CHECKPOINT TINAKASAN, TANDEM TODAS SA PARAK

BUMULAGTANG walang buhay ang riding in tandem makaraang takasan ang police checkpoint at nakipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Caloocan City nitong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa impormasyon, may checkpoint ang HPG sa nasabing lugar bilang bahagi ng anti-carnapping at anti-criminality operations, kasama ang mga operatiba ng Caloocan Police Sub-Station 9. Pinara ng mga parak ang hindi kilalang mga suspek ngunit dinedma umano ng mga ito at pinasibad ang kanilang motorsiklo. Tinugis ng mga pulis ang mga suspek hanggang sa magpalitan ng putok na ikinamatay ng mga ito.…

Read More

1,000 pamilya homeless 1 PATAY SA PORT AREA FIRE

ISA ang namatay habang mahigit isang libong pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Port Area, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ricky Sebastian, 40, natagpuan ang bangkay sa isinagawang clearing operation ng mga tauhan ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection kinabukasan. Ayon sa ulat, bandang alas-5:45 ng hapon noong Miyerkoles nang magsimula ang sunog sa ika-4 na palapag ng bahay ng isang Hadji Usman sa panulukan ng 11th St. at Railroad St. sa Port Area sa likod ng Philippine Red…

Read More

Kaso sa Matandang Balara bumaba DEFENSOR TULOY SA PAMIMIGAY NG IVERMECTIN

MAHIGIT kalahati ang ibinaba ng COVID-19 cases sa Matandang, Balara, Quezon City, halos isang buwan matapos mamahagi ng Ivermectin sina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta. Ayon kay Defensor, bago sila mamigay ng Ivermectin sa nasabing lugar noong Abril 30, 2021 ay umaabot sa 138 ang COVID-19 cases base sa report ng Barangay Health Emergency Response Team. Matapos ang tatlong linggo, bumaba sa 57.2% ang COVID-19 infections sa Matandang, Balara dahil umabot na lamang sa 59 kaso ang naitala noong Mayo 22, at bumagsak pa sa…

Read More

PULIS SABIT NA NAMAN!!!

TINUTUKOY po natin ang nangyaring pagkamatay ng isang lalaki na may sakit na autism sa Valenzuela City kamakailan. Nang-raid daw ang mga pulis sa isang tupada sa nabanggit na lungsod na ikinamatay ng lalaking may autism. Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, may nakakita raw na talagang binaril ng pulis ang biktimang 18 anyos na si Edwin Arnigo. Kung ordinaryong raid ‘yon sa mga nagtutupada bakit kailangang mamaril ng pulis? May banta ba sa kanilang buhay sa lugar na yun kaya inunahan na nila itong si Edwin? Sabi pa ng…

Read More

DI ITINUTURO

ISA sa mga hindi itinuturo ng ­ating mga health officials ay kung papaano dapat nating i-manage ang ating sarili kapag nagkaroon ng COVID-19. Hindi ko alam kung naka­kaligtaan o sinasadya lang ng mga health officials dahil ang ­tanging paraan nila sa paglaban sa ­COVID-19 ay dalhin mo ang sarili mo sa ospital para hindi ka mamatay. Marami na kasi akong ­naririnig na kuwento ng mga kaanak ng mga namatay sa COVID-19 na may comorbidity partikular na ang high blood na maayos naman ang kanilang lagay bago natuklasang positibo sila sa…

Read More

TULUNGAN AT IPAGTANGGOL ANG ARBs SA LUPAIN NG PAMILYA NI NEMESIO TAN

SINA Jose Sanny Billonid at Bernard Amistoso ay dalawa sa agrarian beneficiaries (ARBs) ng lupain ng pamilya ni ­Nemesio Tan na matatagpuan sa Barangay Dulangan, bayan ng Pilar sa Capiz. Sila ay itinakbo at ginamot sa Capiz Doctor’s Hospital matapos silang pagbabarilin ng ‘di kilalang upahang mamamatay – tao nitong Mayo 24. Mabuti’t hindi napuruhan sina Billonid at Amistoso ng upahang mamamatay – tao, kundi’y patay na sila ngayon. Batay sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), 12 – gauge shotgun ang ginamit sa kanila. Pokaragat na ‘yan! Kung namatay…

Read More

Pipilitin ng gobyerno HERD IMMUNITY SA NOBYEMBRE 27

DETERMINADO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maabot ang population protection mula sa COVID-19 pagsapit ng huling linggo ng Nobyembre. Partikular na ang area ng NCR plus na itinuturing na high risk sa virus. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sadyang hindi lang maiiwasang may panahon ng pagsisimula hanggang sa marating na rin ang puntong nagiging mabilis na ang vaccination ng pamahalaan at sa huli ay maabot din ang target na maprotektahan ang mayorya ng mga Filipino. Iyon nga lamang, ayon kay Sec. Roque ay hindi niya maalis sa kanyang…

Read More

KASAMBAHAY ISASALANG NA RIN SA BAKUNAHAN

INAASAHANG sasalang na rin ang mga kasambahay sa pagbabakuna sa susunod na buwan. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kinukonsidera na rin kasi ang mga ito bilang indigent. “Well, sa tingin ko po unang-una, simulan natin iyong listahan ng 4Ps kasi iyan po ang garantisado na sila po ay mga indigents. Pero tama po, hindi po iyan exclusive. Iyong mga kasambahay, tingin ko po mako-consider iyan as indigents din, eh mayroon naman po tayong mga pruweba,” aniya. Ani Sec. Roque, maaaring gamitin ang SSS at PhilHealth bilang mga katibayang saklaw…

Read More

ORDINANSA LABAN SA PAGBEBENTA NG COVID VACCINES PINALALATAG SA LGUs

KAILANGANG gumawa ng ordinansa ang Local Government Units (LGUs) na magbibigay ng kaukulang kaparusahan sa mga indibidwal na magbebenta ng COVID-19 vaccines o vaccination slots. Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay sa gitna ng ulat ng sinasabing money-making scheme. “Dapat magpasa ng lokal na ordinansa ang LGUs rito para sa malinaw na basehan ng parusa,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. “Libre po ang lahat ng bakuna dahil lahat po ng bakuna ay hindi approved for commercial use. This selling is swindling, if not a violation of FDA law,”…

Read More