PAGBABAKUNA UMARANGKADA SA TAYTAY

RIZAL– SUMIRIT pataas ang antas ng kumpiyansa ng mga residente ng bayan ng Taytay makaraang simulan ng lokal na pamahalaan ang pagbabakuna sa mga medical frontliner laban sa COVID-19, sa unang araw ng pagdating ng vaccine supply mula sa Department of Health. Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, sinimulan ng dalawang local health facilities — ang Manila East Medical Center at Taytay Emergency Hospital ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19 sa mga healthcare worker bilang pagsunod sa alituntuning inilatag ng National Task Force Against COVID-19 na nagbigay ng talaan ng…

Read More

Indigenous peoples’ own story takes spotlight as NCIP unveils coffee table books

The indigenous cultural communities/indigenous peoples (ICCs/IPs) have led the charge in paying tribute and memorializing their identities and rituals as the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) on Sunday launched three coffee table books under Project “Epanaw” or “Journey,” showcasing the story of ICCs/IPs through their own eyes. The three coffee table books “Pagkilala” (Recognize), “Paggalang” (Respect), and “Pagtaguyod” (Promote) were simultaneously unveiled at SM Aura Premier and SM Lanang Premier, along with a month-long photo exhibit that features the profiles and lives of ICCs/IPs. NCIP Commissioner Norberto Navarro, a…

Read More

CLOUD TRAVEL AGENCY, BIKTIMA NG SINDIKATO?

NAGSALITA na ang dalawang business partner ng Cloud Travel Agency na sina Peter at Sharon matapos ang ating pagsisiwalat sa naging partisipasyon umano ng mga ito sa isang Chinese national na kamakailan ay hinarang ng mga tauhan ng BI Port Operations Division. Ayon sa mga ito, sila diumano ay biktima lamang ng ‘setup’ mula sa sindikatong gumagalaw sa NAIA sa paraang ipinapasa lang daw sa ibang mga lehitimong travel agency para daw makalusot. Nilinaw ng Cloud Travel Agency na bago pa man ang ­February 19 na Flight sa bansa ni…

Read More

OFW’s SA EAST TIMOR GUSTO NANG UMUWI SA PILIPINAS

SA pamamagitan ng AKOOFW ay lubos na nanawagan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa East Timor sa Department of Foreign Affairs. Umaabot na rin sa 60 na mga OFW sa East Timor ang nagpahayag ng kanilang intensiyon na umuwi sa Pilipinas. Dagdag pa rito ang tatlong bangkay na kailangan na daw ng tinatawag na “repatriation of remains.” Batay sa salaysay ni Ron Damalerio isang OFW sa East Timor, Noong simula nang COVID-19 Pandemic ay ayaw daw nilang bumalik ng Pilipinas dahil kapag sila ay umuwi ay wala rin…

Read More

PINATITIGIL NG DILG OIC SI REP. GAITE SA PAGKAKALAT NG ‘FAKE NEWS’

SA mga hindi nakakaalam kung sino si Rep. Ferdinand “Ferdie” Gaite, siya po ang isa sa mga kinatawan ng Bayan Muna party – list group sa Kamara de Representantes. Dating pangulo ng COURAGE, samahan ng mga unyon ng mga kawani ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya ng pamahalaan, si Gaite. Naging pangulo si Gaite ng COURAGE dahil opisyal siya noon sa unyon ng mga empleyado ng isang kagawaran ng pamahalaan. Kung konektado siya sa COURAGE, hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla siya naging kongresista, sa pamamagitan ng pagiging…

Read More

Top to bottom assessment ng PNP hirit ng solon RESHUFFLE ‘DI EPEKTIBO SA PATAYAN

IKINAALARMA ng mababang kapulungan ng Kongreso ang sunod-sunod na patayan sa bansa kaya naniniwala itong hindi nakatutulong ang balasahan sa Philippine National Police para matigil ang nasabing karahasan. Ayon kay Deputy Speaker Bienvenido Abante, hindi na katanggap-tanggap ang “unabated waves of brutality, bullets, and bloodshed that have plagued the nation in recent months”. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil mistulang walang indikasyon na matitigil ang patayan matapos itumba nitong Huwebes sa Tagapul-an, Samar si Rev. Dioscoro “Jet” Tan Jr., chairman ng Conservative Baptist Association of the Philippines (CBAP) Region 8.…

Read More

2 -TAON RAKET SA BI BINUKING

HINDI pa man natatapos ang imbestigasyon hinggil sa P550,000 bayad ng bawat Chinese sa mga korap umanong opisyal sa Bureau of Immigration (BI) ay nabunyag naman ang raket patungkol sa “human trafficking”. Ayon sa impormasyong ipinarating kay Senadora Risa Hontiveros, P50,000 ang ibinabayad sa mga tiwali sa BI kapalit ng mabilis na pag-alis ng isang nais mag-abroad na Pinoy. Nalantad sa media ang P50,000 kada ‘ulong’ human trafficking racket, samantalang hindi pa tapos imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P550,000 singil umano ng mga korap na opisyal at…

Read More

Panibagong SUA accident ng Mitsubishi sa QC ‘MONTORO’ RETURNS

NAUNGKAT ang problema sa sudden unintended acceleration o SUA na dati nang inireklamo laban sa Montero ng kumpanyang Mitsubishi Motors sa aksidenteng naganap nitong Miyerkoles sa Quezon City. Nahaharap sa kasong “reckless imprudence resulting to damage to property” ang isang babaeng mahigit 70 taong gulang matapos sumalpok sa sangay ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa nasabing lungsod ang kanyang Mitsubishi Montero. Maparurusahan ang babaeng mahigit 34 taon nang driver kung mapatunayang siya ang may sala kung bakit dumiretso papaloob ng LBP-Muñoz Branch ang minamaneho niyang Montero (model 2012).…

Read More

Pandemya imbes humupa lalong lumala P568-B COVID-19 FUND NASAAN?

(BERNARD TAGUINOD) HINDI naramdaman ng mga Pilipino ang P568.1 billion pondong ginamit ng Duterte administration para labanan ang COVID-19 dahil imbes humupa ang pandemya ay lalo itong lumala. Ito ang bahagi ng nilalaman ng privilege speech ni House deputy minority leader Carlos Zarate ukol sa budget na ginastos ng gobyerno mula noong nakaraang taon para labanan ang COVID-19. “Ayon sa DBM (Department of Budget and Management), P568.01 bilyong pondo na ang nai-release para sa COVID-19,” ani Zarate. Kabilang aniya rito ang P386.14 billion na inilabas sa ilalim ng Bayanihan 1…

Read More