Aabot ng 316 milyong pisong (P316-M) halaga ng mga ilegal na kalakal ang nasabat ng Bureau of Customs’ (BOC) sa pinatinding anti-smuggling campaign. Inilunsad ang operasyon ng BOC – Manila International Container Port’s (MICP) at ang Port of Manila’s (POM) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa tulong ng Enforcement Group Enforcement and Security Service (EG-ESS). Sa ilalim ng direktiba ng Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang composite team ay nagtuloy sa iba’t ibang lokasyon na armado ng Letters of Authority (LOA). Ang team ay nagtungo sa pag-inspeksyon ng…
Read MoreDay: May 11, 2021
P7-M UKAY-UKAY HULI SA BOC-PORT OF ILOILO
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Iloilo ang aabot sa pitong milyong (P7 million) secondhand goods o locally known bilang “ukay-ukay” sa isang warehouse facility na matatagpuan sa Brgy. Villamonte, Bacolod City. Isang composite team sa pamumuno ni Port of Iloilo’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Field Station Chief Lot K. Abordo kasama ang Enforcement and Security Service – Customs Police Division (ESS-CPD) personnel at miyembro ng Customs Border Protection (CBP)- District VI Team. At sa tulong na rin ng Philippine National Police (PNP) at mga…
Read MoreP38.1-M PEKENG YOSI SA BOC-PORT OF SUBIC
Ni JOEL O. AMONGO Aabot ng 38.1 milyong piso ng misdeclared fake cigarettes ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of Subic noong nakaraang Abril 23, 2021. Ang shipment ay dumating sa Port of Subic mula China at idineklarang assorted textile. Bago pa man ang filing of goods declaration, ang nasabing Port ay nag-isyu na ng Pre-Lodgement Control Order No. P/SUBIC/20210329-00003 laban sa subject shipment bilang pinaghihinalaang naglalaman ng mga pekeng sigarilyo. Matapos ang 100% examination na isinagawa ng nakatalagang examiner, ito ay natuklasang naglalaman ng maraming karton ng…
Read MoreTULAK NAPATAY SA BUY-BUST
CAVITE – Patay ang isang 38-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang manlaban sa awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Larry Miranda, binata, ng Freedomville, Brgy. Bucana Sasahan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni Pat. John Arlan Quimilat ng Naic Police, dakong alas-12:35 noong Martes ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Naic MPS sa Freedomville, Brgy. Bucana, Sasahan, Naic, kung saan target…
Read More2 PATAY SA SALPUKAN NG JEEP AT TRICYCLE
QUEZON – Dalawa ang patay sa salpukan ng pampasaherong jeep at isang tricycle sa Tayabas City sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Tayabas Police, nagkaagawan ng linya ang dalawang sasakyan sa isang makipot na tulay sa Tayabas Diversion Road sa Barangay Ilayang Nangka dakong alas-7:00 ng gabi. Magkasalubong umano ang dalawang sasakyan ngunit nagipit ang pampasaherong jeep habang paparating sa makitid na tulay kaya nabangga nito ang kasalubong na tricycle. Sa lakas nang pagkasalpok, matinding nasugatan ang driver ng tricycle na si Arnod Reforsado Gonzales,…
Read MorePASLIT PATAY SA BUGBOG NG TIYUHIN
QUEZON – Patay ang isang 2-anyos na lalaking paslit makaraang bugbugin at maltratuhin ng live-in partner ng kanyang tiyahin sa bayan ng Lucban sa lalawigang ito. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima nang isugod ng kanyang mga magulang noong Lunes. Batay sa pahayag sa pulisya ni Jeric Bernal, tatay ng biktima, noong Marso ay hiniram ng kanyang kapatid na si Michelle Bernal Mansanero ang paslit at inuwi sa bahay nila ng live-in partner nito na si Bolly Jane Salumbides sa Barangay Kulapi. Ngunit makalipas ang halos dalawang buwan…
Read MoreDriver inatake sa puso, patay PILA SA SAP INARARO NG TRUCK, 9 SUGATAN
BULACAN – Siyam na SAP beneficiaries ang nasugatan, dalawa sa mga ito ang kritikal ang kalagayan, makaraang araruhin ng dump truck ang pila ng mga tatanggap ng cash aid nang atakehin sa puso at truck driver na ikinamatay nito habang binabagtas ang kalsada sa harap ng city hall sakop ng Brgy. Poblacion, San Jose del Monte City, sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga. Base sa inisyal na report ni P/Major Julius Alvaro, SJDM City Police chief, lima sa nasugatan ay kinilalang sina Rolito Navarro, Mario Dela Rosa, Analyn Tomooc,…
Read MoreHALOS P22.9-B CASH AID NAIPAMAHAGI SA NCR+
MAY kabuuang 82.14% ng P22.9 bilyong piso ang naipamahagi na ng pamahalaan bilang cash aid o ayuda sa mga residente na apektado ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region Plus. Sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na may 18,822,713 benepisaryo ang nabigyan ng cash assistance “as of May 10.” Sinasabing umabot na sa P18,822,712,800 ang kabuaang halaga ng naipamahagi sa mga benepisaryo. Sa naibigay na pondo, ang mga residente mula sa National…
Read More9 NASAKOTE SA TUPADA SA MALABON
ARESTADO ang siyam na sabungero matapos maaktuhan ng mga pulis na nagkasa ng Oplan Galugad, habang nagsasagawa ng tupada sa Malabon City. Kinilala ni Malabon City Police chief, Col. Joel Villanueva ang mga inaresto na sina Nestor Cator, 62; Roger Garcia, 47; Edison Ybañez, 33; Joel Toñacao, 54; Ronilo Peronilo, 35; Arman Enmil, 32; Rico Barles Jr., 39; Wilfred Duro, 39; at Ricky Rivadulla, 34-anyos. Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Michael Oben, dakong alas-11:00 ng umaga, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3, sa pangunguna…
Read More