EBIDENSYA VS CHINA

0

HINDI ubra ang propaganda ng Chinese Communist Party na hindi sa kanila nagsimula ang COVID-19 at hindi nila itinago ang katotohanan sa pandemyang kumitil na ng 3,556,375 katao sa buong mundo.

Iniisip siguro ng China lalo na ang kanilang pangulong si Xi Jinping na ubra ang kanilang ginagawa sa kanilang mamamayan na kung ano ang kanilang sasabihin ay yun na ang totoo at hindi puwedeng kontrahin.

Marami ng ebidensya ang hawak ng United States (US) na sadyang itinago ng China ang katotohanan at lumilinaw na rin ang katotohanan na nagmula sa isang laboratoryo sa Wuhan, China ang virus na naging dahilan ng pagkakasakit ng 171, 011, 940.

Disyembre 2019 ay may mga laboratory workers na ang pumunta sa ospital sa Wuhan para ipacheck ang kanilang nararamdaman at indikasyon na nagkaroon na sila ng virus at dahil itinago ng China, nagkahawaan.

Itinago ito ng China at hinayaan ang mga taga-Wuhan na bumiyahe sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas, kaya lalong kumalat at naging pandemya na bukod sa kumitil ng 3,556,375 na buhay ay nagbagsakan ang ekonomiya ng mga nasyon sa mundo.

Noon pa man ay matindi na ang propaganda ng China na kesyo galing daw sa mga imported goods na galing sa iba’t ibang bansa na ibinebenta sa wet market nila sa Wuhan ang COVID-19.

Pilit nilang itinatanggi na nakalabas ang virus sa laboratoryo sa Wuhan para marahil makaiwas sa pananagutan sa buong mundo pero may hawak ng ebidensya laban sa kanila ang Amerika.

Lahat ng mga nagsasalita laban sa kanila ay binabalikan nila. Ang problema nila, hindi China ang mundo. Hindi nila kayang kontrolin ang isip ng mga tao lalo na ang mga lider ng iba’t ibang nasyon tulad ng pagkontrol nila sa isip ng kanilang mamamayan.

Kung walang itinatago ang China bakit ayaw nilang makipagtulungan sa mga nag-iimbestiga. Pinayagan nga nila ang mga WHO investigator na pumasok sa Wuhan pero hindi ibinibigay ang lahat ng impormasyon.

Pero dapat hindi lang imbestigasyon ang gagawin ng Amerika kundi panagutin ang China sa pagiging iresponsable nila na naging dahilan ng pagkagutom, kahirapan at pagkamatay ng mga tao sa buong mundo.

Kailangan din sigurong alamin bakit ang China ay naka-ahon agad sa pandemya samantalang sa kanila nagsimula ang virus. Anong magic ang ginawa nila na ayaw nilang ibahagi sa buong mundo?

Kahit isang opisyal wala tayong narinig na nahawa o nagkasakit man lang? Anong mahika meron sila eh walang pinipili ang virus na ito na habang tumatagal ay lalong ­nagiging deadly.
Sa simula pa lamang ba ay alam na nila na magkakaroon ng aksidente at napaghandaan na nila yun, ganun ba? Kalokohan kasi na nakontrol agad nila ang pandemya eh 1.4 billion ang populasyon nila.

At ngayon, parang inaasar pa nila ang mga bansa na hindi raw alam kung papaano tugunan ang problema sa COVID-19 na nagsimula sa kanila at ipinagmamalaki nila na lumago pa ang kanilang ekonomiya habang ang mga bansa tulad ng Pilipinas ay baon na sa utang at hirap na hirap na.

Kung hindi mapanagot ang China, lalo silang magiging iresponsable at meron na silang ideya kung paano ibagsak ang ekonomiya ng mundo at sila lang ang nakatayo. Kung mangyayari yan, matutupad ang ambisyon ni Xi Jinping na mapaikot ang mundo sa kaniyang kamay.

Read More

EDUKASYON SA PINAS HINDI PARA SA LAHAT

0

DATI ipinangangalandakan ng gobyerno na free tuition na raw sa ating mga State Universities and Colleges sa buong bansa.

Makalipas ang ilang taon ayan na lumalabas na ang katotohanan na hindi pala libre ang bayarin sa mga paaralan na ito na pag-aari ng gobyerno.

Bakit kamo? Lalo na ngayon panahon ng pandemya problemado ang mga magulang kung saan nila kukunin ang pambayad ng kanilang mga anak na nag-aaral sa mga State Universities at Colleges.

Kaya raw pala free tuition sa pag-aaral ang ibang estudyante dahil scholar daw sila sa mga eskuwelahan na ito.

Hindi pala lahat free tuition, taliwas daw ito sa sinasabi ng gobyerno na libre sa bayarin ang lahat ng mga Pinoy na gustong mag-aral.

Sinasabi pa na ang “edukasyon daw ay para sa lahat ng mga Pinoy”, pero hindi eh taliwas pala ito sa totoong pangyayari.

Mukhang nagamit ang free tuition na ito para sa pamumulitika ng iilan.

Sa katunayan, ngayon ay nagkukumahog ang mga magulang ng mga estudyante sa Quezon City University (QCU) na dating Quezon City Polytechnic University (QCPU) at ilang State Universities at Colleges kung saan sila kukuha ng pambayad ng tuition ng kanilang mga anak.

Sa panayam ng PUNA sa isang dating opisyal ng QCU na kaya raw hindi free tuition sa lahat ng mga State Universities at Colleges ay dahil hindi naman daw lahat ng mga ito ay nakakatanggap ng ayuda mula sa national government.

Hindi raw lahat ng pangangailangan ng mga paaralan na ito ay matutugunan kung hindi sila maniningil ng tuition sa kanilang mga mag-aaral.

Bilang lang daw sa daliri ang State Universities at Colleges na nabibigyan ng pondo mula sa national government.

Kaya naman daw hindi lahat ay libre ang tuition sa mga nabanggit na paaralan.

Problemado na ngayon ang mga magulang kung saan nila hahanapin ang kanilang panggastos araw-araw dahil mahigit isang taon nang namemerwisyo ang COVID-19 sa mga tao.

Bukod dito, ilan sa mga eskuwelahan na pinatatakbo ng Local Government Units (LGUs) ay hindi sila tumatanggap ng mga mag-aaral na hindi rehistrado sa kanilang lugar.

Ibig sabihin walang pakinabang sa iyo ang mayor sa lugar kung saan nandun ang paaralan.

Galing! Kaya tama lang sabihin na ang “edukasyon sa Pinas ay hindi para sa lahat ng mga Pinoy”.

Palakasan din pala ang pag-aaral sa Pinas, pag ala kang koneksyon kay Mayor o iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ay hindi ka na makakakapag-aral.

Paano na lang ang mga ordinaryong tao na walang kapit at hindi rehistrado sa bayan o siyudad kung saan nakatayo ang State Universities at Colleges hindi na sila makakapag-aral?

Tulad ng mga katutubo na malayo sila sa kabihasnan na gustong makapag-aral wala na silang tsansa na maging professional?

Kaya ngayon ang kahilingan ng mga magulang kay Pangulong ­­Rodrigo Duterte na silipin niya ang isyung ito sa State Universities at Colleges.

Kung gusto nating maging makatotohanan ang sinasabing “edukasyon para sa lahat ng mga Pinoy” ay buhusan nila ng pondo ang Universities at Colleges.
Hindi puro press release lang na papogi sa kanila, yun pala ay wala sa katotohanan.

Ang tanong ngayon ng taumbayan, saan ba nanggagaling ang ginagamit na pera sa State Unversities at Colleges ‘di ba mula rin sa mamamayan na nagbabayad ng kanilang mga buwis?

Lalo na ang mga pinatatakbo ng lokal na pamahalaan na tulad ng QCU at Caloocan City University.

Hindi dapat ito itinuturing na pag-aari ng mga alkalde.

Kung gusto nyo na pag-aari nyo ang paaralan magpatayo kayo ng sarili nyong eskuwelahan na ang pondo ay hindi manggagaling sa gobyerno.

Walang makikialam sa inyo kahit magkano ang singilin nyo sa inyong mga estudyante.

Kaya malaking katanungan ang ipinupukol sa inyo ngayon dahil pera ng taumbayan ang ginastos na ipinampatayo niyang mga paaralan na yan sa nasasakupan nyo.

Gusto nyo hawakan sa leeg ang mga magulang ng mga ­estudyante at parang gusto nyong sabihin na kung hindi dahil sa inyo ay hindi nakakapag-aral ang kanilang mga anak.

Dapat buksan nyo ang mga paaralan na yan para sa lahat, ‘wag kayong mamili ng inyong tatanggapin.

Hindi naman yan kabawasan sa inyong sariling pera, ibalik nyo sa kanila sa pamamagitan ng edukasyon ng kanilang mga anak ang binabayaran nilang mga buwis.

‘Wag nyo pahirapan ang mga gustong mag-aral.

                                                                                                                                                             oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com o kaya magtext sa 0956-951-00-57.

Read More

SA PILIPINAS LANG SOLUSYON ANG ‘CHACHA’ LABAN SA EKONOMIYANG PINABAGSAK NG COVID – 19

0

WALA akong nabalitaang bansa na hindi inabot at inatake ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Lahat ng bansa pinasok, ngunit magkakaiba nga lang ang antas ng perwisyong inabot nila.

May napakatindi at mayroong maliit lang ang tama.

Lahat ng matindi ang atake ng COVID-19 ay matindi ang epekto sa ekonomiya, kabilang na ang mauunlad na mga bansa tulad ng Amerika, Rusya, Japan, Italy at China.

Nagtulong ang kani-kanilang mga pamahalaan at pribadong sektor upang mapigilan ang masamang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya, sa negosyo at sa mamamayan.

Ngunit, wala akong nabalitaang bansa na ginalaw ang kanilang ­Konstitusyon.

Wala akong nabalitaan na mga mambabatas at ilang opisyal ng mga pamahalaan sa iba’t ibang panig ng mundo na nagpahayag na kailangang amiyendahan ang Konstitusyon upang bumangon ang ekonomiya mula sa pagkakalugmok nito nang manalasa ang COVID-19.

Tanging Pilipinas lang ang mayroong mga mambabatas at ilang opisyal ng pamahalaan na ‘nakaisip’ at ‘nakadiskubre’ na kailangang amiyendahan ang Saligang – Batas upang makabangon ang bagsak na ekonomiya at makalikha ng mahigit isang ­milyong trabaho mula sa ginawa ng COVID-19.

Pokaragat na ‘yan!

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), pinakamasahol ang kalagayan ng gross domestic product (GDP) ng Pilipinas nitong 2020 dahil negatibong 9.8 porsiyento ang inabot nito.

Pinakamababa ang negatibong 9.8% mula noong 1946 kung saan nagsimula ang ating pamahalaan na kunin ang mga datos sa iba’t ibang sektor ng bansa upang maitala ang sukat ng itinatakbo ng ekonomiya.

Kung negatibong 9.8%, nangangahulugang napakababa ng kabuuang halaga ng mga nalikhang produkto at naialok na serbisyo ng iba’t ibang industriya at sektor na pinagkukunan ng datos ng GDP.

Resulta ‘yan ng napakahabang “lockdown” (ECQ, GCQ at iba pa) na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Napakasama rin ng epekto ng mga patakarang inilabas ni Duterte sa mga manggagawa, magsasaka, manggagawang – bukid at ­mangingisda dahil milyun-milyon ang nawalan ng trabaho, nawalan ng kita at nabawasan ng kita.

Alam nating lahat na hindi nagpabaya ang administrasyong Duterte.

Marami itong ginawa para maibsan ang kalunus-lunos na kalagayan ng milyun-milyong Filipino.

Nariyan ang dalawang batas tungkol sa Bayanihan na parehong may kasamang ayuda sa mga manggagawa at mga pinakamahihihirap na pamilyang Filipino.

Mayroon ding ayuda sa mga tsuper at konduktor sa mga ­pampublikong transportasyon, mga nagtatrabaho sa industriya ng turismo at sa mga manggagawang nagtatrabaho sa ibang bansa, o Overseas Filipino Workers (OFWs).

Katunayan, magkakaroon pa ng Bayanihan Act 3 na naglalayong muling tulungan at bigyan ng pera ang mga manggagawa, mahihirap na mga Filipino at iba pa.

Hindi rin pinabayaan ni Duterte ang mga magbababoy at magsasaka dahil naglabas siya ng mga Executive Order (EO) para papasukin ang napakaraming imported na baboy at imported na bigas na ikinaligaya nang todo ng mga importer ng baboy at bigas dahil sobrang baba ng mga taripa nito.

Pokaragat na ‘yan!

Siyempre, hindi nagpapabaya ang NEDA dahil maliban sa kinatigan at kinampihan nila ang Department of Agriculture (DA) sa napakataas na antas at kalidad ng pagmamahal nito sa mga

importer ng baboy at bigas, itinutulak nito ang malawakang vaccination rollout upang makamit ang tudlang 50 milyong Filipino ang mabakunahan.

Kapag nakamit ang 50 milyon, magkakaroon na ng tinatawag na “herd immunity” bago matapos ang kasalukuyang taon.

Habang nagaganap ‘yan, isinabay ng pangkat ni Speaker Lord Allan Jay Velasco ang pag-amiyenda sa ­ating Saligang – Batas.

Bago magbakasyon ang ­Kongreso sa Hunyo 5 (Sabado), ipapasa raw sa Kamara de ­Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses – 2 (RBH – 2) na inakda mismo ni Velasco.

Ang RBH – 2 ay patungkol sa pagtanggal sa mga probisyon sa ­Konstitusyong 1987 na nagtakdang bawal kumilos ng 100 porsiyento ang mga dayuhang kapitalista habang nagnenegosyo sa Pilipinas.

Kasama sa ipinatatanggal ng pangkat ni Velasco ang itinakda ng Konstitusyon na 40 porsiyento lang ang pinakamalaking parte na maaaring maging pag-aari ng mga dayuhang negosyante sa mga korporasyon at kumpanya sa Pilipinas, lalo na sa mga industriyang nakapaloob sa “public utility”.

Ang 60 porsiyento ay pag-aari ng mga negosyanteng Filipino.

Hanggang 40 porsiyento rin lang ang puwedeng ariing lupain ng mga dayuhang kapitalista dahil ang 60 porsiyento ay nakalaan sa mga kapitalistang Filipino.
Kumbinsidung – kumbinsido ang pangkat ni Velasco na kapag 100 porsiyentong nakabukas ang Pilipinas sa mga dayuhang kapitalista ay pihadong makababangon ang bagsak na bagsak na ekonomiya ng ating bansa.

Todo – todo at solido ang suporta ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginagawa ng ilang mambabatas sa Kamara.

Kapag nadagdagan ang puhunan ng mga dayuhang negosyante ay siguradong makalilikha at magkakaroon ng 1.3 milyon hanggang 1.6 milyong trabaho.

Pinaniniwalaan at iwinawasiwas ito ng pangkat ni Velasco, samantalang ang mga tao at grupong ­nakasaliksik ng nasabing mga ideya, kabilang na ang mga taga-University of the Philippines (UP), ay makakamit ang ‘ginhawang’ hatid ng mga ­dayuhang kapitalista upang malutas ang ­problemang iniluwal ng COVID-19 ay makakamit sa loob ng sampung taon.

Pokaragat na ‘yan!

Nagkakaletse – letse ang mga ekonomiya sa iba’t ibang bansa ­dahil sa hindi natatapos ang atake ng ­COVID-19, kasama na ang Pilipinas, ngunit kakaiba ang mga mambabatas sa Pilipinas at mga ­

pangunahing opisyal ng DILG na lubos ang ­paniniwalang Constitutional Change (Chacha) ang solusyon sa ­ekonomiyang pinabagsak ng ­COVID-19.
Ibang klaseng mga utak mayroon ang pangkat ni Velasco at mga opisyal sa DILG.

Read More

Hangga’t hindi nababakunahan ang 70% population SENIORS STAY-AT-HOME PA RIN

0

BINIGYANG-LINAW ng Malakanyang na hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizen lalo na’t kung “fully vaccinated” na ang mga ito laban sa COVID-19 na lumabas ng kanilang tahanan.

Tugon ito sa pagbabawal pa rin sa mga nakatatanda na magtungo sa matataong lugar gaya ng mall o mga saradong establisimyento tulad ng mga restaurant.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, puwede aniyang lumabas ang mga senior citizen para bumili ng kanilang pangangailangan.

Bukod dito ay pinapayagan din ang mga senior citizen na mag-ehersisyo para sa health promotion.

Kinakailangan aniya kasi na manatiling malusog ang mga senior citizen laban sa COVID-19.

Subalit ang pagpapalabas aniya matapos na mabakunahan ay depende kapag nakamit na ng Pilipinas ang population protection.

“Ibig sabihin, hindi lamang naman po yung nabakunahan ang kinakailangan na magkaroon ng proteksyon dahi kinakailangan na mas marami pa sa populasyon ang magkakaroon ng proteksyon dahil ang bakuna po is not a guarantee na hindi na kayo tatamaan ng Covid. It is a guarantee na siguro ay hindi na kayo magkakasakit ng malala o hindi na kayo mamamatay pero iba po ang kondisyon ng mga seniors .. they are specially vulnerable. So, ang effect po ng bakuna sa isang malusog na kabataan ay hindi po kapareho sa isang matanda. So, let us veer on the safer side na hanggang wala pa pong population protection, habang hindi pa natin nababakunahan ang 70% ng ating populasyon .. stay home po muna ang ating mga lolo’t lola,” paliwanag ni Sec. Roque.
Sa ulat, nakatanggap na ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang 12 porsyento ng senior citizens sa bansa.

“Ang mga senior citizens, ito yung mababa, nasa nine to 12 percent palang so medyo kailangan natin bilisan ito kasi ito yung mga vulnerable, itong age group na ito na 60 and above,” ani DOH Undersecretary Leopoldo Vega.

“Kailangan natin hanapin yung mga matatanda para mabakunahan kasi kailangan natin mai-prevent yung death sa age group na ito. Malaki pa naman ang population nito,” dagdag niya.
Tinatayang 10 hanggang 20 milyon ang senior citizen sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

Read More

MALAKANYANG TINIYAK NA WALANG DISKRIMINASYON SA BAKUNA

0

PINAWI ng Malakanyang ang pangamba ng ilang Local Government Units (LGUs) na magamit sa pulitika ang pamamahagi ng bakuna lalo pa’t nalalapit na ang halalan sa bansa.

Pinangangambahan kasi ng mga hindi kaalyadong LGU o sinomang makakalaban sa 2022 ng administrasyon na baka hindi sila makasama sa prayoridad ng vaccine program ng pamahalaan.

Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi uubrang magkaroon ng diskriminasyon sa pagbabakuna dahil kokontra ito sa inaasam-asam na target ng vaccination program ng gobyerno.

Sinabi ng kalihim na kailangan lamang pairalin ang patas na pagpigil sa pagkalat pa ng virus na magagawa sa pamamagitan ng pagbabakuna sa lahat at hindi lang sa mga taga- suporta ng administrasyon.

Giit ni Sec. Roque, hindi katulad ng ilang nakaraang administrasyon, ang kasalukuyang pamahalaan at si Pangulong Duterte aniya ay presidente ng lahat ng mga Filipino.

Read More

Sa COVID-19 vaccine CHINESE, RUSSIAN BRAND ‘DI TANGGAP SA US, EUROPE

0

HINDI tanggap sa mga bansa sa Europe at Amerika ang mga bakunang gawa sa China at Russia.

Ngunit para sa Malakanyang, ngayon pa lamang ay kailangan magdalawang-isip ang mga nasabing bansa at ikonsidera ang kanilang pasya.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi dapat kalimutan ng dalawa na bukod sa China ang may pinakamaraming populasyon sa buong mundo ay ito na aniya ang magiging largest economy on Earth.

Aniya pa, dapat na mag-isip ang Estados Unidos at Europe sa pagkukonsidera ng mga itong pigilan ang mga bakunadong foreigner ng China vaccine gayung tiyak na reresbak ang Tsina sa mga ito.
Ani Sec. Roque, hindi dapat maisa-isantabi na baka magkaruon ng epekto sa ekonomiya ang nasabing hakbang lalo’t target aniya ng lahat ang China market.

Puwede aniyang maging second largest economy sa buong mundo sa kasalukuyan ang estado ng China ngunit hindi aniya malayong manguna na ito sa malapit na hinaharap. (CHRISTIAN DALE)

Read More

TAG-ULAN HIHILAHIN NG BAGYONG DANTE

0

POSIBLENG maging hudyat ng pagpasok ng tag-ulan ang pagragasa ng bagyong Dante na lalo pang lumakas habang nasa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, pasisimulan na nito ang maulang panahon at paglakas ng hanging habagat.

Kahapon, isang matandang lalaki ang nasawi nang magdulot ng baha ang bagyong Dante sa maraming lugar sa Davao Region, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Sa inisyal na ulat, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Porperio Sabate Pilapil, 71-anyos, ng Davao del Sur makaraang tangayin ng rumaragasang tubig baha.

Ayon sa Malalag Municipal Police Station, pauwi ang biktima sakay ng kanyang bisekleta noong Linggo ng hapon at tinangkang tumawid sa baha ngunit tinangay ito.

Nabatid pa sa ulat ng PAGASA, noong Linggo pa nilubog ni ‘Dante’ na nuon ay isa pa lamang tropical depression, ang rehiyon kabilang ang ilang bahagi ng Davao Region na Davao del Sur at

Davao del Norte. Nitong Lunes naramdaman sa ilang bayan ng Caraga, Soccsksargen, Bukidnon, at Misamis Oriental ang bagyo.

Kinailangan ding suspindehin kahapon ang klase sa mga paaralan sa ilang bayan sa Davao de Oro dahil sa masamang panahong dala ng bagyo.

Bahagyang lumakas nitong umaga ng Lunes ang bagyo, na namataang nasa bahagi ng Philippine Sea, 515 kilometro ang layo sa Davao City, base sa pagtataya ng  PAGASA.

Pinagtulungang iligtas ng mga pulis, barangay at volunteer rescuer ang mga residente sa mga binahang lugar.

Bandang alas-8 kamakalawa ng gabi, 65 pamilya ang inilikas mula sa Bulusan at Taal sa Bangkal.

Sa ulat naman ng Davao City government, inilikas din ang higit 20 pamilya sa mga barangay ng Bunawan Proper, Mintal at Bago Aplaya matapos umapaw ang mga kalapit na ilog at creek.

Inaasahang magdadala pa ng mga pag-ulan ang Bagyong Dante sa ilang lugar sa Mindanao. (JESSE KABEL)

Read More

Sa gitna ng iringan sa loob ng partido PACQUIAO SISIPAIN SA PDP-LABAN?

0

(BERNARD TAGUINOD)

SA gitna ng tila lumalalang alitan sa loob ng ruling party na PDP-Laban ay kumakalat ang balitang aalisin bilang acting president nito si Senador Manny Pacquiao.

Maugong na papalit kay Pacquiao si  Speaker Lord Allan Velasco na tumatayong executive vice president ng partido.

Kahapon, mistulang sinibak ang isa sa mga kaalyado ni Pacquiao sa PDP-Laban matapos itong palitan sa gitna ng sesyon ng partido para sa kanilang unang party national assembly.

Matapos kuwestiyunin ang party assembly dahil wala umanong pahintulot ni Pacquiao ay pinalitan bilang secretary general si Deputy Speaker Arnolfo Teves Jr. ni deputy secgen Melvin Matibag.

Sa unang bahagi ng asembliya ng partido na pinamumunuan ni PDP-Laban vice chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi, ipina-adjourn ni Teves ang session ng partido dahil walang pahintulot si Pacquiao.

Binara ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang motion ni Teves na sinegundahan ni PDP-Laban VP for external affairs Raul Lambino, dahil hindi umano halal na secretary general ang mambabatas at sa halip ay itinalaga ng mga ito bilang acting secgen si Matibag.

Naging kontrobersyal ang ipinatawag na national assembly ni Cusi na ginanap kahapon matapos maglabas ng memorandum si Pacquiao na humihimok sa mga miyembro ng partido na huwag itong pansinin dahil wala siyang pahintulot.

Gayunpaman, nilinaw ng Malacañang na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos kay Cusi na magpatawag ng party national assembly kaya natuloy ito at dinaluhan ng mga party member sa pamamagitan ng zoom.

Kasama sa mga dumalo sa nasabing pagpupulong si Velasco.

Si Pacquiao ay miyembro ng PDP-Laban noong pinamumunuan pa ni dating Vice President Jejomar Binay ang partido subalit noong 2016 ay lumipat ang dalawa sa United National Alliance (UNA) na ginamit ng huli bilang behikulo noong 2016 presidential election.

Bumalik si Pacquiao sa PDP-Laban noong 2016 at nang mag-resign si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel bilang pangulo ng partido ay ipinalit sa kanya bilang acting president si Pacquiao na isa sa maugong na tatakbo sa 2022 presidential election.

Read More

Base sa gusto ng foreign employers OFWs OBLIGADONG MAGING CHOOSY SA VACCINE BRAND

0

KINUKONSIDERA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na repasuhin ang COVID-19 vaccination program ng bansa para payagan ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na makapili ng vaccine brand na required ng kani-kanilang employers.

“Wala pa, pag-aaralan pa po, but there is basis for the request,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ukol sa posisyon ng pangulo sa bagay na ito.

“Kung meron pong basehan at gagawin po itong precondition para makapaghanapbuhay ang ating kababayan, may posibilidad po,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Gayunman, sinabi ni Sec. Roque, na ang bawat government policy ay kailangang sumunod sa constitutional provision ng “equal protection of the law.”

Nakasaad sa Article 3, Section 1 ng 1987 Constitution na “no person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.”

Ang efficacy rates ay ng bawat vaccine brand ay magkakaiba, subalit ang pinakamababa ay sa Chinese vaccine Sinovac kung saan ang efficacy rate ay 51% lamang para sa health workers at senior citizens.

Ang efficacy rate ng Sinovac sa edad 18 hanggang 59 ay 65% hanggang 91%. (CHRISTIAN DALE)
Read More