NPA TOP OFFICIAL PATAY SA MILITAR

ISANG mataas na pinuno ng armadong galamay ng Communist Party of the Philippines, ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army sa inilunsad na law enforcement operation sa Maco, Davao de Oro. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Jose C. Faustino Jr., na-neyutralisa ng kanyang mga tauhan si Renante Mantos, alyas “Nante” o “Roy,” isang NPA leader at Guerilla Front 2 secretary. Napaslang si Mantos nang tangkain nitong lumaban sa pinagsanib na puwersa ng 28th Infantry (Kamagong) Battalion at 1001st (Pag-Asa) Brigade…

Read More

Bago sumabak sa vaccination duty FACIAL TREATMENTS SA MEDICAL FRONTLINERS

MAHIGIT 40 tauhan ng Northern Luzon Command, na karamihan ay kababaihang medical frontliners, ang sumailalim sa “facial cleansing and treatment” bago sumabak sa pag-ayuda sa medical practitioners sa isinasagawang COVID vaccine inoculation para sa military personnel sa Northern at Central Luzon. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, na inisyatiba ng NOLCOM bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng kababaihang officers and personnel sa giyera kontra COVID-19, bukod sa ginagampanan nila sa internal security and territorial defense operations. Ang libreng facial treatment ay ipinagkaloob ng V Magic Skin…

Read More

MALAKANYANG NAKIRAMAY SA PAGPANAW NI VETERAN CONSTITUTIONALIST FR. JOAQUIN BERNAS

NAGPAABOT ng pakikidalamhati ang Malakanyang sa pagpanaw ng veteran constitutionalist na si Father Joaquin Bernas sa edad na 88. “We express our condolences to the friends and colleagues of Father Joaquin Bernas who died early morning today, March 6, 2021,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Si Father Bernas ay Dean Emeritus ng Ateneo de Manila University School of Law na nag-iwan ng “legacy of legal excellence and passion for humanity and the rule of law to the nation.” Isa aniya itong magaling na Jesuit educator, tinuruan nito ang ilang…

Read More

KASUMPA-SUMPANG BAKASYON

KASUMPA-SUMPANG bakasyon kung bakasyon ang turing ni Atty. Harry Roque sa isang taon na lockdown dahil sa ­pandemya na dulot ng COVID-19 na hindi pinigilan ng kanyang gobyerno ang pagpasok sa ating ­inang bayan. Hindi ko alam kung talagang pagod na si Mang Harry kaya hindi nya muna iniisip ang binibitawan na salita kung nakakasakit ba yun o hindi bago niya buksan ang kanyang bibig. Saan ka naman nakakita na bakasyon na nawalan ka ng kita, nawalan ka ng hanapbuhay, nagutom ka at ang pamilya mo ay takot na takot…

Read More

LISTAHAN NG MGA INIREREKLAMONG RECRUITMENT AGENCIES INILABAS

INILABAS ng Report Bad Agencies, isang social service group ang mahigit sa dalawang daang recruitment agencies na may ibat-ibang mga ­reklamo mula sa kanilang mga aplikante. Kabilang sa mga ito ay ang 21st Century Manpower Res Inc., A & W International Manpower Services, A.S.H Manpower International Services, Inc.; Adamson (Phil), Inc.; Al Batra Rec’t Agency, Inc.; Al-Habib Int’l Svcs Corp.; Alphabeshi International Svcs, Inc.; Andrews Manp. Corporation, Angelex Allied Agencies; at ­Anglo-European Services, Inc. Ang sampung (10) mga pribadong ahensiyang nabanggit ay bahagi lamang ng mahigit sa dalawang daang recruitment…

Read More

Sa ulat na may VIPs sa pagbabakuna PH, BANTAY SARADO SA WHO

(NELSON S. BADILLA) BINABANTAYAN ng World Health Organization (WHO) ang pagpapatupad ng administrasyong Duterte sa pagbabakuna sa pagdating ng suplay ng AstraZeneca. Ito ay matapos magreklamo ang ilang sektor dahil may mga nabakunahan na hindi kabilang sa mga prayoridad at kahanay ng health workers. Nabatid na may mga itinakdang kondisyon sa pagpapadala ng nasabing bakuna mula sa COVAX facility ng WHO. Ang binabanggit na mga insidente ay ang pagpapaturok nina Manila Vice Mayor Honey Lacuna Pangan at Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan. Bagamat sila ay parehong manggagamot, hindi bahagi ang…

Read More

Sa mga residente ng Metro Manila WALANG WATER SHORTAGE – PALASYO

HINDI mahaharap o mararanasan ng mga taga-Metro Manila ang water shortage sa buong taon. “According to the MWSS Chair and OIC Administrator Reynaldo Velasco, we expect to have sufficient water supply this year in Metro Manila. Wala po tayong water shortage dito sa Maynila,” ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles. Iniulat ni CabSec Nograles ang ginagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para mapabilis ang implementasyon ng ilang proyekto na naglalayong tugunan ang mga water requirement ng rehiyon sa mahabang panahon. Noong Marso 7, 2019, nagulantang ang mga…

Read More

GOV’T OFFICIALS DAPAT LANG MAGPABAKUNA IN PUBLIC

SINUPORTAHAN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” GO ang suhesiyon na magpabakuna ang mga opisyal ng pamahalaan sa harap ng publiko upang maalis ang pangamba at takot ng mamamayan sa COVID-19 vaccines. Nilinaw rin ni Go na gagawin ito nang hindi nasasaalang-alang ang priority list ng pamahalaan sa national COVID-19 vaccination program na tumutukoy sa ilang sektor bilang mga dapat unahin, gaya ng frontliners, mahihirap at vulnerables. Sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City, Pampanga, tinanong si Go kung suportado niya na ilagay sa…

Read More

Sa ipinasang ‘guilty’ agad sa mahuhulihan ng droga PALASYO AYAW PANG MAGKOMENTO

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na sisiguraduhin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga batas na naghihintay ng kanyang pirma ay hindi babangga sa Saligang Batas. Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa tanong kung ang mga batas na naglalaman ng mga probisyon na pinagtibay na may kaugnayan sa isang tao na maaaring maipagpalagay o presumed guilty sa drug-related offenses “until proven otherwise” na naipasa sa mababang kapulungan ng Kongreso. Inamiyendahan kasi ng House Bill 7814 ang Comprehensive Dangerous Drugs Act, na naglalayong mas lalong palakasin ang illegal…

Read More