BILANG pagsunod sa marching order ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na pagpapalakas ng border protection at control ng bawat collection district sa pagpigil sa anumang uri ng smuggling at iba pang pandaraya, ang District Port of Iloilo ay bumuo ng composite team na tinawag na ‘Customs Border Protection (CBP)- District VI’. Ang CBP-District VI ay binubo ng 18 personnel mula sa ibat-ibang dibisyon ng Port na kinabibilangan ng Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Port Operations Division and Assessment Division. Sakop nito, ang…
Read MoreMonth: February 2021
CLAIMANT NG P4.9-M “PARTY DRUGS” HULI SA BOC-NAIA, PDEA AT NAIA-IADITG
HULI sa pinagsamang grupo ng Bureau of Customs Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang claimant ng package na naglalaman ng ecstasy o party drugs sa isang controlled delivery operations sa Manila Central Post Office. Ang package ay naglalaman ng 2,878 mga tabletas ng ecstasy o “party drugs” na nagkakahalaga ng P4,892,600.00. Isang “Ron Ron Salonga” mula sa Port Area, Manila ang claimant ng nasabing parcel na siyang agad na inaresto ng mga awtoridad. Lumabas sa records na ang shipment ay…
Read MoreSa ika-119 anibersaryo ng Bureau of Customs MENSAHE NI GUERRERO SA BOC PERSONNEL, STAKEHOLDERS AT PARTNERS Ni JOEL AMONGO
Ipinarating ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang kanyang mensahe sa BOC personnel, stakeholders at partners sa ika-119th Founding Anniversary ng Bureau of Customs noong Pebrero 9, 2021. Ang bahagi ng pananalita ni Guerrero, “As the Bureau of Customs marks another year in its long and dedicated history, allow me first to acknowledge the exemplary performance of each and every member of the Bureau of Customs. Your dedication and commitment in the last year, during a time of unprecedented circumstances, made it possible for us to achieve…
Read MoreMga residente inabisuhan sa paglikas BULKANG TAAL NAG-AALBUROTO NA NAMAN
INALERTO ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga local government unit sa paligid ng Bulkang Taal kasunod ng naitalang abnormalidad nito sa nakalipas na mga araw. Pinaghahanda ng PHIVOLCS ang mga LGU upang mailikas ang mga residente na maaapektuhan sakaling muling pumutok ang bulkan sa Batangas. Nabatid na nakapagtala ang PHIVOLCS ng bahagyang pagtaas sa seismic activity at mga pagbabago sa main crater lake ng Bulkang Taal. Umaabot na umano sa 68 volcanic tremor ang naitala mula February 13 hanggang kahapon ng hapon. Naobserbahan din sa bulkan…
Read MoreNCR LINGGUHANG RARASYUNAN NG BABOY
NAGLABAS ng direktiba si Agriculture Secretary William Dar upang matiyak na tuluy-tuloy ang pagrarasyon ng mga baboy sa National Capital Region (NCR) sa loob ng 60 araw. Nakasaad sa “Memorandum Order 14 series of 2021” ang hilera ng mga alituntunin sa pagbili ng baboy mula Pebrero 8 hanggang April 8 upang makapagrasyon ang mga negosyante mula sa ilang rehiyon sa Luzon, sa Visayas at Mindanao. Ayon kay Dar, 15,000 kada linggo ang dadalhing ng baboy sa NCR. Sa ganitong diskarte, inaasahang mapabababa ang presyo ng karneng baboy hanggang Abril 8…
Read MoreSa 208 reklamo TFAC, ISANG KASO PA LANG ANG ISASAMPA SA OMB
ISANG kaso pa lamang ang siguradong isasampa ng Task Force Against Corruption (TFAC) sa susunod na linggo sa Office of the Ombudsman (OMB) mula sa 208 reklamo ng katiwalian at korapsyong natanggap ng task force. Hindi inilabas ng hepe ng TFAC na si Justice Secretary Menardo Guevarra ang detalye ng kaso dahil hindi pa ito naihahain sa OMB. Ang OMB ang magbibigay ng hatol sa mga kakasuhan, o kaya isasampa nila sa Sandiganbayan ang mga kaso kung kinakailangan itong gawin. Ani Guevarra, mula nang simulan ng TFAC ang trabaho nito…
Read More5K BUMBERO UBRA SA BUBUUING EMS
MAHIGIT limang libong bumbero sa buong bansa ang nakapagtapos ng kursong nursing, na masasabing “malaking professional pool na magagamit bilang backbone ng isang National Emergency Medical Services (EMS) na wala pa rin sa ating bansa.” Ayon ito kay Senator Joel Villanueva. Sa kanyang interpellation sa Senate plenary noong Lunes, binanggit ni Villanueva ang napakalaking bilang ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na mayroong medical background at isinulong ang pagtatatag ng isang national EMS, sa pamamagitan nila. Mula sa 27,968 BFP personnel, 5,380 ang mayroong degree sa health…
Read MoreSENADO MAY KARAPATAN SA VFA – LACSON
Samantala, ipinaalala ni Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na nakasaad sa Konstitusyon na may kapangyarihan ang mga senador sa kasunduan tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA). Ayon sa senador, malinaw na nakasaad sa Saligang Batas ang karapatan ng Senado sa pagpasok ng pamahalaan sa mga pandaigdigang tratado lalo na kung nakasalalay ang pangmatagalang kapakanan at interes ng bansa, katulad ng VFA. Iginiit din ni Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, na mas epektibo kung ang paghahatid ng mensahe ay ipinaabot sa pamamagitan ng madiplomasyang pamamaraan. “I…
Read MoreHindi dapat mag-ambisyong maging pangulo ROBREDO WALANG ALAM – DUTERTE
(CHRISTIAN DALE) “WALA ka sigurong alam!” Ito ang buwelta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo makaraang ihalintulad nito sa pangingikil ang paghingi niya ng bayad mula sa US para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA). Sinabi kasi ni Robredo na parang gawain lamang ito ng isang kriminal. Ibinunyag ni Pangulong Duterte na unti-unti nang pinalalakas ng Amerika ang base nito sa Subic. Iginiit niya bilang mensahe kay Robredo na maraming armas na ng Amerika ang nakalagay sa Pilipinas at unti-unti…
Read More