‘Malaking pagkakamali’ ng PET ipinatutuwid DUE PROCESS IPINAGKAIT KAY MARCOS

0

(NELSON S. BADILLA)

NANINDIGAN si dating Senador Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. na hindi pa tapos ang kanyang laban sa pagkakamit ng katotohanan tungkol sa resulta ng eleksyon para sa bise presidente noong 2016.

Kahapon, naghain ng “Morion for Reconsideration” (MR) si Marcos na tahasang tumututol sa pagkakabasura ng Korte Suprema na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa  “third cause” ng kanyang protestang elektoral laban kay Bise Presidente Maria Leonor Robredo dahil sa nagawang matinding pagkakamali sa nasabing desisyon.

Iginiit ni Marcos, o BBM, sa kanyang MR na baliktarin ang desisyon ng PET tungkol sa third cause dahil ibang hakbang ito mula sa mga naunang protestang elektoral.

Hiling ni Marcos na muling buksan ang usapin ng third cause ng kanyang protestang elektoral upang maiharap niya ang mga ebidensiyang magsasabi at magpapatunay na malawak ang pandarayang ginawa ng kampo ni Robredo sa halalan sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao upang palabasing inilaglag si Marcos ng mga taga-Mindanao.

Noong Hunyo, 2016 inihain ang protestang elektoral ni Marcos sa PET laban sa pinaninindigan nitong malawakang pandaraya ng kampo ni Robredo upang manalo sa eleksyon.

Ang ponente ng kaso ni Marcos laban kay Robredo ay si Associate Justice Marvic Leonen na itinalaga ni dating Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III sa Korte Suprema noong Nobyembre 2012.

Ayon sa tagapagsalita at abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, nararapat lamang na ipawalang bisa ang buong desisyon ng PET na nagbabasura sa buong protestang elektoral ni Marcos.

Aniya, bigyan din ng pagkakataon si Marcos na iharap at maipakita ang mga ebidensiyang magpapatunay ng malawakang dayaan at iregularidad ng eleksyon sa tatlong lalawigan sa Mindanao.

Ipinaliwanag ni Rodriguez na ang kampo ni Marcos “are pursuing just the annulment of election results and no longer the dismissal of the manual recount for practical consideration and time constraints, considering that the elections are less than a year from now and that the filing of the certificate of candidacy is just five months away or in October of this year”.

Idiniin ni Rodriguez na “the PET effectively deprived Marcos of his basic constitutional right to have his day in court, denied him the opportunity to be fully heard and the right to present both testimonial and documentary evidence relevant to their action seeking the nullification of the results in the three Mindanao provinces” nang ibasura ng PET ang buong protesta ni Marcos.

Muling idiniin ni Marcos na simula pa lang ay ibang hakbang ang third cause ng kanyang kaso laban kay Robredo.

Aniya, ang PET ay pumabor sa konseptong iba ang kahulugan at layunin ng “annulment of elections” mula sa  “failure of elections”.

Ang pinakabagong hakbang ni Marcos ay resulta ng malawak at masusing pag-aaral sa desisyon ng PET sa second cause at third cause na iniugnay sa buong protestang elektoral.

Sa kanyang MR, tinuro pa ni Marcos ang hiwalay na pananaw ni dating Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta at Associate Justice Samuel Gaerlan kung saan parehong naniniwala na iba ang konsepto ng annulment of votes.

Ipinahayag pa nina Peralta at Gaerlan sa kanilang mga opinyon na ipagpatuloy lamang ang pagpapawalang bisa sa resulta ng eleksyon.

Kinatigan din ni Peralta ang pananaw ni Gaerlan na ang remedyong hinihingi ni Marcos ay “separate, distinct and independent cause of action not within the ambit of Rule 65 of the 2010 PET Rules on dismissal which should be limited only on protest seeking for the manual recounting of ballots”.

“The PET should not resort to judicial evasion of its solemn duty to exercise judicial power that is to settle actual controversies involving rights which are legally demandable and enforceable and must by all means within its command ascertain who truly won as vice president and remove any doubt as to the real choice of the electorate,” diin pa ni Rodriguez.

“With their motion filed, the Marcos camp is seeking that the Tribunal will rectify its grave mistake, set aside its earlier ruling, reconsider the junking of the entire protest and allow the annulment of election results to proceed independently from the manual recount as a separate, distinct and independent cause of action,” patuloy ng abogado ni Marcos.

Read More

Kapag nalusutan sa quarantine guidelines BARANGAY CHIEFS MANANAGOT

0

PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga barangay official na mahigpit na ipatupad ang community quarantine guidelines sa kani-kanilang hurisdiksyon o mananagot sila sa batas.

Ito’y matapos na ihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na ang Caloocan City government ay nakatakdang maghain ng reklamo laban sa mga barangay official at nagmamay-ari ng Gubat sa

Ciudad Resort na napag-alamang nag-o-operate sa kabila ng ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod.

Sa larawan na nag-viral sa social media, dinagsa ng tao ang nasabing resort na dapat ay sarado kahit pa Mother’s Day noong Linggo.

“You have to enforce the law, yung barangay captains sa yung lugar mo. You are the person in authority,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

Aniya, ang mga barangay official na mabibigong ipatupad ang batas ay pananagutin o parurusahan lalo pa’t ang kanilang kapabayaan ay maaaring magresulta sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nauna ng ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na habulin ang mga alkalde at barangay officials na mabibigong magpatupad ng community quarantine protocols para maiwasan ang pagsirit ng COVID-19 cases. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Tanging pag-asa sa pagbangon ng ekonomiya PAGBABAKUNA BILISAN – SOLON

0

TANGING ang mabilisang pagbabakuna sa mamamayang Filipino ang pag-asa para makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang pahayag ni House committee on ways and means chairman Rep. Joey Salceda bilang reaksyon sa pagsadsad ng Gross Domestic Product (GDP) sa 4.2% sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

“A quicker vaccine rollout is the most important economic intervention in this regard. The sooner we can vaccinate more people, the better,” ani Salceda na hindi ikinagulat ang pagbagsak ng GDP.

Sa ngayon, milyun-milyon na ang dumarating na doses ng bakuna sa bansa kaya dapat aniyang bilisan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga tao.

Wala pang latest report ang Department of Health (DOH) kung ilang milyong Filipino na ang nabakunahan subalit noong nakaraang linggo, halos dalawang milyon pa lamang ito mula sa target na 70 million.

Dahil dito, kailangan umanong bilisan ng gobyerno ang pagpapadeliber ng mga inorder nitong bakuna at maging ng mga pribadong sektor upang makamit ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

Subalit habang naghihintay aniya na mabakunahan ang mayorya sa mga Filipino kailangang maipuwesto ang mga istrakturang kailangan upang maka-recover ang mga tao. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

‘FOURFOLD INCREASE’ SA IMPORTASYON NG BABOY APRUBADO NI PDU30

0

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “fourfold increase” sa importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa African swine fever outbreaks.
Ito’y base sa dokumento na ipinalabas ng Malakanyang.

“Fatal to hogs but not to humans, the ASF has spread to 437 municipalities and reduced the country’s swine inventory by 3 million heads or 24.1 percent from last year to 2021,” ang naging pahayag ni Duterte sa ipinalabas nitong Executive Order 133.

Ang kakulangan ng baboy ngayong taon ay umaabot sa 388,790 metric tons (MT).

Sinabi ng pangulo na hindi man lamang kumilos ang Kongreso sa kanyang naging kahilingan na taasan ang minimum access volume (MAV) ng karne ng baboy na tumutukoy sa dami ng agricultural product na maaaring angkatin sa mababang taripa.

“It is imperative to immediately address the current supply gap in pork meat, to provide consumers with adequate and affordable food, and to lower inflation,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sa kabilang dako, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na tinaasan ang Minimum Access Volume o MAV ng karne ng baboy.

Nilagdaan aniya ng pangulo ang Executive Order No. 133, kahapon Mayo 10 kung saan ang MAV ng karne ng baboy sa taong 2021 ay tinaasan mula 54,210 metric tons at ginawang 254,210 metric tons, “provided that any available balance at the end 2021 should not be carried over to 2022”.

“Iyan po ay bahagi po ng kompromiso sa panig ng ehekutibo at ng Senado pagdating dito po sa usaping MAV,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Apela sa private schools MORATORIUM SA TUITION FEE HIKES

0

(BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang ilang mambabatas sa Kamara sa mga private school na huwag munang magtaas ng tuition fees sa susunod na school year dahil hindi pa nakababangon ang mga tao sa pandemya sa COVID-19.

“Nakikiusap ako sa lahat ng private schools na huwag magtaas o magdagdag ng school fees ngayong 2021 at sa 2022,” ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil mistulang walang plano ang mga private school na hindi magtaas ng tuition fees sa School Year (SY) 2021-2022 sa gitna ng pandemya.

Ayon sa mambabatas, hindi lamang ang mahihirap na mamamayan ang labis na naaapektuhan sa pandemya dahil kahit ang mga middle class ay labis ding nahirapan.

Dahil dito, inatasan ng mambabatas ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na himukin ang mga private school na huwag magtaas ng tuition fees at iba pang bayarin sa eskuwelahan.

“I appeal to the DepEd, CHEd, TESDA, and all schools under their regulatory domain not to increase any of their school fees, so as not to add to the suffering of the Filipino people when they start enrolling students for the next academic year,” ayon naman kay AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr.

Nangangamba ang mambabatas na mas lalong mawawalan ng estudyante ang mga private school kapag nagtaas ang mga ito ng tuition fees at iba pang bayarin sa susunod na school year dahil sa kalagayang pinansyal ngayon ng mga tao.

Magugunita na maraming private schools ang nagsara o kaya nagbawas ng empleyado dahil sa mababang enrollees sa gitna ng kawalan ng income ng maraming mamamayan dulot ng pandemya.
Gayunpaman, inatasan ng dalawang mambabatas ang DepEd at CHEd at maging ang iba pang ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga private school kapalit ng moratorium sa tuition fees, sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanilang binabayarang buwis, pagsagot sa bahagi ng suweldo ng kanilang mga guro at iba pa.

Read More

DOFIL AT OFW PENSION, TINUTUTUKAN NG MGA OFW

0

PORMAL nang tinapos ni Senador Joel Villanueva, Chairman ng Senate Committee on Labor and Employment ang mga hearing at public consultation sa usapin ng pagbuo ng Department of Overseas Filipinos (DOFIL).

Sa pagtatapos nito, ay magsisimula naman ang pagpupulong ng Technical Working Group (TWG) upang pagsama-samahin ang mga nabuo sa naganap na Senate Commitee hearing at pati na rin ang mga rekomendasyon ng mga senador.

Kapag natapos na ang TWG, ang pag-consolidate ng mga panukalang probisyon ay bubuuin na ang Committee report na ipapasa para sa review ng mga senador bago isalang sa ­plenaryo.

Maraming mga OFW ­leaders ang nababahala at inaakala na tuluyan ng hindi mabubuo ang panukalang batas na pagbubuo ng DOFIL o DOFW. Ang ilan pa nga ay nagbabanta na magsagawa ng rally sa senado upang ipanawagan na tuluyan ng ipasa ang batas sa pagbuo ng DOFIL.

Ngunit sa aking palagay at obserbasyon sa nagagana­p na pagtalakay ng senado ay ­pangitain na ang pagpasa nito sa oras na ipasok na sa plenaryo at mas malamang na sa pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa State of the Nation Address sa Hulyo ay kasama na ito sa ipagmamalaki ng ating pangulo.

Nagkaroon din ako ng ­pagkakataon na makausap sa isang dinner party ang ilang opisyales mula sa opisina ng mga senador at doon ay aking ipinakiusap na kanilang hikayatin ang kanilang principal na silipin ang usapin para sa OFW Pension Plan.

Kaya labis-labis ang aking kaligayahan na marinig mula mismo kay Sen. Franklin Drilon ang kanyang kagustuhan na isama na sa benepisyo ng mga OFW ang pagkakaroon ng pensyon sa panahon na sila na ay magretiro sa pagiging OFW.

Taong 2009 pa lamang ay akin ng ibinubulong ito sa mga opisyales na bumibisita sa Kuwait. Ngunit ang malimit lamang nilang kasagutan ay hindi ­maaring mangyari ito, bagkus ay hikayatin na lamang ang mga OFW na magbayad ng kanilang SSS para sa kanilang pensyon.

Ngunit ang AKOOFW ay nagpursige na isulong ito simula pa noong taon 2018 at sa katunayan ay kasama ito sa isinulat na position paper na aming ipinasa sa senado.

Ang mungkahi ng AKOOFW ay dapat na rebisahin ang OWWA charter o Republic Act 10801 upang doon ay idagdag sa ­probisyon na ang OWWA Fund ay maaring gamitin hindi lamang sa welfare kundi pati na rin sa Pension plan o provident fund. Dapat din na pahintulutan na ang OWWA Fund ay mailagak sa mga high yielding investment na katulad ng sa SSS at GSIS ­dahil sa kasalukuyan ay ­tanging sa mga government bonds lamang ito maaring ilagak.

Abot tanaw na maituturing ang matagal ng isinusulong ng AKOOFW na OFW Pension Plan at nawa ay maganap ito bago matapos ang taong 2021.

Read More

ISTUPIDO SI PACQUIAO?

0

HINDI ako ang may sabi nito kundi si Pangulong Rodrigo Duterte mismo.

Narito ang pahayag ng Pangulo: “Panahon ng kampanya yan…at saka yung biro na ‘yun, they called it bravado ko, puro campaign joke…at kung naniwala kayo sa kabila…I would say that you are really STUPID.”

Patungkol ang pahayag na ito ng Pangulo sa kanyang binitiwang pahayag noong 2016 campaign na sasakay siya ng jetski papuntang West Philippine Sea dala ang bandila ng Pilipinas at palalayasin daw niya ang mga Chinese na umokupa sa teritoryo ng Pilipinas.

Bukod sa mga dilawan at iba pang kalaban ni Pangulong Duterte sa pulitika, isa pala si Senador Manny Pacquiao na kaalyado ng Pangulo sa mga naniwala sa pahayag na ito.

Kaya sa isa niyang mensahe ay kanyang binanggit na: “Sa akin, nakukulangan ako kumpara doon sa bago pa siya tumakbo. Nakakapanghina dahil iba kasi yan doon sa simula,” giit ng mambabatas na kampeon sa boksing.

Sabi pa niya, “Narinig natin bago mag-eleksiyon sa pangangampanya, nung sinabi niya na mag-jetski siya, dala yung watawat ng Pilipinas, e siyempre, kahit ako sa puso ko, ito na yung iboboto ko dahil ito yung dapat na presidente, kailangan natin na pinaglalaban yung bansa natin.”

Sa totoo lang bilang kilala at isa sa pinaka-popular na kaalyado ng Pangulo, dapat ay intinding-intindi ni Pacquiao na sa simula pa lang ay nagbibiro lang ang Pangulo.

Sa edad ba naman ni Pangulong Duterte ay may seseryoso sa pahayag niya na kayang-kaya niyang mag-jetski papuntang WPS? Tingin ko ay isa ngang istupido ang maniniwala roon gaya ni Pacquiao na nag-aambisyong maging Pangulo sa 2022.

Taga-suporta ba talaga ni Pangulong Duterte si Pacquiao? Iyon ang alam ng marami. Hindi ba’t kinuha pa nga niya ang liderato ng PDP-Laban na partidong nagluklok sa Pangulo sa Malakanyang. Ito rin ang sa tingin at paniniwala ng Senador na magiging behikulo niya pagtakbo sa pagka-Pangulo.

Sabi nga ni Atty. Melvin Matibag, Deputy Secretary General ng PDP-Laban, “you belong to the same party, why are you going public and say all these things. Di ba? Baka naman dapat kinausap mo muna yung leadership, di ba?

Kung tutuusin, maituturing na ‘jab’ ni Pacquiao ang banat niya sa Pangulo kaugnay ng isyu sa WPS pero isang uppercut at right hook naman ang tumama sa kanya sa katayuan niya ngayon sa pulitika.

Bakit?

Halatang-halata kasi na pamumulitika ang naging banat, hirit, komento at reaksyon ni Pacquiao. Kasama na rin ang marami na nagmamagaling sa isyu ng WPS. Sila yung mga hindi naman nag-aral man lang ng kahit ‘crash course’ doon ay nagpapaka-eksperto ngayon para lang makakuha ng atensyon.

Marami sa kanila ay nasa partido liberal at mga dilawan. Sabaga’y pare-pareho naman silang nagpapapansin lang. Kagaya lang din ni ­Pacquiao na walang pumapansin at sumeseryoso pagdating sa ‘arena’ ng pulitika sa bansa.

Read More

COURT JUDGES vs DOJ PROSECUTORS

0

SINO nga ba ang dapat masunod sa pagdedesisyon sa mga plea-bargaining case sa mga drug cases na nakasampa na sa korte? Ang judge ba o ang mga piskal ng Department of Justice (DOJ)?

Nag-ugat ang kalituhan sa pagdedesisyon ng mga Hukom o Judges sa mga plea bargaining case ng mga drug cases sa korte makaraang baligtarin ng supreme court Second Division ang ­naging ruling ng Regional Trial Court (RTC) ng Naga City, Branch 24, at ng Court of Appeals pabor sa kaso ng isang Edwin Reafor, makaraang kuwestyunin ito ng office of the Solicitor General (OSG) sa SC.

Ayon sa desisyon na isinulat ni Supreme Court Senior ­Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, kailangan ay mayroong pagsang -ayon ang DOJ-Prosecutor bago payagan ng Hukom o Judge ang mga plea ­bargaining ng mga drug cases laban sa isang nasasakdal.

Pinalagan naman ng mga hukom o judges sa bansa ang nasabing decision ng Korte ­Suprema dahil sa magmimistula silang sunod -sunuran sa kagustuhan o pasya ng mga piskal kung papayagan ba nito o hindi ang inihahaing plea bargaining ng isang akusado bago sila makagawa ng desisyon.

Ayon sa grupo ng mga hukom, mas lalo sila ngayong mahihirapan at posibleng matatambakan ng mga kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga dahil sa naturang kautusan ng SC.

Sa panayam naman sa ilang hepe ng mga piskal na hindi ko na papangalanan, sinabi nila na sang-ayon sila sa naging desisyon ng SC 2nd Division dahil tama at nararapat lamang na mayroong consent ng mga piskal bago payagan ng korte ang isang Plea Bargaining case sa mga ­illegal drug cases na isinampa nila sa korte at hindi lamang ang mga piskal kundi kasama na rin sa dapat na may pahintulot sa mga plea bargaining case ng mga illegal drugs ay ang mga Arresting Officers o mga otoridad na siyang naghahain ng kaso sa piskalya bago ito maiakyat sa ­korte o Hukuman, “NAKO PO LALO NG GUMULO”

Kung pagbabasehan kasi ang naunang ruling ng SC, idineklara nito na unconstitutional ang nakasaad sa Section 235 ng Republic Act No. 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002  na prohibition o pagbabawal sa plea bargaining sa mga kaso ng ilegal na droga.

Kung saan ay binibigyan ng Supreme Court ng kapangyarihan ang mga hukom o judges sa ­mababang hukuman na ­desisyunan ang mga motion o plea ­bargaining sa kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga laban sa akusado kung ang nakumpiska sa nasasakdal na ilegal na droga o ­Methylamphetamine Hydrochloride (Shabu) ay hindi tataas sa 300 gramo at 500 gramo naman sa marijuana, ­Samantalang hindi naman pinapahintulutan ang plea bargaining sa mga drug cases kung lagpas na sa itinakdang ­parametro o bilang.

Samantala, nitong naka­raang lunes ay umapela naman sa SC ang Public Attorneys office sa pangunguna ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta kung saan hiniling nila na maikunsidera ang naturang desisyon ng 2nd Division kung saan kanilang hiniling sa SC na mai-akyat ito sa EN BANC o dili kaya’y magtakda ng isang Oral Arguments sa kinukuwestyong kautusan ng SC 2nd Division upang ito’y matalakay o mapagdebatehan ng husto.

Naniniwala kasi ang PAO na nalabag ng naturang kautusan ang isinasaad ng due process, equal protection clause at ang prinsipyo ng double jeopardy.

Paliwanag pa ng PAO sa kanilang apela na ang Diwa ng plea bargaining, partikular na sa mga drug cases ay walang pribadong offended parties, hindi anya katulad sa mga ordinaryong krimen at pagkakasala,

At sa naturang desisyon anya ng second division ay mayroong hindi magandang epekto sa justice system ng bansa dahil ang hudikatura ay magiging isang lameduck, at sunod sunuran sa DOJ.”

Naniniwala rin ang PAO na ang “jail congestion at clogging sa mga court dockets ay hindi mareremedyuhan at magpapatuloy pa sa paglala at matatalo ang inaasam-asam na pagbabago sa pagpapairal ng hustisya sa bansa kung hindi masu-solusyunan ang naturang decision.

Samantala ayon naman sa mapagkakatiwalaang source ng inyong lingkod na posibleng mabago ang naturang ruling ng second division sa oras na maisampa ito ng SC EN BANC at matalakay ng husto ng mga mahistrado ang naturang kautusan.

Read More

2 SHIPMENTS NG COVID-19 VACCINES AGAD PRINOSESO NG BOC-NAIA

0

Agad prinoseso at klinaro ng Bureau of Customs Port of NAIA ang dalawang shipments ng COVID-19 vaccines sa dalawang magkakasunod na mga araw ang mga bakuna na dumating sa bansa kama­kailan.

Unang dumating ang 1.5 million doses ng Sinovac vaccines, noong nakaraang Mayo 7, 2021, via Flight No. 5J 671 mula China at ang 2,030,400 doses ng AstraZeneca vaccines, na duma­ting naman noong Mayo 8, 2021, via Flight No. SQ 910 mula Netherlands.

Ang dalawang shipments ay isinailalim sa Customs pre-clearance processes bago pa man dumating at pinadali sa pamamagitan ng NAIA One Stop Shop.

Sa pagdating, ang COVID-19 vaccines ay agad inihatid na bantay sarado ng BOC Covax Special Hand­ling Team sa Pharmaserv Cold Storage Facility sa Marikina City.

Ang pagdating ng AstraZeneca vaccines dakong ala-1:00 ng hapon noong Mayo 8, 2021, Sabado ay sinaksihan nina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., Department of Health Sec. Francisco Duque III, Testing Czar Sec. Vince Dizon, U.S. Embassy Chargé d’Affaires John C. Law, U.S. Embassy Environment, Science, Technology and Health Officer Claire Bea, World Health Organization Rep. Dr. Rabindra Abeyasinghe, Unicef PH Rep. Oyunsaikhan Dendevnorov, United Nations Rep. Gustavo Gonzales, Usec. Robert Borje at BOC NAIA District Collector Carmelita Talusan.

Ang Bureau of Customs-NAIA sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan, ay patuloy sa kanilang suporta sa government’s COVID-19 inoculation program.

Aktibo rin sila sa pakiki­pag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa epektibo at mahu­say na proseso, pagpapadali, pag-release, paghawak at paghahatid ng imported COVID-19 vaccines, medicines, at iba pang may kaugnayan na kalakal pati na rin ang patuloy na pagtulong sa pagpapabilis ng clearance ng lahat ng time-sensitive vaccines na dumarating sa bansa bilang pagsunod na rin sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero. (Boy Anacta)

Read More