WELCOME kay Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan ang pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA) na bilisan ang rehabilitasyon sa Marawi City. Umaasa ang mambabatas na sa marching order na ito ni Pangulong Duterte ay agad tutugon ang Task Force Bangon Marawi dahil matagal na aniya ang paghihintay ng mga apektadong residente sa nabanggit na lungsod matapos itong kubkubin ng mga rebelde. “My heart leaped with gladness when the president ordered to fast-track all the rehabilitation efforts to Marawi. I am one with…
Read MoreMonth: July 2021
COVID-19 CASES SA NCR TUMAAS PA
PATULOY sa pag-akyat ang bilang ng mga naitatalong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Ngayong linggo ay umakyat sa 47% ang mga naitalang kaso na mas mataas kumpara noong nakalipas na linggo. Sa press briefing sa Malacanang, kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pag-akyat ng kaso. “Dito sa NCR, tumaas tayo ng mga 47% itong linggong ito compared doon sa nakaraang linggo,” ayon kay Duque. Sinabi ni Duque na nakapagtala ang Metro Manila ng mahigit 900 bagong kaso ng impeksiyon kada araw sa…
Read MoreARMORED VAN, CLOSE VAN NAGBANGGAAN
SUMABOG ang unahang gulong ng armored van na naging dahilan upang sumalpok ito sa isang closed van sa Pandacan, Manila noong Lunes ng gabi. Nagkaayos din ang driver ng Philippine Army Armored vehicle at ang driver ng aluminum closed van Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-11:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa north bound lane ng Mabini Bridge sa Pandacan. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang northward lane ng Mabini bridge, Pandacan, nang sumabog ang kanang harapang gulong ng armored…
Read More‘ADIK’ NA POLICE COLONEL SINIBAK
LAGUNA – Sinibak sa serbisyo ang isang police colonel nang magpositibo sa isinagawang random drug testing ng Police Regional Office Calabarzon noong Mayo 19, 2021. Ayon kay Calabarzon Police Regional Director Brig. Gen. Eliseo DC Cruz, bagong lipat lamang sa PRO4-A si P/Lt. Col. Marlou Dumagat Besona nang magpositibo ito sa ilegal na droga. Agad nagsagawa ng administrative proceedings kay Besona at napatunayang guilty sa paggamit ng ilegal na droga na nagresulta sa hatol na ‘dismissal from the service.’ Hindi na naghain ng motion for reconsideration si Besona kaya epektibo…
Read MoreGINANG NA SOLO SA BAHAY, PINATAY
QUEZON – Patay ang isang 52-anyos na ginang matapos na tadtarin ng saksak sa loob mismo ng kanyang bahay sa bulubunduking barangay sa bayan ng Padre Burgos, sa lalawigang ito. Noong Lunes ng umaga nang madiskubreng wala nang buhay ang biktimang si Imelda Santos habang nakabulagta sa ibabaw ng cabinet sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Yawe. Tadtad ng mga tama ng saksak sa katawan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay. Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo ng suspek na posibleng nakilala ng biktima kaya pinatay ang…
Read MoreSANGKOT SA DROGA NAMATAY SA SELDA
CAVITE – Isang preso ang namatay sa Custodial Center ng Bacoor City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Pedro Villatura, 66, nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalcurin ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:50 ng gabi nang nakaramdam ng hirap sa paghinga si Villatura dahilan upang isugod sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (SIGFRED ADSUARA) 165
Read More17 DELTA VARIANT NATUKOY SA LAGUNA
LAGUNA – Umakyat na sa 17 kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang natukoy sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng Provincial Health office nitong Martes. Naitala ang nasabing bilang matapos lumabas ang resulta sa isinagawang genome sequencing makaraan ang halos tatlo hanggang apat na linggong paghihintay. Hindi na tinukoy kung saang lugar nagmula ang mga pasyenteng nagkasakit. Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad, nakarekober na ang mga pasyente ngunit isasailalaim pa rin sa swab test para mahanap ang kanilang mga naging close contact. Samantala, minamadali na ang pagbabakuna sa…
Read MoreNagpaputok nang sitahin 2 VANDALS NA NPA NAPATAY NG PNP-PRO5 *1 pang CTG nabitag
NAPATAY ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) nang paputukan ng mga rebelde ang mga awtoridad makaraang sitahin sa pagsusulat ng “DUTERTE IBAGS” sa pader sa Brgy. Lower Binogsacan, Guinobatan, Albay noong Lunes. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, bahagi ng pagsisikap ng PNP na matiyak ang kaligtasan na mga Bicolano sa pagsasagawa ng police and mobile visibility sa buong sulok ng rehiyon. Dahil naka-full alert ang buong PNP kaugnay sa huling State of the Nation Address ni…
Read MoreMGA PROGRAMA PARA SA ECONOMIC RECOVERY, SUPORTADO NG SENADO
TINIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na susuportahan ng Senado ang lahat ng programa ng gobyerno na may kinalaman sa economic recovery. Sinabi ni Sotto na tututukan nila sa 3rd regular session ng 18th Congress ang mga programa para labanan ang COVID 19 at ang vaccination program. Sa pagbubukas ng sesyon nitong Lunes, kabuuang 21 senador ang dumalo kabilang na ang 13 na physically present habang 8 ang virtually present. Sa kanyang speech sa pagbubukas ng sesyon, sinabi ni Sotto na patuloy na maglalaan ang Senado ng pondo…
Read More