Pipilitin ng gobyerno HERD IMMUNITY SA NOBYEMBRE 27

DETERMINADO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maabot ang population protection mula sa COVID-19 pagsapit ng huling linggo ng Nobyembre.

Partikular na ang area ng NCR plus na itinuturing na high risk sa virus.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sadyang hindi lang maiiwasang may panahon ng pagsisimula hanggang sa marating na rin ang puntong nagiging mabilis na ang vaccination ng pamahalaan at sa huli ay maabot din ang target na maprotektahan ang mayorya ng mga Filipino.

Iyon nga lamang, ayon kay Sec. Roque ay hindi niya maalis sa kanyang isipan na para bagang nagdarasal ang mga kritiko na sumablay ang pamahalaan sa vaccination program nito.

Kaya ang mensahe ni Sec. Roque sa mga kritiko ni Pangulong Duterte at ng administrasyon ay mag-usap na lang sila pagdating ng Nobyembre 27.

“Ang determinasyon po ng pangulo, magkaroon talaga ng population protection lalung-lalo na dito sa Metro Manila Plus at ang target date po natin, November 27. Mag-usap na lang po tayo pagdating ng November 27,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

164

Related posts

Leave a Comment