at ‘batayan’ upang ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan ay magkaroon ng sobra-sobrang kapangyarihan at upang maging abusado. Sinimulan nang talakayin sa Korte Suprema ang mga petisyon laban sa Republic Act No. 11479, o “Anti-Terrorism Act of…

Read More

Sa P1.6-B DBP loan ng mga Lopez ‘LAWAY LANG ANG PUHUNAN’

(BERNARD TAGUINOD) LUMALABAS na wala talagang puhunan ang pamilya Lopez para makautang sa pera ng taumbayan sa Development Bank of the Philippines (DBP) ng mahigit P1.6 billion na kalaunan ay pinatawad o hindi pinabayaran ng nasabing bangko. Tulad ng kasabihan, ‘laway lang ang puhunan’ ng nasabing pamilya. Ito ang pagsusumang ginawa ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa mga pautang ng DBP na kanilang ni-write off na aabot sa mahigit P9 billion kasama na ang utang ng pamilya Lopez.…

Read More

CREDIT CARD, ONLINE BANK SCAM IIMBESTIGAHAN NA NG SENADO

BUBUKSAN ng Senado ang imbestigasyon hinggil sa mga mapanlinlang at hindi otorisadong paggamit ng credit card at iba pang online na transaksyon sa bangko, ayon kay Senador Win Gatchalian. Ayon kay Gatchalian, kailangang busisiin ang mga kakulangan sa batas na dapat ay nagbibigay proteksyon sa mga konsyumer laban sa mga kawatan. “Mula noong ibinunyag natin ang pambibiktima sa aking credit card hanggang ngayon ay hindi humihinto ang pagdagsa ng mga reklamo na natatanggap ng aking opisina mula sa mga biktima ng unauthorized online bank fund transfers at credit card transactions,”…

Read More