Covid positive na lumabas pa ROQUE NUMERO UNONG PASAWAY

HINDI nakakuha ng simpatya si Presidential Spokesman Harry Roque na nagpositibo sa COVID-19 dahil imbes pumunta sa isolation facility ay pumasok pa ito sa kanyang tanggapan sa Malacañang.

Kasabay nito, inasar din ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate si Roque dahil lalong napatunayan aniya na hindi excellent tulad ng kanyang sinasabi, ang pandemic response ng gobyerno dahil sa anibersaryo ng lockdown ay magbabakasyon ito sa isolation facility at dumarami ang kaso ng COVID-19.

“Sec. Roque, on the other hand, is the ultimate example of ‘pasaway’ for visiting different places in the country, as if daring the covid virus to infect him. Mula sa pakikisalamuha sa mga lumba-lumba, paglarga na walang mask o face shield at pag-attend ng piyesta, ginawa na po nya ‘yan,” ani Zarate.

“Yesterday, he was tested for covid but instead of immediately isolating himself until he got the results, he even went to his office today thereby putting his officemates at risk. How pasaway can you get, especially for a government official lecturing ordinary people to follow health protocols,” dagdag pa nito.

Nangangamba ang mambabatas na posibleng nagkalat ng virus si Roque sa Malacañang dahil mismong ito ay ayaw sumusod sa protocol dahil hindi agad nag-isolate habang naghihintay ng resulta ng kanyang swab test.

Bukod kay Roque, nagpositibo rin sa virus si Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas, na ayon sa mambabatas ay kilala rin umanong pasaway dahil sa kanyang mañanita noong nakaraang taon sa kasagsagan ng lockdown.

Kamakalawa ay pumunta si Sinas sa Oriental Mindoro na hindi dumaan sa health screening gayung hindi pa lumalabas ang resulta ng kanyang swab test na malinaw na pagsuway din umano sa health protocols.

Dahil dito, dapat umanong parusahan sina Roque at Sinas dahil kung palalagpasin ito ay walang maniniwala na seryoso ang gobyerno sa pagkontrol sa pandemya dulot ng COVID-19.

 

IBALIK SI NOGRALES

Samantala, pinababalik ng isang mambabatas si Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang mukha ng Inter-Agency Task Dorce (IAFT) against COVID-19.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 si Sec. Roque.

Inirekomenda ni House committee on constitutional amendments chairman Alfredo Garbin Jr., si Nograles bilang tagapagsalita ng gobyerno kaugnay ng COVID-19.

“Having too many people confusing the messages, speaking unwisely about COVID-19 and the pandemic response complicates further the already herculean task,” pahayag ni Garbin.

Bilang tagapagsalita ng pangulo, kasama si Roque sa mga nagsasalita ukol sa programa ng gobyerno laban sa pandemya sa COVID-19 subalit marami ang napikon sa pagiging arogante umano nito.

Kasamang bumakbak kay Roque dahil sa mga pahayag nito na hindi maaaring pumili ang mga tao ng bakuna dahil libre naman itong ibibigay sa kanila ay si House minority leader Joseph Estephen “Caraps” Paduano.

Hindi rin nagustuhan ng mga mambabatas sa Kamara ang pahayag ni Roque na ‘bakasyon” ang isang lockdown kaya hindi na dapat tutulan ang pagbabawas sa holidays.

Bukod kina Roque at Sinas, nagpositibo rin sa coronavirus si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva. (BERNARD TAGUINOD)

177

Related posts

Leave a Comment