ISA na naman nating kababayang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagpapasaklolo sa AKOOFW dahil hindi na nga siya pinasuweldo ng tama ng kaniyang amo ay ipinakulong pa siya nito. Sa sulat na ating natanggap mula kay Recie Fuentes Papa, 26 anyos na isang OFW mula sa Kuwait, isinalaysay nito ang mapait niyang sinapit sa kaniyang employer na nakilalang si Anwar Fadhel Awwad Alhamadani. Si OFW Recie ay tubong Sta. Cruz, Occidental Mindoro at nakarating siya sa Kuwait sa pamamagitan ng Maryam Mubarak Al-Adwani Recruiting Agency. Ayon sa kaniya, umalis siya…
Read MoreMonth: March 2021
ANO NA ANG NANGYARI SA KASO NI DATING COMELEC CHAIR ANDY BAUTISTA?
MISTULANG nakalimutan na ng pamahalaan ang ginawang kabulastugan ni dating Commission on Elections (comelec) Chairman Andres Bautista na sinasabing nasa Amerika na sa kasalukuyan. Bakit mukhang walang ginagawa ang Duterte administration para mapabalik ng bansa itong si Bautista na hindi malinaw kung nakatakas ba o pinatakas??? Sana ay masagot ng dating Chairman ng Comelec ang lahat ng akusasyon at mga anomalya na ibinabato laban sa kaniya. Kahit ang lehislatura nang magsagawa ito ng imbestigasyon kaugnay ng diumano’y mga anomalya sa paggamit o pagkuha ng comelec sa serbisyo ng Smartmatic upang…
Read MoreSa paghihigpit ng quarantine classification HOSPITAL AVAILABILITY PAGBABATAYAN
SINABI ng Malakanyang na isa ang kondisyon o kalagayan ng health care utilization rate sa gagawing basehan ng gobyerno para sa implementasyon ng mas mahigpit na quarantine protocol sa buwan ng Abril. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, isa ito sa formula na ginagamit ng pamahalaan upang pagbasehan ang susunod na hakbang na may kaugnayan sa posibleng paghihigpit o pagluluwag sa klasipikasyon ng protocol. “Malinaw iyong formula na ginagamit natin, iyong dami ng kaso ng COVID at saka iyong kapasidad nating magbigay ng medical attention, iyong health care utilization rate…
Read MorePAG-UWI NG OFWs LILIMITAHAN
INIREKOMENDA ng National Task Force against COVID-19 kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na limitahan muna sa 1,500 ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na pauuwiin o papapasukin sa Pilipinas kada araw. Ang katuwiran ni NTF chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. ay dahil na rin ito sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa. Aniya, inirekomenda nila ito para ma-contain o mapigilan ang pagtaas pa ng bilang ng kaso. Sa mga nagdaang araw kasi ay umabot na sa 4,000 hanggang 5,000 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19…
Read MoreBAKUNA DADALHIN SA MAHIHIRAP
GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang mga government vaccinator sa bahay ng indigent communities o sa squatters area para mabigyan ng COVID-19 doses. “We are thinking of going mobile . . . my order now is for the team to give you the vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi. “We will use all government assets . . .everybody must contribute and all departments must take note of this, this is not just a fight against COVID-19, but a fight against despair…
Read MoreKASO NI LEONEN TINULUGAN
(NELSON S. BADILLA) NABIGWASAN na naman ang pamunuan ng Kamara de Representantes, partikular ang mayorya na pinamumunuan ni Speaker Lord Allan Jay Velasco, hinggil sa ‘pinatulog’ na mga kaso ni Associate Justice (AJ) Marvic Leonen tungkol sa umano’y sadyang paglabag sa Konstitusyon. Sa pagkakataong ito, ang Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika (FLAGG-Maharlika) ang bumanat sa liderato ng Kamara dahil hanggang ngayon ay wala pa itong aksyon sa impeachment complaint laban kay Leonen. Ilang linggo na ang nakalipas, kasapi ng minorya ang bumatikos kay Velasco dahil hindi man lang…
Read MoreNAVOTAS ‘MOST COMPLIANT’ SA MANILA BAY CLEAN UP
KINILALA ang pamahalaang lungsod ng Navotas dahil sa patuloy na pagpapatupad ng Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP). Umiskor ng 96.7% ang lungsod at tinanghal na 2020 Most Compliant Local Government Unit sa pagpapatupad ng continuing mandamus ng Korte Suprema sa pagpapanatili ng kalinisan sa nasabing baybayin. “In the past years, Navotas scored low in the MBCRPP. We strived to rework our priorities, strengthen our partnership with environmental organizations and agencies, and establish institutional changes to ensure that we will not just be compliant but committed in…
Read MoreSTATE OF CALAMITY PINADEDEKLARA
PINADEDEKLARA ng mga senador sa Malacañang ang state of national calamity sa bansa dahil sa pananalasa ng African swine fever (ASF) sa local hog industry ng bansa. Sa resolusyon na ipinasa ng Senado, hiniling nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang state of national calamity para matulungan ang mga nag-aalaga ng baboy at baka na makabangon. Nakasaad sa Senate Resolution No. (SRN) 676 na pinababasura kay Pangulong Duterte ang panukalang bawasan ang tariff rates at dagdagan ang minimum access volume (MAV) sa mga imported pork product. “Increasing the MAV…
Read MoreSURVEILLANCE TESTING ISINUSULONG SA SENADO
HINILING ni Senador Joel Villanueva sa pamahalaan na magsagawa ng surveillance testing upang mapanatili ang trabaho habang pataas ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19. Ayon kay Villanueva, mas mabilis malalaman kung saan nanggagaling ang hawaan at mapigilan itong iuwi ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga tahanan kung regular na ginagawa ang random testing sa mga lugar-paggawa. Idiniin ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee, na isang mahalagang elemento ang random testing sa mga workplace sa pagpapabagal ng pagkalat ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar. Noong Marso 15, naitala ng…
Read More