TIRADOR NG CIIS INTEL OFFICIAL ‘JOEL LAWIN’, P1-M TARA ANG HIRIT

Imbestigahan natin Ni LUCAS CASTIGADOR ISANG opisyal mula sa Intel Group ng Aduana ang guma­gawa ng kabulastugan habang mahigpit ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) sa katiwalian at korapsyon. May sumingaw ka­sing katiwalian sa Aduana na kinasasangkutan umano ng isang opisyal ng BOC. Ayon sa sumbong sa Imbestigahan Natin, isang opisyal mula sa Intelligence Unit ng BOC ang tinukoy na nanghihingi ng “tara” mula sa mga negos­yante. Isang milyong piso lang naman ang hini­hingi ng opisyal na ito sa bawat lata, o container, na pumapasok sa bayan ni Juan…

Read More

CONCEPCION: PAMPRIBADONG SEKTOR, SUPORTADO ANG DALAWANG LINGGONG ‘LOCKDOWN’ PARA MAISALBA ANG ATING BUHAY AT PANGKABUHAYAN

Kasunod ng mga naiulat na nagpositibo sa Delta variant sa bansa, sinang-ayunan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion, kasunod ng talakayan sa pampribadong sektor, ang panukalang magpatupad muli ang pamahalaan ng dalawang linggong lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant. “We have to protect the lives of the most vulnerable ones most especially our unvaccinated kababayans and continue the aggressive vaccination rollouts while addressing the problem of Delta,” saad ni Concepcion. Binigyang-diin ni Concepcion ang kahalagahan ng 4th quarter o huling bahagi ng taong…

Read More

HIDILYN DIAZ UUWING BAYANI

NAKATAKDANG ­dumating sa bansa ngayon (Miyerkoles) ang bagong bayani at kauna-unahang Filipino Olympic gold medallist na si Hidilyn Diaz. Matapos ang 97 taon sa kasaysayan ng Philippine sports, ang 30-anyos na si Diaz ay nagmarka sa 2020 + 1 Tokyo nang maka-gold matapos bumuhat ng 97kg sa snatch at 127kg (bagong Olympic record) sa clean and jerk para sa total 224kg (bago ring Olympic record) sa women’s -55 kgs weightlifting competition, Lunes (Hulyo 26) sa Tokyo International Forum. “It’s mandatory,” sabi ni Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.…

Read More

Malungkot na karanasan ni David Nepomuceno sa 1924 Paris Olympics

Ni EDDIE ALINEA HINDI naging kasiya-siya ang unang paglahok ng Pilipinas sa Olimpiyada halos 100 taon na ang nakararaan. Taong 1924 nang unang nagpadala ang bansa ng dalawang kinatawan (isang atleta at isang opisyal) sa VIII Games of the Olympiad na ginanap sa Paris noong Hulyo 7-13. Ito ang pangalawang pagkakataon na ang pangunahing lungsod ng France ay naging host ng Palaro mula noong 1900. Si sprinter David Nepomuceno ang nagdala ng ating bandila sa Palaro na tinawag ng mga Pranses na: Les Jeux Olympiques d’été de 1924. Si Nepomuceno…

Read More

FIL-AM FENCER NAGMARKA SA 2020 +1 TOKYO

LUMALABAN man sa ilalim ng US flag, hindi maikakaila na may dugong Pinoy ang 2020 +1 Tokyo Olympics women’s foil gold medalist na si Lee Kiefer. Tinalo ng Filipino-American na si Lee sa final ng women’s foil ang defending champion na si Inna Deriglazova ng Russia, 15-13, sa Makuhari Messe Hall noong Lunes. Ang half Pinoy fencer ang itinuturing ngayon na kauna-unahang American na nagwagi ng gintong medalya sa nasabing sport sa Olympics. Lingid sa kaalaman ng ­marami, si Lee ay anak ng tubong Tagum, Davao City na si Dr.…

Read More

Inspirasyon si Hidilyn Diaz GUSTO KO MANALO NG GOLD – PETECIO

Ni VT ROMANO INSPIRADO mula sa gold ­medal conquest ni weightlifter Hidilyn Diaz noong Lunes ng gabi, susubukan ngayong ­umaga ni Nesthy Petecio na makapagtala ng panalo laban kay Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia. Si Petecio, featherweight champion ng 2019 World Boxing Championships, ay magtatangka sa bronze medal sa alas-10 ng umagang bakbakan sa quarterfinals ng 54-57-kg boxing competition sa Kokugikan Arena sa Tokyo. Kung magwawagi si Petecio laban sa bronze medalist ng 2019 Pan American Games, dalawang panalo na lang ang kailangan niya para sa ginto. “We will…

Read More

OFWs MULA SA SAUDI, HUMINGI NG TULONG SA AKOOFW

DUMULOG sa AKOOFW si Lovely Toledo, OFW mula sa Tupi, South Cotabato na kasalukuyang nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon kay Lovely, nakarating siya sa Riyadh, sa pamamagitan ng MEJA International Manpower Agency at ang kanyang ahensya sa Saudi Arabia ay Panorama Recruitment Agency. Ang isinumbong ni Lovely ay ang pananakit sa kanya ng kanyang employer. Diumano, noong July 24 ng taong kasalukuyan ay naganap ang pananakit sa kanya. Ayon sa kanya, sinipa at sinampal siya ng kanyang among lalaki. Mabuti na lamang at hindi siya napuruhan ng sampal sa…

Read More

SOLID NORTH VS SOLID SOUTH SA 2022?

BAGAMAT wala pang pormal na pahayag para sa 2022 national at local elections si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagpakita na ng kanilang solidong suporta sa mga Marcos ang mga leader at politiko sa Ilocandia. Ito’y makaraang tugunan ng nasabing mga personalidad ang paanyaya ni Senadora Imee Marcos na “PRE-SONA MERIYENDA” sa kanilang ancestral home sa San Juan City, Metro Manila. Batay sa talaan ng mga dumalo, umabot sa 50 mga ­congressman at mga political leader ang nakisalo sa PRE-­SONA MERYENDA ng mga Marcos na nagpapatibay lamang ito ng…

Read More

MATINDING KORAPSYON SA IMPORTASYON NG SIBUYAS

NAPAKAMAHAL ng presyo ng sibuyas hanggang ngayon. Ang solusyon dito ng mga negosyante, ekonomista at mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), partikular ang Bureau of Plant Industry (BPI), ay umangkat ng sibuyas mula sa mga katabing bansa. Kapag maraming sibuyas sa palengke, siguradong matitigil ang pagtaas ng presyo ng sibuyas at mapabababa pa ang kasalukuyang presyo nito. Iyan ay batay sa Law of Supply and Demand na pare-pareho nating pinag-aralan noong kolehiyo tayo. Kahit nga ang mga tindera ng sibuyas ay ikinakatwiran ang nasabing batas ng galaw at balanse…

Read More