PAGTAAS NG COVID CASES RAMDAM DIN SA IBANG BANSA

HINDI nag-iisa ang Pilipinas sa nakararanas ng pagtaas sa kaso ng COVID-19. Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng pagsirit ng kaso ng virus na naitatala sa mga nakalipas na araw. Aniya, ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay bunsod na rin ng bagong variant na mas mabilis ang transmission o pagkahawa. Posible aniya na nakaramdam na rin ang tao ng pagkapagod sa minimum health standards kaya’t may pagkakataong nakokompromiso ang kalusugan ng mga ito at hindi na nakasusunod pa sa laging paalala na mask, hugas…

Read More

Covid positive na lumabas pa ROQUE NUMERO UNONG PASAWAY

HINDI nakakuha ng simpatya si Presidential Spokesman Harry Roque na nagpositibo sa COVID-19 dahil imbes pumunta sa isolation facility ay pumasok pa ito sa kanyang tanggapan sa Malacañang. Kasabay nito, inasar din ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate si Roque dahil lalong napatunayan aniya na hindi excellent tulad ng kanyang sinasabi, ang pandemic response ng gobyerno dahil sa anibersaryo ng lockdown ay magbabakasyon ito sa isolation facility at dumarami ang kaso ng COVID-19. “Sec. Roque, on the other hand, is the ultimate example of ‘pasaway’ for visiting different places…

Read More

Solon sa muling pagsipa ng COVID-19 cases ‘TONGPATS’ SA MEDICAL BILLS BANTAYAN

(BERNARD TAGUINOD) PINABABANTAYAN sa Department of Health (DOH) ang medical bills ng mga pasyente ngayong dumarami na naman ang kaso ng COVID-19 sa bansa, lalo na sa mga pribadong pagamutan. “In the meantime, I urge the DOH to issue regulations against abusive private hospital practices. A hotline on the matter is also important,” ani Albay Rep. Joey Salceda. Ginawa ng mambabatas ang kautusan sa DOH dahil bukod sa mga pasyente ng COVID-19 ay nasa-shock umano ang ibang pasyente sa laki ng kanilang bill dahil maraming bayarin ang ipinapatong ng mga…

Read More

RAPE SUSPECT LAGLAG SA ZAMBALES POLICE

NAGWAKAS ang apat na taong pagtatago ng isang puganteng rape suspect nang matunton ng mga operatiba ng Zambales Police Provincial Office ang pinagtataguan nito sa Sitio Barani, Brgy. Gayusan, sa bayan ng Agno, sa lalawigang ng Pangasinan. Ayon kay Zambales Police Provincial Director, P/Col. Romano V. Cardiño, bandang alas-2:00 ng hapon noong Linggo nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang kinaroroonan ng suspek na si Bryan Ecalnir Melu sa Sitio Barani, Barangay Gayusan ng nabanggit na bayan. Si Melu na itinuturing na top 4 most wanted person ng munisipalidad ng…

Read More

AYAW SA SUNTUKAN, NILASLAS SA BRASO

BATANGAS – Nilaslas sa braso ang isang lalaki habang umiinom ng softdrinks nang hindi kumasa sa hamong suntukan ng suspek sa harap ng isang tindahan noong Linggo ng gabi sa Brgy. Cahigan sa bayan ng Rosario. Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang suspek na si Noli de Castro y Oftial habang ang suspek naman ay natukoy na si Eddy Marasigan y Rosales. Ayon sa ulat ng pulisya, umiinom ng softdrinks sa harap ng tindahan sa Brgy. Cahigam ang biktima nang biglang dumating ang suspek na si Marasigan at hinamon…

Read More

P20.4-M BAYAD-PINSALA SA 890 HOG RAISERS

UMABOT na sa halagang P20.410 milyon ang naipagkaloob ng Department of Agriculture bilang bayad-pinsala sa halos 890 magbababoy noong Marso 10-12, 2021 makaraang maapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa mga lalawigan ng Quezon at Cavite. Katumbas ng halagang P5,000 kada baboy na isinusuko sa kagawaran, ang ibinabayad ng kagawaran sa mga magbababoy upang makabangong muli mula sa pinsala ng ASF. Ayon kay Regional Livestock program coordinator, Dr. Jerome G. Cuasay, ang programang ito ay makatutulong upang mapalakas muli ang pag-aalaga ng baboy sa rehiyon. “Ang kagawaran ay namamahagi rin…

Read More

P20.4-M SHABU NASABAT SA DRUG DEALER

TINATAYANG P20.4 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa ikinasang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu noong Linggo. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva ng PDEA-BARMM, sa pamumuno ni Regional Director Juvenal Blanquera Azurin, nadakip sa inilunsad na buy-bust operation ang umano’y bigtime drug dealer na si Ejek Ali Abduhalim, 44-anyos, residente sa Barangay Bas-Nonok, Lugus, Sulu. Tatlong kilo ng umano’y shabu na may street value na aabot sa P20.4 milyon,…

Read More

TRABAHO, PAMILYA SENTRO NG HAWAAN SA QC

NATUKOY ng Quezon City government na ang sentro ng hawaan sa COVID-19 sa lungsod ay sa trabaho. Napag-alaman, nangyayari ang ‘infections’ sa workplace at nadadala ito sa kani-kanilang pamilya sa kanilang pag-uwi. Ayon sa report Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng lungsod, sa 722 positive cases mula Pebrero 28 hanggang Marso 13, 2021, nabatid na 104 cases o 14 percent nito ay mula sa trabaho sa maraming mga empleyado. Samantala, ang mga bahay o pamilya ang pinaka-pangkaraniwag nalalantad sa nasabing sakit, sa bilang na 256 cases o 35%. “Reports…

Read More

30% WORKING CAPACITY SA MANILA CITY HALL

SIMULA nitong Lunes, Marso 15, ang pagpapatupad ng 30% working capacity sa mga tanggapan sa Manila City Hall, o ang pagbabawas ng mga empleyadong papasok sa kani-kanilang opisina, bilang bahagi ng pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na matuldukan ang patuloy na pagdami ng naitatalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod. Alinsunod ito sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno na dapat ay 30% lamang ng mga empleyado ng lahat ng city government departments, bureaus at offices ang papayagang pisikal na pumasok sa kanilang trabaho. Nauna rito, nagpatawag…

Read More