PINAIRAL ang mas mahigpit na mga hakbangin sa loob ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP) simula kahapon upang maibsan ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang hanay. Bukod sa pagbabalik ng mga istriktong health protocols sa PNP General Headquarters, ipinag-utos din ni PNP Officer In Charge P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang pagbabago sa sistema ng pagtatrabaho ng mga police uniformed personnel at non-uniformed personnel. Ito ay matapos ang konsultasyon ni LtGen. Eleazar kay chief PNP, Police General Debold M Sinas, kasunod ng isinagawang pagpupulong sa hanay ng senior police…
Read MoreMonth: March 2021
Ex-BAI chief Domingo, gigisahin sa Senado ‘TONGPATS’ SYSTEM SA DA GARAPAL
(ESTONG REYES) INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson na pinakamainam na mag-imbestiga ang Committee of the Whole ng Senado sa nagsesebong “tongpats” sa importasyon ng karne ng baboy na paraan ng Department of Agriculture (DA) upang mapunan ang kawalan ng suplay bunga ng pananalasa ng African Swine Flu (ASF). Sa pahayag, sinabi ni Lacson na maraming aspetong saklaw ang nabanggit na kontrobersiya kung kaya’t tama lamang na buong puwersa na ng Senado ang umungkat sa mga detalye nito. “I am recommending that the Senate convene into a Committee of the Whole…
Read More17-ANYOS, 28 PA HULI SA DROGA SA CAVITE
CAVITE – Umabot sa 29 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo, ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang magdamagang buy-bust operation sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, dakong alas-10:30 noong Martes ng gabi nang damputin si Lester (‘di tunay na pangalan), 17, at pito pa nitong mga kasama sa buy-bust operation sa Paraiso compound, Brgy. Talaba 6, Bacoor City, at nakumpiska ang mahigit 23 sachet ng umano’y shabu at buy-bust money. Si Lester ay nasa pangangalaga na ng City…
Read MorePILING QC AREAS, NI-LOCKDOWN
ISINAILALIM sa special concern lockdown ang ilang piling mga area sa Lungsod Quezon dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sa pinakahuling data na nakuha ng Peryodiko Filipino Inc. sa Facebook page ng Quezon City government noong Marso 10, 2021, kabilang sa mga sakop ng special concern lockdown ang bahagi ng Durian St., Brgy. Pasong Tamo; L. Pascual Street, Brgy. Baesa; De Los Santos Compound, Heavenly Drive, Brgy. San Agustin; 49 & 51 E. Rodriguez Sr. Ave., Brgy. Doña Josefa; Saint Paul St. and Thaddeus St., Jordan…
Read More4 PANG MPD STATIONS NAGPOSITIBO SA COVID
NAKAPAGTALA ng tig-isang pulis na positibo sa coronavirus 2019 (COVID-19) sa apat na presinto ng Manila Police District (MPD). Bukod sa MPD-Binondo Police Station 11 na mayroong maraming kaso ng COVID-19, kinumpirma ni MPD Director, P/BGen. Leo “Paco” Francisco na may tig-isang pulis na nagpositibo rin sa COVID-19 sa apat pang presinto. Gayunman, tumanggi muna si Francisco na tukuyin kung alin-aling presinto nila ang nakapagtala ng mga kaso ng impeksyon. Tiniyak nitong naka-quarantine na ang nasabing mga pulis at nagsagawa na ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga…
Read MoreKapag tumanggi sa swab test MANILA VENDORS HINDI MAKAPAGTITINDA
NAGBABALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa stall holders o mga vendor na hindi papayagang magtinda ang mga ito kapag tumanggi sa ipatutupad na regular mandatory swab testing na isasagawa ng mga tauhan ng Manila Health Department. Sa 17 palengke sa Lungsod ng Maynila, mahigpit ang babala ng alkalde matapos makatanggap ng ulat na may 39 na nagpositibo sa COVID-19 sa Arranque Market sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila kamakailan. Nagpahayag ng pagkainis at pagkadismaya ang alkalde nang malamang may mga vendor na tumangging ma-swab…
Read MoreP5K MULTA SA ‘NO FACE MASK’ SA CALOOCAN
MAGMUMULTA ng P5,000 at/o isang buwang pagkabilanggo ang sinumang mahuhuling walang suot na face mask sa pangalawang pagkakataon sa Caloocan City. Batay sa City Ordinance No.0884-2020, mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang paggamit ng face mask sa lahat ng mga pampublikong lugar sa Caloocan City sa panahon ng pandemya. Sa unang paglagbag sa nasabing ordinansa ay P1,000 ang multa. “Ngayong tumataas na naman ang mga kaso ng COVID-19, ipakita natin ang ating pagmamalasakit at pasasalamat sa ating mga frontliner sa pamamagitan ng simpleng pagsusuot ng face mask at face shield…
Read More7 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA
MULING nakapagtala ng pitong bagong namatay dahil sa COVID-19 ang Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 16. Sa Navotas City, dalawa ang namatay sa nasabing virus sa nasabing petsa at umakyat sa 759 ang active COVID-19 cases makaraang 63 ang muling nagpositibo habang 50 ang gumaling. Umabot na sa 6,917 ang tinamaan ng virus sa lungsod, sa bilang na ito ay 5,949 na ang gumaling at 209 ang namatay. Samantala, nilagdaan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order (EO) No. TMT-040 Series of 2021, nakasaad ang…
Read More448 CURFEW VIOLATORS, NADAKIP SA PASAY
PINAIGTING ng pamahalaang lungsod ng Pasay at pulisya ang pagpapatupad ng health protocols sa gitna ng patuloy na pagsipa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), nagresulta sa pagkahuli sa 448 residenteng lumabag sa curfew hours noong Marso 16. Ayon kay Pasay City Police chief, P/Col. Cesar Paday-os, “marami pa ang nagpapalusot, kahit alam na nila na may [bagong] curfew na ipinatutupad ay lumalabas pa rin sila ng kani-kanilang bahay kahit walang importanteng dahilan”. Ang first time offenders ay inililista sa barangay blotter. Para naman sa second offense, ang mga lumabag ay…
Read More