Hirit ng covid vax manufacturers BLANKET IMMUNITY

SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ilang manufacturers ng COVID-19 vaccines ang humihirit ng blanket immunity mula sa pagsasakdal o makaiwas na mademanda kapag ang isang recipient ay nag-develop ng matinding side effects. Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi ay sinabi ni Galvez na may tatlong kasunduan pa hinggil sa COVID-19 vaccines ang pinupulido pagdating sa indemnity provisions upang matiyak na mababayaran ang indibidwal na makararanas ng matinding side effects ng bakuna. “Actually, ‘yun talaga ang medyo tedious kasi talagang ang gusto po…

Read More

Hirit na ‘nurse-palit-bakuna’ INSULTO SA PINOY

MISTULANG insulto at ibinababa ng administrasyon ang dangal ng mga Pilipino kaugnay ng mungkahi ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III sa United Kingdom at Germany na magpapadala ang Pilipinas ng mga medical practioner tulad ng nurse kung magbibigay ang mga ito ng COVID-19 vaccines. “Mali po yun kasi pinabababa ang ating dangal doon sa bansang inofferan natin,” ani APEC party-list Rep. Sergio Dagooc sa press conference ng minority bloc sa Kamara kaugnay ng alok ni Bello. Dapat aniyang ikonsidera ng gobyerno ang ideyang ito dahil hindi umano kailangang i-barter…

Read More

P550,000 ‘suhol’ bawat papasok na dayuhan KORAP SA IMMIGRATION PINATUTUMBOK SA NBI

(NELSON S. BADILLA) INATASAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na tumbukin ang mga korap na opisyal at kawani sa Bureau of Immigration (BI) na pasok sa P550,000 singil sa bawat dayuhang papasok sa bansa. Ipinag-utos ito ni Guevarra makaraang makarating sa kanya ang impormasyong aabot sa P550,000 ang ‘bagong singil’ sa mga dayuhan upang makapasok at makakilos nang walang balakid sa bansa. Napakalayo nito sa P10,000 ‘padulas’ ng bawat dayuhang papasok sa bansa sa isang dibisyon ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).…

Read More

‘Papel’ ng high-ranking officials sisilipin PNP-PDEA SHOOTOUT KADUDA-DUDA *Senate, House, NBI probe ikakasa

(BERNARD TAGUINOD) KWESTYONABLE para sa isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang nangyaring engkwentro ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) lalo pa’t may high-ranking police officials umano sa lugar ng bakbakan. Dismayado si House committee on dangerous drug chairman Rep. Robert Ace Barbers sa aniya’y “very unfortunate incident” na nagresulta sa kamatayan ng apat na operatiba at pagkasugat ng apat na iba pa. “Both police and PDEA claim their respective anti-drug operations in Ever Gotesco yesterday are legitimate. If this is…

Read More

KULONG SA ANAK NA MAGPAPABAYA SA MAGULANG

INIHAIN ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang isang panukala na magpapakulong sa anak na magpapabaya at hindi susuportahan ang matatanda partikular ang mga may sakit at hindi makalakad na senior citizens. Sa pahayag, sinabi ni Lapid na pagtitibayin ng Senate Bill 2061 ang tungkulin ng anak ng matatanda, may sakit o incapacitated parents. Sinabi ni Lapid na naging invisible issue sa Pilipinas ang pang-aabuso laban sa matatanda, disabled at hindi na makalakad na magulang kabilang ang pisikal, seksuwal, psychological, emosyunal at financial abuse, pag-aabandona, pagpapabaya at seryosong pagkawala ng dignidad…

Read More

DRIVER PATAY, TRADER SUGATAN SA AMBUSH

BATANGAS – Patay ang ang isang truck driver habang sugatan ang kasamang negosyante makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng truck sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ng San Jose Police ang biktimang si Virgilio Monforte Noel Jr., 40-anyos, idineklarang dead on the spot. Isinugod naman sa ospital ang kasama nitong negosyante ng itlog na si Milo Guce Raz, 53, tinamaan sa katawan ng mga bala ng .45 kalibreng baril. Batay sa report ng San Jose sa Police, sakay ang…

Read More

TANDEM BULAGTA SA ENGKWENTRO

LAGUNA – Patay ang dalawang hindi kilalang lalaking magka-angkas sa motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga miyembro ng Highway Patrol Group at SWAT team ng BiΓ±an City PNP sa ikinasang Oplan Sita nitong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa BiΓ±an City Police, nangyari ang engkwentro sa Langkiwa-Timbao Road, sakop ng Barangay Langkiwa dakong alas-3:25 ng madaling araw. Batay sa report, pinara ng mga tauhan ng HPG at SWAT team ang motorsiklong sinasakyan ng tatlong suspek ngunit sa halip na tumigil ay tumalon ang dalawang backrider at pinaputukan ang mga awtoridad. Nagkaroon…

Read More

EX-CAVITE GOV. MALIKSI PUMANAW NA

PUMANAW na si dating Cavite Governor Erineo “Ayong” Maliksi noong Miyerkoles sa edad na 82-anyos. Sa Facebook account ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, inihayag nito ang pagpanaw ng kanyang ama bagama’t hindi binanggit kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito. “Ang aming pamilya ay lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng aking ama, Erineo “Ayong Maliksi,” ayon sa kanyang FB account. “Higit sa pagiging isang serbisyo-publiko, ikaw ay naging isang mapagmahal at mapagkalingang ama sa amin. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at sa mga aral na patuloy naming babaunin,” ayon…

Read More

RETIRADONG PULIS ITINUMBA SA BRGY. HALL

LAGUNA – Patay ang isang retiradong pulis habang malubhang nasugatan ang hepe ng barangay tanod makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng barangay hall sa Purok 1, Brgy. Mapagong, Calamba City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Apolonio Comia Naredo, Jr., 52, retiradong pulis, at Rigor Rivera Medes, 38, hepe ng BPSO sa nasabing lugar. Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station, bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang pamamaril habang nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa loob ng barangay…

Read More