Nag-Chinese New Year sa selda 6 HULI SA P120K SHABU

IMBES na kumakain ng tikoy ay naghihimas ng rehas na bakal ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa bisperas ng Chinese New Year at nakumpiskahan ng halos P120,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Malabon City. Unang nadamba sina Jonne Contado, 46; Agapito Regulacion, 27, kapwa ng Tondo Manila, at Jose Quibuying, 58, ng Brgy. 8, Caloocan City. Alas-3:30 noong Huwebes ng madaling araw nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Avocado St., Brgy. Potrero, Malabon City at nakumpisksa sa mga…

Read More

18 MOST WANTED PERSONS TIMBOG SA QCPD

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang pagkakaaresto sa 18 most wanted persons sa Lungsod Quezon, sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang lugar. Kinilala ni P/BGen. Macerin ang kabilang sa mga nadakip na si Ricky Lagario, 44-anyos, may kasong rape. Si Lagario na nakalista bilang no. 1 most wanted person ng PS-9, ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Tita Marilyn Payoyo-Villordon, presiding judge ng Branch 224, RTC, Quezon City, walang piyansang inirekomenda. Arestado rin sa…

Read More

Dinala ng manning agency sa QC imbes sa quarantine facility COVID SUSPECT NAGNEGATIBO SA SWAB TEST

NEGATIBO sa COVID-19 ang lalaking dinala sa Quezon City ng kanyang manning agency. Ito ang napag-alaman ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong Biyernes. Isinagawa ang re-swabbing sa lalaki noong Pebrero 10, ng isang testing facility sa Pasay City. Ang kasama naman nitong inilipat na rin ng CESU sa Hope Facility, ay sumailalim din sa swab test, at malalaman ang resulta ngayong araw. Sa ngayon, nakatutok ang CESU sa contact tracing at pag-interview sa higit-kumulang 350 indibidwal na nasasakop ng 50-meter radius sa lugar na tinirhan ng lalaki.…

Read More

5 ‘BEST TANDER COUPLES’ WAGI SA CALOOCAN

INANUNSYO na ni Caloocan City Councilor Orvince Howard A. Hernandez ang limang ‘may forever tander couples’ na napiling best love stories para sa “Valentine’s Day Blog Making Contest.” Kinilala ang mga senior couple na sina Lolo Joe at Lola Dory Duatin ng Barangay 176, halos 60 taon nang kasal, may limang anak, 11 apo at 6 na apo sa tuhod; Lolo Emong at Lola Carmelita Miranda ng Barangay 174, kasal na sa loob ng 70 taon, may apat na anak, 12 apo at 12 apo sa tuhod; Lolo Eli at…

Read More

AIR FORCE RESERVIST NILIKIDA SA ISABELA

BASILAN – Dead on the spot ang isang Philippine Air Force reservist matapos barilin ng hindi kilalang gunman sa Brgy. Sta. Cruz, sa lungsod ng Isabela sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ng Isabela City Police Office ang biktimang si Edilberto Gelizon, 57, kawani ng Tabuan Lasa Municipality. Sa inisyal na imbestigasyon ng Isabela City Police Station, pauwi na si Gelizon sa Brgy. La Piedad, sakay sa kanyang motorsiklo nang barilin siya ng suspek. Isang punglo ang naglagos sa ulo ng biktima naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.…

Read More

2 TOP NPA LEADERS NALAMBAT

DAVAO – Nadakip sa magkahiwalay na military-police operation ang dalawang mataas na lider ng New People’s Army Davao Region, ayon sa ulat ng PNP nitong Biyernes. Ayon sa police report, unang nahuli si alyas Daryl sa Brgy. Tubaon sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental. Sumunod na nahulog sa inilatag na dragnet operation si alyas Dante Dodong Abella sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte. Si Daryl ay tumatayong team leader ng Pulang Bagani Command 8 (PBC8), Western Guerilla Front 8 (WGF18) Terser Baking. May nakabinbing attempted…

Read More

DADALO SA COURT HEARING ITINUMBA

LAGUNA – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang papunta sa korte sa bayan ng Mabitac upang dumalo sa pagdinig ng kaso sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Fidel Aday Valentin, idineklarang dead on arrival sa Laguna Provincial Hospital sa bayan ng Sta. Cruz dahil sa dalawang tama ng bala ng .45 kalibreng baril. Batay sa report ng Sta. Maria Police, kaangkas ng biktima sa motorsiklo ang kanyang asawa at patungo sa Municipal Trial Court sa bayan ng Mabitac upang dumalo…

Read More

Sa Araw ng mga Puso PULISYA SA BATANGAS NAG-ALAY NG DUGO

UMABOT sa 160 bags ng dugo ang nakolekta mula sa mga pulis ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sa mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang sibilyan sa isinagawang mobile blood donation noong Huwebes, Pebrero 11. May temang “Alay na Dugo sa Araw ng mga Puso” ang programang ito na handog ng Batangas Provincial Blood Council at Soroptimists International Batangas Downtown. Sambit ni Police Col. Rex Malimban, provincial director ng Batangas PPO, “Isang simple ngunit makabuluhang gawain mula po sa inyong mga public servants na lagi pong…

Read More

Usok sa Los Baños ‘di indikasyon ng pagsabog MOUNT MAKILING INACTIVE VOLCANO – PHIVOLCS

INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na isang inactive volcano ang Mt. Makiling kaya hindi ito maaaring sumabog. Ito ay makaraang mangamba ang mga residente ng isang subdibisyon sa Los Baños, Laguna dahil sa paglabas ng usok sa paanan ng nasabing bundok. Ayon sa Facebook post ng Phivolcs nitong Huwebes ng hapon, “Ang nakitang ‘steaming’ ay mula sa hot springs katulad ng hot spring resorts na pinupuntahan sa Laguna. Ang hot springs ay normal na makikita sa mga bulkan”. Ito ay kahalintulad sa mga nakikita sa hot…

Read More