Umusad na sa Kamara ‘IWAS-AMAG’ SA ELECTION PROTEST

(BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN na sa committee level sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na “iwas-amag” sa lahat ng mga electoral protest upang matakot ang mga mandarayang politiko para lang manatili sa puwesto. Walang tumutol nang aprubahan ang Committee report na binuo ng Technical Working Group (TWG) ng House committee on suffrage and electoral reforms, hinggil sa House Bill 2716 “Fair Electoral Protest Act,” na inakda ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez. Base sa nasabing panukala, bibigyan ng deadline ang mga korte at mga electoral tribunal tulad ng Presidential Electoral…

Read More

LAND GRABBING PINAIIMBESTIGAHAN SA KAMARA

PINAIIMBESTIGAHAN ni 5th District, Negros Occidental Representative Ma. Lourdes T. Arroyo sa Kamara ang land grabbing at pang-aabuso ng mga lokal na pamahalaan lalung-lalo na ang Municipal/City Treasurer’s Office gamit ang isyu ng tax delinquency. Kasunod ito ng mga reklamong natatanggap ni Arroyo mula sa ilang land owners na nawalan ng karapatan sa kanilang pag-aaring lupa dahil lamang sa kakaunting pagkakautang sa local real property tax. Sa House Resolution 1653 na inihain ni Arroyo, hiniling nito sa House Committee on Local Government na magsagawa ng House inquiry in aid of…

Read More

LIFELINE RATE SA INTERNET ACCESS

INIHAYAG ni Senador Imee Marcos na kailangang kilalanin ang internet access bilang  pangunahing karapatan sa kaparehong lebel ng kuryente at tubig. Ayon kay Marcos, ang pagtatatag ng lifeline rate para sa paggamit ng internet ay kasing importante ng desisyon ng bicameral conference committee nitong Martes na palawigin ang lifeline rate sa pagkonsumo ng kuryente hanggang 2051. “Kailangang makaagapay o makasabay ng mga Pilipino sa mga hamong hindi lamang dulot ng pandemya ng COVID-19 kundi nitong 21st century. Matutugunan ng lifeline rate ang pangangailangan at hangarin ng bansa,” sinabi ni Marcos.…

Read More

GUIDE BILL ISINUSULONG SA PAGBANGON NG MSMEs

IGINIIT ni Senador Win Gatchalian na kailangang tulungang makarekober ang maliliit na negosyo o ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagpapasimple ng proseso at pagbabawas ng transaction cost tulad ng pag-alis ng ilang uri ng buwis upang mahikayat silang mangutang para pausbungin muli ang kanilang mga operasyon. Ito ang layon ng panukalang batas na Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery o GUIDE, na tinatalakay ngayon ng Senate Subcommittee on Banks, Financial Institutions and Currencies na…

Read More

BAWAS LOAN INTEREST SA PUV MODERNIZATION

NANAWAGAN si Senador Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) na bawasan ang interest ng mga public utility vehicle (PUV) modernization loans bilang tulong sa naghihirap na mga driver at operator. Ayon kay Poe, dapat ikonsidera ng nasabing mga ahensya ng pamahalaan na gawing apat na porsiyento na lamang sa halip na anim na porsiyento ang loan interest sa utang ng mga driver na tutugon sa panawagang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan. “If we want…

Read More

PUBLIKO SINISI SA PAGSIPA NG COVID CASES

KUMBINSIDO si Vaccine czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na may kinalaman ang pagdating ng COVID vaccines sa bansa sa pagtaas ng kaso ng corona virus. Naging masyado aniyang kampante ang marami nang dumating ang bakuna at sinimulan na itong iturok sa mga unang dapat maturukan. Marami aniyang mga Pilipino ang nag-relax bunsod ng pag-asang naririto na ang bakuna na aniya’y kapansin-pansin sa kanilang naging obserbasyon. Dahil dito, nagpaalala si Galvez na additional protection lamang ang bakuna at kailangan pa ring i-obserba ang minimum health standard. “Nakita natin…

Read More

DPWH NANGUNA SA HOSPITAL INVENTORY

NAGSIMULA nang bisitahin ni DPWH Secretary Mark Villar ang mga ospital para sa pag-iimbentaryo. Bahagi ito ng pagsisikap ng gobyerno na matiyak na sapat ang healthcare facilities sa gitna ng tumataas na bilang ng nagkaka-covid. Sinabi ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez Jr., na gumagalaw na rin ang One Hospital Command sa pangunguna ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega. May mga lugar na rin aniya katulad ng Quezon Institute na kanilang mino-mobilize habang may mga expansion na ring ginagawa sa ilang ga pagamutan para mapagdalhan sa mga indibidwal na…

Read More

PAGKALAS NG PINAS SA ICC TINULDUKAN NG SC

WELCOME sa Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na kumukwestyon sa pagkalas ng pamahalaan ng Pilipinas o unilateral withdrawal ng bansa sa Rome Statute ng International Criminal Court dahil sa pagiging moot and academic. “The latest High Court ruling, which is decided on mootness, acknowledges that the president is indeed the chief architect of this country’s foreign policy,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Dahil dito, nanawagan si Sec. Roque sa ICC na huwag nang mag-aksaya ng oras, panahon at resources sa pag-iimbestiga na…

Read More

Kabilang ang non-OFW returnees PAGPASOK NG FOREIGN NATIONALS SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG sinuspinde ang pagpasok ng foreign nationals at returning overseas Filipinos na non-overseas workes sa bansa simula sa Marso 20 hanggang Abril 19. Ipinag-utos din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na limitahan ang inbound international passengers sa 1,500 kada araw. Layon nito na mapigil ang karagdagan pang pagtaas ng bilang ng coronavirus cases at mapigilan din ang pagpasok ng coronavirus variants mula sa ibang bansa. Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 5, exempted naman mula sa entry ban ang mga indibidwal gaya…

Read More