SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ilang manufacturers ng COVID-19 vaccines ang humihirit ng blanket immunity mula sa pagsasakdal o makaiwas na mademanda kapag ang isang recipient ay nag-develop ng matinding side effects.
Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi ay sinabi ni Galvez na may tatlong kasunduan pa hinggil sa COVID-19 vaccines ang pinupulido pagdating sa indemnity provisions upang matiyak na mababayaran ang indibidwal na makararanas ng matinding side effects ng bakuna.
“Actually, ‘yun talaga ang medyo tedious kasi talagang ang gusto po ng ibang mga manufacturer full blanket,” ayon kay Galvez.
“Dapat malaman po ng mamayan at saka ng mga manufacturer na this state cannot waive ‘yung tinatawag na blanket immunity na ang ano po natin na malpractices at saka willful neglect,” ang pahayag ni Galvez. (CHRISTIAN DALE)
143 