AGARANG nagpalabas ng reward money sina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Congressman Ruffy Biazon sa sinumang magkapagtuturo sa suspek, kasunod ng pataksil na pagpaslang sa isang traffic enforcer supervisor, alas-7:30 ng gabi noong Martes sa national highway. Ayon sa ulat, binaril ang traffic enforcer supervisor na si Daniel Manalo, residente ng NBP Reservation, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City, ng hindi kilalang suspek sa National Road, Brgy. Tunasan, Muntinlupa City. Sa impormasyong nakuha kay Tez Navarro, City PIO, halagang P200,000 ang magkatuwang na ipinondo nina Mayor Jimmy Fresnedi at Cong. Biazon…
Read MoreMonth: February 2021
KAWANI NG CALOOCAN BPLO SIBAK SA EXTORTION
SINIBAK sa serbisyo ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang isang job-order worker makaraang madakip sa umano’y extortion sa ikinasang entrapment operation ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI). Kinilala ang suspek na si Vince Noveno, empleyado ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), na inireklamo ng extortion ng isang ice plant sa lungsod. Isinagawa ang entrapment operation ng NBI habang nasa trabaho si Noveno sa North City Hall. “Hindi natin kukunsintihin ang anumang maling gawain ng ating mga kawani. Dapat makulong at matanggal sa serbisyo ang mga…
Read MoreDATING PROFESSOR NALUNOD SA DRUM
NATAGPUANG patay ang isang 64-anyos na retiradong professor ng University of the East matapos umanong malunod sa isang drum ng tubig sa loob ng comfort room ng kanilang bahay sa Malabon City noong Martes ng hapon. Ang katawan ng biktimang si Emilie Cruz, dalaga, ay nadiskubre ng kanyang kapatid na si Thelma Loberto at pamangkin na si Ivy Rose Capili dakong alas-1:00 ng hapon habang nakalubog sa drum ng tubig sa loob ng comfort room sa second floor ng kanilang bahay sa #111-B Valdez St., Brgy. Catmon. Ayon kina Malabon…
Read More3 OBRERO BUMULUSOK SA GINAGAWANG BUILDING
NASUGATAN sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong construction worker, kabilang ang isang kritikal ang kondisyon, makaraang mahulog mula sa ikatlong palapag ng ginagawang gusali sa Tondo, Manila noong Martes ng umaga. Hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng mga biktima maliban sa isang binatilyong si alyas “Bebe”. Base sa inisyal na ulat ng Manila Police District, bandang alas-9:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa ginagawang gusali sa Esguerra St. sa Tondo. Napag-alaman na mahina ang tuntungan ng tatlo kaya umano nabali at bumulusok ang mga biktima. Nakahawak umano…
Read MoreBABAE KALABOSO SA FAKE NEWS SA FB
INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang pagkakaaresto sa isang babaeng nag-post sa kanyang Facebook account ng umano’y fake news, sa bisa ng warrant of arrest noong Pebrero 3, 2021 sa Quezon City. Kinilala ni P/BGen. Macerin ang suspek na si Ma. Cecilia Angeles Raymundo na inaresto dahil sa paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code in relation to Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act. Nauna rito, ang Quezon City District Anti-Cybercrime Team sa ilalim ng liderato ni…
Read MoreLabor group kabado sa pagpasok ng PNP MILITARISASYON SA PEZA BINIRA
MALAYANG mapapasok ng mga pulis ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) dahil nilagdaan noong Lunes ang implementing rules and regulations (IRR) ng Joint Industrial Peace and Concern Office (JIPCO) ng dalawang ahensiya. Binatikos ng Partido Manggagawa (PM) ang ginawa ng PNP at PEZA dahil sa paniwalang wala nang nang hadlang sa mga pulis na pakialaman ang pagkilos ng mga manggagawang nagtatrabaho sa mga kumpanyang nakabase sa teritoryo ng PEZA. “The signing of IRR of the JIPCO between the PNP and PEZA will mean further militarization of ecozones, harassment of labor…
Read More100K EMPLEYADO KAILANGAN SA BPO
TATANGGAP ang isang kumpanya ng Business Process Outsourcing (BPO) ng 80,000 hanggang 100,000 empleyado ngayong taon dahil mataas ang demand sa nasabing industriya kahit may pandemya ng COVID-19. Sabi ni Jojo Uligan, presidente ng Contact Center Association of the Philippines (CCAP), isa ang kumpanyang Alorica na nangangailangan ng mga bagong empleyado ngayong taon. Karamihan sa mga kumpanya ng BPO ay nakabase sa Lungsod ng Makati, Taguig (partikular sa Bonifacio Global City) at Lungsod ng Mandaluyong. Ani Uligan, nangangailangan ng mas maraming manggagawa ang industriya ng BPO dahil sa pagtaas ng…
Read More8 PNP OFFICIALS, SIBAK SA KATIWALIAN
WALONG opisyal ng Philippine National Police (PNP), kabilang ang isang colonel, ang tinanggal ng National Police Commission (Napolcom) sa serbisyo dahil sa ginawang mga katiwalian sa pambansang pulisya. Bukod sa colonel, ang iba pang sinibak ay apat na lieutenant colonel ang ranggo, isang major at dalawang kapitan dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas. Hindi inilabas ni Napolcom Vice-Chairman Vitaliano Aguirre II ang pagkakakinlanlan ng colonel dahil kailangan pa ng pinal na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggal sa nasabing mataas na opisyal. Naitalaga na ang colonel sa iba’t…
Read MoreP1.5-M HOG CASINGS WINASAK NG BOC-PORT OF MANILA
AABOT ng 1.5 milyong piso o katumbas ng isang container ng hog casings ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) Port of Manila (POM) sa San Pascual, Batangas noong Pebrero 2, 2021. Ang condemnation ay sinaksihan ni POM Auction and Cargo Disposal Division Chief Enrico Turingan III, at kinatawan mula sa Bureau of Animal Industry (DA-BAI), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Port Operations Service, Philippine Coast Guard (PCG), at Commission on Audit (COA). Ang kalakal ay winasak sa pamamagitan ng shredding at pagsalin sa…
Read More