MAGIGING alerto na ang binansagang “sleeping kaps” sa pagbabantay laban sa tinatawag na mga “superspreader” ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang hindi sila maaresto at makulong. Inanunsiyo ito nitong Biyernes, Mayo 28, ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año makaraang mainis si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga punong barangay dahil hindi ginagampanan ang kanilang trabaho, tungkulin at obligasyon laban sa mga lumalabag sa health protocol tulad ng social distancing. Idniin ni Año na kikilos na ang mga punong barangay laban sa mga pasimuno ng super spreader activities. Ipinaliwanag ni…
Read MoreMonth: May 2021
Nanakit ng traffic enforcer MODELO ARESTADO
NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang 26-anyos na modelo makaraang manakit ng isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa Malate, Manila noong Huwebes ng umaga. Kasabay nito, umapela si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng motorista na dumaraan sa lahat ng kalye sa lungsod na sumunod sa batas trapiko at huwag na huwag mananakit ng traffic enforcers na ginagawa lamang ang kanilang tungkulin. Kasabay nito, pinuri ng alkalde si Marcos Anzures, Jr., 35, miyembro ng ng MTPB dahil sa pagpapairal nito ng maximum…
Read MoreP108.9-B DAGDAG KITA NG GOBYERNO SA VAPES, E-CIGARETTES
MALAKING karagdagan sa kita ng pamahalaan ang inaasahan na aabot sa P108.9 billion sa loob ng limang taon kapag ganap na naipatupad ang House Bill 9007 o ang “Non-Combustible Nicotine Delivery Systems Regulation Act” na aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara. Ayon kay Deputy Speaker for Trade and Industry at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, na siyang pangunahing may-akda ng naturang panukala, layon ng HB 9007 na maresolba ang talamak na ilegal na paggawa, distribusyon at bentahan ng vapes, e-cigarettes, and other electronic nicotine at non-nicotine delivery…
Read MoreBiktima ‘di nang-agaw ng baril – testigo PULIS NADIIN SA PAGPATAY SA BINATILYO
WALA umanong nangyaring agawan ng baril hinggil sa pagkakabaril at pagkamatay ng isang 18-anyos na autistic na si Erwin Arnigo sa Valenzuela City, taliwas sa unang ulat ng pulisya. Gayunman, sinabi ng testigo na aksidente ang pagkakabaril ng pulis na si P/Senior Master Sergeant Christopher Salcedo sa biktima, ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian. Idinagdag ng alkalde, hinuli rin ang saksi ng nasabing pulis kasabay ng paghuli at pagkabaril sa biktima. Sa madaling-sabi ay walang pagpapambunong nangyari, at binigyang-diin na literal na isang dipa lang ang layo ng saksi…
Read MoreUlo nabagok sa semento BEBOT ITINULAK NG DYOWA, PATAY
PATAY ang isang 47-anyos na ginang matapos na tumama ang ulo sa semento nang itulak ng kanyang live-in partner habang sila ay nagtatalo sa Navotas City noong Huwebes ng gabi. Ayon kay Navotas Police chief, P/Col. Dexter Ollaging, isinugod ng kanyang mga kaanak sa Tondo Medical Center ang biktimang si Lilia Salido ng #91 B. Caseñas St., Brgy. Tangos North ngunit idineklarang dead on arrival sanhi ng pinsala sa ulo. Nahaharap naman sa kasong homicide ang live-in partner ng biktima na kinilalang si Charles De Leon, 41, electrician, inaresto ng…
Read MoreSa Caloocan City IKATLONG DISTRITO APRUB SA PANGULO
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagkakaroon ng Ikatlong Distrito ng Lungsod ng Caloocan. Sa ilalim ng Republic Act No. 11545, hahatiin ang unang distrito ng Caloocan sa dalawa at mapapasailalim sa District 1 ang mga Barangay 1-4, 77-85, 132-177 habang nasa District 3 naman ang Barangays 178-188. Nagpasalamat naman si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan kina Pangulong Duterte, Senador Francis Tolentino, Senador Imee Marcos, at Congressman Along Malapitan sa pagsusulong ng mga ito sa paghahati ng Unang Distrito ng Caloocan. “Malaking bagay ang ginawa ni Cong.…
Read More3 sa Valenzuela 11 PATAY SA COVID SA CALOOCAN
LABING-ISA ang namatay sa Caloocan City sa COVID-19 habang tatlo naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Valenzuela City noong Mayo 27. Ayon sa Caloocan City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, hanggang alas-5:00 ng hapon ng nasabing petsa ay 982 ang active cases sa lungsod. Umabot na sa 31,321 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan, at sa bilang na ito ay 29,418 na ang gumaling at 921 ang namatay. Nabatid naman sa Valenzuela City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit na 511 ang active COVID…
Read More2 HIGH VALUE DRUG SUSPECTS, TIKLO SA QC
HULI sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units ng Holy Spirit Police Station (PS-14) at Talipapa Police Station (PS-3) na nasa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), ang dalawang high value drug personalities at nakumpiskahan ng P136,000 halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City noong Huwebes. Kinilala ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, station commander ng PS-14, ang nadakip na suspek sa unang operasyon na si Apple Grace Jacinto y Villanueva, 36-anyos, nakalista bilang no. 1 station level drug personality ng PS-14, at residente…
Read More100 BAGONG BI OFFICERS ITATALAGA SA NAIA
INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtanggap ng ‘hundred new primary inspectors’ na itatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang ports bago matapos ang taon. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang kabuuang 100 new employees, na may item ng Immigration Officer 1, ay ini-appoint kamakailan ni Justice Secretary Menardo Guevarra para mapunuan ang mga bakante sa bureau’s plantilla. Ayong kay Morente, ang pagkakatalaga sa BI Officers ay makatutulong sa gradual reopening ng hangganan ng bansa sa mas maraming international travelers sa mga susunod na buwan.…
Read More