ASF NADISKUBRE SA PIGGERY NG ALKALDE SA MASBATE

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na sinaklaw ang buong rehiyon ng Bicol ng African Swine Fever (ASF) makaraang magkaroon na rin nito sa Masbate. Dahil dito, inaasahang bagsak ang negosyo ng baboy sa Bicol. Batay sa ulat na linagdaan ni DA – Bicol Region executive director Rodel Tornilla, natukoy na nanggaling ang bagong kaso ng ASF sa mga baboy na pag-aari ni Aroroy Mayor Arturo Virtucio. Walang detalye ang ulat ni Tornilla hinggil sa ASF mula sa babuyan umano ni Virtucio. Mula rito, nadagdagan ng isa pa ang 37…

Read More

GUN FOR HIRE LEADER, UTAS SA BUY-BUST

BULACAN – Isang lalaking itinuturong lider ng gun for hire group at sangkot din sa illegal drugs at gunrunning activities, ang napatay makaraang manlaban sa pinagsanib na mga operatiba ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Pandi Police sa buy-bust operation sa nabanggit na bayan sa lalawigang ito, noong Huwebes. Base sa report ni P/Lt. Col. Luke P. Ventura, hepe ng Bulacan CIDG, kinilala ang napatay na suspek na si Rey De Luna, inginusong lider ng gun for hire group at sangkot din sa iba pang ilegal na…

Read More

NAPURNADANG NEGOSYO

MABUTI naman at ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa implementasyon ng child car seat at ang mandatory Motor Vehicle Inspection System (MVIS) na isinapribado ng Land Transportation Office (LTO). Mantakin mo, P22 billion ang kikitain ng mga pinagpalang grupo o indibiduwal na binigyan ng accredidation ng LTO para sumuri sa mga sasakyan kung depektibo o hindi bago mairehistro. Ang bilang ng mga rehistradong sasakyan sa Pilipinas ay umaabot sa mahigit 12,700,000 na kailangang dumaan sa pribadong Motor Vehicle Inspection Center (MVIC) bago mairehistro at magbabayad ng P1,800. Lolobo…

Read More

EDUKASYON SA PINAS PARA NGA BA SA LAHAT O SA IILAN LANG?

ITO ang katanungan ng mga magulang ngayon. Bakit daw may binabayaran pa ang mga estudyante ngayon mula elementarya, high school at maging sa kolehiyo? Ito ay sa kabila ng deklarasyon ng gobyerno na libre o free tuition na ngayon. Bago maapruban ang tinatawag na K-12 sa bansa ay matindi ang advertisement ng gobyerno noon (Aquino Admin) na sagot daw ng pamahalaan ang gastusin ng mga mag-aaral sa senior high school kahit na sa pribadong eskuwelahan sila pumasok. Pero bakit ngayon may binabayaran na parang tuition na rin? Pinadama nga lang…

Read More

PALASYO NAKIRAMAY SA PAGPANAW NI BRO. ELI SORIANO

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, mahal sa buhay at followers ni Bro. Eliseo “Eli” Soriano na pumanaw sa edad na 73. Si Bro. Eli ay isang mapagmahal na mangangaral ng “Ang Dating Daan” kung saan ang kanyang mga aral ay humahaplos sa buhay at nagsisilbing gabay ng marami. “His dedication to propagate the words of God in the Bible was a clear testament of his steadfast love to serve his brethren and the Almighty,” ani Presidential spokesperson Harry Roque. “Our prayers go to Bro. Eli as he…

Read More

Conferences, exhibitions, pinayagan din SINEHAN, ARCADE BUBUKSAN NA

(CHRISTIAN DALE) NAGDESISYON ang Inter-Agency Task Force (IATF) na paluwagin ang restrictions sa religious gatherings ng 50% sa mga lugar na nassa ilalim ng General Community Quarantine epektibo sa Lunes, Pebrero 15. Bukod dito, asahan na rin ang pagbubukas ng mga negosyo tulad ng sinehan dahil hindi na umano tumataas ang attack rate ng COVID-19 at hindi na masikip ang mga hospital. “In other words, wala po tayong problema pagdating sa ating utilization rate,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Ani Sec. Roque, alinsunod ito sa katotohanan na kinakailangan magbukas…

Read More

SOTTO, ISASAPUBLIKO ANG PAGPAPABAKUNA KONTRA COVID-19

TINIYAK ni SENATE President Vicente Sotto III na handa siyang ipakita sa publiko ang kanyang pagpapabakuna kontra COVID-19. Layon nito na mabigyan ng kumpiyansa ang publiko sa vaccination program. Kasabay nito, nangako si Sotto na makikipagtulungan para sa information dissemination drive para sa bakuna. Sinabi ni Sotto sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon at pagtiyak sa publiko na ligtas ang bakuna saka lamang mawawala ang duda ng publiko. “Lead by example. Iyan ang gusto kong gawin. Kung makikita ng ating mga kababayan na handa ang kanilang mga lider na…

Read More

UNTI-UNTING PAGBUBUKAS NG KOLEHIYO, SUPORTADO SA SENADO

SUPORTADO ni Senador Joel Villanueva ang desisyon ng gobyerno na unti-unti na ring buksan ang mga kolehiyo para sa face-to-face classes na sisimulan sa health at medical courses. “For as long as it is safe, limited, and complies with health protocols, I see no problem in the joint decision of CHED and DOH to slowly resume classroom learning,” saad ni Villanueva. “And it is good that this will be piloted in the hospital setting because the people there will be the first to insist that measures be strictly followed to…

Read More

MGA INISYATIBA NG MERALCO SA PANAHON NG PANDEMYA

Ngayong panahon ng pandemya, napakahalaga ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng bansa upang masiguro ang patuloy na pagtakbo ng ekonomiya sa kabila ng krisis na ating kinakaharap. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano kaganda ang kinalalabasan ng isang proyekto o programa kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang pamahalaan at ang pribadong sektor. Bukod pa sa magandang epekto nito sa ekonomiya ay napakalaki rin ng naitutulong nito sa mga mamamayan. Sa madaling salita, ang pagtutulungan ang susi sa mabilis at muling pagbangon ng ating ekonomiya. Ang Meralco ay…

Read More