COUNCIL MEETING NI CUSI UTOS NI DUTERTE

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Energy Secretary Alfonso Cusi bilang vice chairman ng ruling party PDP-Laban na mag-organisa, magpulong at pamunuan ang isang council meeting. Si Pangulong Duterte ang nagsisilbing chairman ng partido. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na layon ng hakbang na konsultahin ang mga miyembro ng partido at magkaroon ng mabunga at produktibong pagpapalitan ng opinyon sa mga usapin na nakaaapekto sa PDP-Laban. “This move, which is part of the democratic exercise, aims to consult party members and have fruitful and productive exchanges on issues…

Read More

BAYANIHAN 2 EXTENDED HANGGANG DISYEMBRE

MULING bibigyan ng Kongreso ng anim na buwan ang executive department para gastusin ang natitirang pondo sa Republic Act (RA) 11494 o Bayanihan to Recover as One Act” hanggang Disyembre. Noong Biyernes ay inaprubahan ng House committee on appropriations na pinamumunuan ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, ang panukalang batas na inakda nila ni Davao City Rep. Paolo Duterte na palawigin hanggang Disyembre 31, 2021 ang pagpapatupad sa nasabing batas. Ito ang ikalawang ekstensyon na ibinigay ng Kongreso sa Executive Department para gamitin ang inilaang pondo sa nabanggit na batas…

Read More

Sa ‘bloody drug war’ REBYU NG DOJ TINABLA NG PDEA

IBINUNYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ayaw makipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagrerebyu ng Department of Justice (DOJ) sa madugong operasyon laban sa mga drug pusher. Sabi ni Guevarra sa interbyu sa radyo na ang Philippine National Police (PNP) lang ang bukas at handang makipagtulungan sa rebyu ng DOJ. Kinuwestyon umano ng liderato ng PDEA na posibleng labagin ng DOJ ang Data Privacy Law. Ipinaalala ni Guevarra na ayon sa National Privacy Commission (NPC), hindi labag sa Data Privacy Law ang gagawing pag-aaral at pagsisiyasat ng…

Read More

Anti-drug war ni Duterte 5-taon na, pero.. DRUG SYNDICATE BUHAY PA RIN

(BERNARD TAGUINOD) HINDI tumitigil at buhay na buhay pa ang sindikato ng droga kahit dumadaan sa matinding hirap ang bansa dahil sa pandemya sa COVID-19. Ito ang kinumpirma ni House committee on dangerous drug chairman Rep. Robert Ace Barbers kasunod ng pagkakahuli sa isang dating model na nanapak ng traffic enforcer sa Maynila at kalaunan ay nahulihan ng shabu. “Oo, buhay na buhay ang sindikato ng droga kahit may pandemya,” ayon kay Barbers. Mga may kaya sa buhay umano ang target ngayon ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa.…

Read More

GO NAGPASALAMAT SA PAGPASA NG 13 LOCAL HOSPITAL BILLS

PINASALAMATAN ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Lawrence “Bong ” Go ang liderato ng Senado at  lahat ng senador matapos makapasa ang tinawag niyang “much-needed upgrade” sa healthcare facilities ng bansa na nakapaloob sa 13 local hospital bills. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Go na labis siyang nagpapasalamat sa majority at minority dahil sa botong 23-0 (pabor), nagbunga ang kanyang pagsisikap na maisulong ang mga panukala na naglalayong ma-improve, madevelop at ma-establish ang public hospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kapakanan ng mga mamamayan. Ayon…

Read More

MAGKAPATID NA TERORISTA ARESTADO

TUMAGAL muna ng anim na oras ang pagpapalitan ng mga putok ng military at kilabot na Bungay Brothers bago napasuko ang mga ito ng mga sundalo sa inilunsad na law enforcement operation sa Pikit, North Cotabato. Kinilala ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Mindanao Command ang nadakip na notorious lawless elements na sina Montukan Bungay at Walo Bungay. Ang magkapatid ay namumuno sa isang kilabot na armed lawless group (ALG) at kabilang sa most wanted persons sa Region 12 (Soccsksargen). “While combined elements of the military’s Joint Task Force…

Read More

BANGKAY INIHULOG SA VAN

BATANGAS – Isang bangkay ng lalaki ang inihulog mula sa isang van ng hindi kilalang mga lalaki sa bayan ng Tanauan sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon sa mga nakasaksi, dakong alas-3:00 ng hapon nang itapon ng mga lalaking lulan ng puting van ang bangkay sa barangay road ng Brgy. Pantay Bata. Mabilis ding sumibad ang van patungo sa main road matapos iwan ang bangkay sa gilid ng kalsada. Nangangalap ang Tanauan City Police ng mga kuha ng CCTV sa dinaanan ng van para matukoy ang may-ari nito. (NILOU DEL…

Read More

KATAGAY PINUKPOK NG BATO SA ULO

BATANGAS – Matinding pinsala sa ulo ang ikinamatay ng isang 28-anyos na caretaker makaraang bugbugin at pukpukin ng bato sa ulo ng kanyang kainuman sa Brgy. Sulpoc, Tanauan City noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat ng Tanauan City Police District sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), kinilala ang biktmang si Jerald Ebiya y Manlapaz, 28, tubong Malinta, Masbate habang ang kaibigang suspek naman ay si Benedicto Maranan y Ona. Base sa iniyal na imbestigasyon, nag-inuman sina Ebiya at Maranan nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang kwentuhan. Sinuntok ng suspek…

Read More

2 PATAY, 7 SUGATAN SA VAN VS TRUCK

QUEZON – Dalawa ang patay habang pito ang sugatan matapos salpukin ng Elf truck ang isang Toyota Innova sa isang intersection sa Maharlika Highway sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Ayon sa report ng Gumaca Police, sakay ang siyam na mga biktima sa Innova na bumaligtad matapos salpukin sa tagiliran ng Elf truck bandang alas-2:00 ng madaling araw. Kinilala ang isa sa dalawang namatay na si Romel Ramboyong Periabras na idineklarang dead on arrival sa ospital. Dead on arrival din ang isang hindi pa kilalang…

Read More