HALOS P22.9-B CASH AID NAIPAMAHAGI SA NCR+

MAY kabuuang 82.14% ng P22.9 bilyong piso ang naipamahagi na ng pamahalaan bilang cash aid o ayuda sa mga residente na apektado ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region Plus.

Sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na may 18,822,713 benepisaryo ang nabigyan ng cash assistance “as of May 10.”

Sinasabing umabot na sa P18,822,712,800 ang kabuaang halaga ng naipamahagi sa mga benepisaryo.

Sa naibigay na pondo, ang mga residente mula sa National Capital Region ay nakatanggap ng ayuda na may P9.2 bilyon para sa 9.2 milyong benepisaryo.

Naglaan ang gobyerno ng P22.9 bilyong piso para sa 22.9 milyong benepisaryo sa NCR Plus o National Capital Region kabilang na ang mga lalawigan ng Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.

Ang bawat kuwalipikadong recipient ay nakatanggap ng P1,000 kada indibidwal o P4,000 kada pamilya sa ilalim ng cash assistance ng pamahalaan para sa mga apektado ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine sa NCR Plus.

Ang pondo ay hinugot mula sa unutilized funds sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act, ayon sa Department of Budget and Management (DBM). (CHRISTIAN DALE)

113

Related posts

Leave a Comment