PINADEDEKLARA ng mga senador sa Malacañang ang state of national calamity sa bansa dahil sa pananalasa ng African swine fever (ASF) sa local hog industry ng bansa.
Sa resolusyon na ipinasa ng Senado, hiniling nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang state of national calamity para matulungan ang mga nag-aalaga ng baboy at baka na makabangon.
Nakasaad sa Senate Resolution No. (SRN) 676 na pinababasura kay Pangulong Duterte ang panukalang bawasan ang tariff rates at dagdagan ang minimum access volume (MAV) sa mga imported pork product.
“Increasing the MAV and decreasing tariff, proposed ironically by the DA itself, would further derail the recovery of the hog industry, if not kill the local industry altogether,” ayon pa sa resolusyon.
Sinabi ni Senador Cynthia Villar, chairperson ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, na ipinasa ang resolusyon bago ang inaasahang anunsyo ng patakaran ng pangulo matapos suspendihin ng Kongreso ang sesyon nito simula Marso 27.
Napansin din ng mga senador ang mga alalahanin mula sa mga local hog producer, na bumaha ng mas murang na-import na mga produktong baboy kumpara sa mga lokal na karne, kaya’t nagdulot ng karagdagang pagkasira ng ekonomiya sa mga magsasaka sa gitna ng ASF at COVID-19 pandemya. (NOEL ABUEL)
248 