WALA pa ring katiyakan kung hanggang kailan mag-aantay ang mga health care worker na gustong magtrabaho sa ibang bansa matapos na maabot ang 5,000 maksimum na bilang ng deployment sa ibang bansa na itinakda sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Advisory No. 71. Maliban sa United Kingdom (UK) na nakahingi ng exemption sa deployment limitation, ang iba pang bansa, kabilang ang mga kasama sa Middle East, ay hindi pa maaaring magpadala ng health workers sa kanila. Sa kasalukuyan, tanging health workers na nagbabakasyon lang sa bansa tulad ng mga nurse,…
Read MoreDay: June 8, 2021
BABAGUHIN BA NI SARA ANG KAPALPAKAN NI DUTERTE?
HINDI pa nagdedeklara si Mayor Sara Duterte – Carpio na tatakbo siya sa pagkapangulo ng bansa sa halalang 2022. Ang nag-anunsiyo at nagtiyak sa publiko ng “siguradong pagtakbo” ni Sara D. Carpio ay sina Albay Repressentative Joel Salceda, dating Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr. Si Salceda na kilalang dumidikit sa mga politikong alam niyang ‘mabango’ sa simula, ngunit iniiwanan kapag bagsak ang politikong linapitan ay iniuungos ngayon sa media na siya ay ‘bata’ ni Sara D. Carpio. Si Andaya naman ang ‘kanang – kamay’, o ‘alalay’ ni dating Defense…
Read MoreYuka Saso, tunay na Pinoy
Ni EDDIE ALINEA LALONG pinahanga ng Pilipina at bagong U.S. Women’s Open champion na si Yuka Saso ang daigdig ng golf noong Linggo (Lunes sa Manila) kung kailan ipinamalas niya ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at wikang Pilipino. Noong huling round ng 54-hole ng kompetisyon, ipinakita ng 19-anyos ang pusong palaban ng mga Filipino para maging kauna-unahang magreyna sa prestihiyosong torneo na ginanap sa Olympic Club course sa San Francisco. Sa sumunod na press conference sa pagbibigay ng ginintuang tropeo at medalya, sinagot ng tubong Bulakenyang golfer ang mga tanong…
Read MoreBigong mapigilan ang mass gatherings 6 BARANGAY CHIEFS KINASUHAN
INIULAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng kaso laban sa anim na barangay officials dahil umano sa kabiguan ng mga itong mapigilan ang tinatawag na “superspreader events ” sa kanilang nasasakupan. “Sa inyo pong pag-uutos na kasuhan natin ang mga barangay officials, anim po ang nakita natin dito at nakasuhan,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinabi ni Año na ang mga nakasuhang opisyal ay sangkot sa iba’t ibang insidente gaya ng sumusunod: Gubat…
Read MoreBORDADO NEXT NAVY CHIEF
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Navy vice commander Rear Admiral Adeluis Bordado bilang Flag Officer in Command ng Philippine Navy. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, epektibo ito ngayon, Hunyo 9, 2021. Si Bordado, miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1988, ang papalit kay Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, na bumaba na sa puwesto kahapon matapos maabot ang kanyang mandatory retirement age na 56. Magsisilbi naman si Bordado sa kanyang bagong posisyon ng 15 buwan hanggang sa dumating ang kanyang mandatory retirement age. Samantala, ilan sa…
Read MoreOPISYAL NG GOBYERNO, BUMUBUO NA NG TROLL FARMS PARA SA ELEKSYON
ISANG mataas na opisyal ang nag-oorganize na ng dalawang ‘troll farm’ sa bawat lalawigan bilang paghahanda sa eleksyon sa 2022. Ito ang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson at tinukoy na isang undersecretary ang nasa likod ng operasyon. Sinabi ni Lacson na mismong dati niyang staff ang nakausap ng opisyal at inalok ng naturang operasyon. “Maraming information na dumadating sa amin, maraming trolls na nag-operate para siraan yung mga posibleng mga makakalaban hindi lang limitado sa amin kundi pati sa mga ibang hindi aligned sa administrasyon,” saad ni Lacson. “Ngayon pa…
Read MorePromotor ng jueteng sa balwarte ni Malapitan GAMBLING LORD ‘RENEL’ PASOK SA CALOOCAN
(NELSON S. BADILLA) PASOK at nagsimula na ang operasyon ng jueteng ng gambling lord na bantog sa tawag na “Renel” sa Caloocan City kung saan ang alkalde ay si Oscar Malapitan. Ayon sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, napakaraming butas ang pajueteng ni Renel sa Caloocan na araw-araw umano ang tayaan. Bawat araw, ang bola ng mga mananalong numero ay isinasagawa tuwing 11:00 ng umaga, 4:00 ng hapon at 8:00 ng gabi. Lumalabas na may pumayag para malayang makapag-operate ng kanyang jueteng si alyas Renel. Huling taon ni Malapitan sa…
Read MoreHIRIT SA GOBYERNO: MAGBIGAY NG LIBRENG SAKAY SA MGA MAGPAPABAKUNA
IGINIIT ni Senador Grace Poe na dapat dagdagan ng gobyerno at ng pribadong sektor ang libreng transportasyon para maihatid ang mga senior citizen, person with disability at mahihirap patungo sa vaccination sites. Sinabi ni Poe na maaaring gamitin para sa libreng sakay ang P5.58-bilyong Service Contracting Program ng Department of Transportation sa ilalim ng Bayanihan 2 law. Ang programa ay hindi lang magbibigay ng free rides sa mga nangangailangang sektor, kundi trabaho rin para sa mga drayber na nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya. “Ang transportasyon ay isang napakahalagang…
Read More12-15-ANYOS PWEDE NANG BAKUNAHAN
MAAARI na ring mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga 12 hanggang 15-anyos. Ito’y matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang hiling ng Pfizer BioNtech na maamyendahan ang kanilang Emergency Use Authorization (EUA) upang magamit na rin ang kanilang COVID-19 vaccine sa mas mababang edad. Ayon sa FDA, matapos ang ginawang pag-aaral ay inaprubahan nila na magamit ang COVID 19 vaccine ng Pfizer sa mga nasa edad 12 pataas. Batay sa nakasaad sa amended EUA ng Pfizer, ang pagitan ng pagturok ng una at pangalawang dose ng bakuna ay…
Read More