Koleksyon para sa buwan ng Enero 2021 BOC-PCAG NAKAPAG-AMBAG NG P191-M

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng Bureau of Custom’s (BOC) sa tinatawag na revenue-generating agency, bumalangkas ang ahensiya sa pamamagitan ng kanilang Post Clearance Audit Group (PCAG) ng kanilang accomplishments para sa unang buwan ng 2021. Ang pinaigting na post-­clearance audit verification and investigation ng mga pinaghihinalaang importers na lumabag sa provisions ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ay ­nagresulta sa koleksyon na PHP 191,383,743.21 karagdagang duties and taxes para sa Enero 2021, na may tatlong (3) Demand letters collected at ­dalawamput-isang (21) filed applications para…

Read More

P45-M FAKE AT SMUGGLED ITEMS HULI SA BOC-MICP NOONG ENERO 2021

BILANG bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) na pigilan ang smuggling, nasabat ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) ang ibat-ibang kalakal sa kanilang isinagawang inspeksyon na isinagawa sa isang warehouse sa lungsod ng Las Piñas. Armado ng Letter of ­Authority (LOA) na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang binuong composite team na kinabibilangan ng MICP’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kasama ang Enforcement and Security Service (ESS) sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau…

Read More

2 CLAIMANTS NG ECSTASY HULI SA BOC, NAIA, PDEA AT IATG

Huli sa pinagsamang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region Office XI at Bureau of Customs NAIA sa tulong ng Bureau of Customs Davao, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), BOC-Intelligence Group at BOC-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) ang dalawang claimants ng “party drugs” o ecstasy sa Davao City. Sa pamamagitan ng ­pinaigting na profiling ng BOC-NAIA frontliners, natuklasan ang 494 pirasong tableta na nasa pag-iingat ng Central Mail Exchange Center o CMEC. Dahil dito, agad silang nakipag-ugnayan sa PDEA, NAIA-IATDG na kung saan ay…

Read More

House leader kinalampag UTANG NG MGA LOPEZ BINUHAY NI DEFENSOR

KINALAMPAG ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco dahil imbes na ituloy ang imbestigasyon sa utang ng mga Lopez sa Development Bank of the Philippiens (DBP) ay ibibigay na lamang umano ito sa Office of the Ombudsman. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Defensor na tulad ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi maganda sa bansa na suspendehin ang imbestigasyon sa utang ng mga Lopez sa DBP dahil hindi biro ang halagang sangkot. “Importante Mr. Speaker ang sinabi ng pangulo na kung…

Read More

Kalayaan ng magulang magpasya kikitilin HB NI REVILLA LABAG SA KONSTITUSYON

NELSON S. BADILLA WALANG pakundangang kinalaban at nilabag ng mga kasapi ng Kamara de Representantes ang Konstitusyon nang ipasa nila ang panukalang batas na inisponsoran ni Cavite Representative Strike Revilla hinggil sa pagpapalawig ng batas tungkol sa programang “mandatory immunization”. Tinumbok ng mga dalubhasa sa Saligang Batas na “unconstitutional” ang House Bill No. 8558, o “Mandatory Immunization Program Act”. Nagkakaisa ang mga dalubhasa na ang panukalang batas ay kinakailangang “constitutional” at “consistent” sa Konstitusyon, sa halip na taliwas at kinakalaban dito, sapagkat ang Konstitusyon ay “pundamental na batas” ng isang…

Read More

FACE-TO-FACE CLASSES SA CEU APRUB NA RIN

APRUBADO na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang plano ng Centro Escolar University (CEU) na magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ayon mismo kay Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso, ang plano ng CEU ay inaprubahan na nito sa ginanap na meeting sa pagitan ng mga opisyal ng CEU na kinabibilangan nina CEU School of Dentistry Dean Dr. Pearly Lim, CEU Community Dentistry head Dr. Felipe Wilfredo Espineli at CEU Security Department head Col. Nicanor Grino. Sinabi ni CEU President Dr. Maria Cristina…

Read More

Mga ‘camera conscious’ SANHI NG TRAFFIC SA NLEX

NAGIGING dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa parte ng North Luzon Expressway na sakop ng Valenzuela City ang mga “camera conscious” na motorista na humihinto ‘pag malapit na sa camera gayong hindi naman dapat. Bunsod nito ay nagbigay ng paglilinaw si Mayor Rex Gatchalian at sinabing hindi kailangang huminto dahil mawawalan ng saysay ang barriers up. “For the motoring public of Valenzuela…you don’t need to do a full stop. Just hover at 30kph don’t do a full stop as it will defeat the purpose of barriers up,” sabi ni Gatchalian…

Read More

‘3-STRIKE POLICY’ NG TRB PINALAGAN

KINASTIGO ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang planong ipatupad ng Toll Regulatory Board (TRB) sa tinatawag na ‘three-strike policy’ o pagpapataw ng parusa sa mga motorista na sa ikatlong pagkakataon ay pumasok sa expressway na wala naman umanong sapat na load ang gamit na Radio Frequency Identification (RFID) sticker. Ayon kay Deputy Speaker for Trade and Industry at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, bago puntiryahin ng TRB ang mga ordinaryo at regular na biyahero sa iba’t ibang tollways, dapat unahin nitong papanagutin ang concessionaire o operator na…

Read More

OFWs PINAUUNA SA BAKUNA

UMAPELA si Senador Manny Pacquiao sa pamahalaan na bigyan ng prayoridad sa pagbabakuna ang overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sanhi ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic. Sa panayam matapos mamigay ng ayuda sa mga senior citizen at OFWs sa Quezon City, sinabi ni Pacquiao na dapat mabigyan ng prayoridad ang ating manggagawa na nawalan ng trabaho sa abroad upang makabalik na sila sa kanilang hanapbuhay. “Napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga OFWs upang mas mabilis na makabangon ang ating ekonomiya na nalugmok sanhi ng…

Read More