LAGUNA – Sinibak sa serbisyo ang isang police colonel nang magpositibo sa isinagawang random drug testing ng Police Regional Office Calabarzon noong Mayo 19, 2021.
Ayon kay Calabarzon Police Regional Director Brig. Gen. Eliseo DC Cruz, bagong lipat lamang sa PRO4-A si P/Lt. Col. Marlou Dumagat Besona nang magpositibo ito sa ilegal na droga.
Agad nagsagawa ng administrative proceedings kay Besona at napatunayang guilty sa paggamit ng ilegal na droga na nagresulta sa hatol na ‘dismissal from the service.’
Hindi na naghain ng motion for reconsideration si Besona kaya epektibo na ang pagkakasibak niya sa serbisyo simula noong Hulyo 12, 2021.
Matatandaan, iniutos ni Philippine National Police chief, Gen. Guillermo Eleazar ang maigting na pagpapatupad ng “Intensified Cleanliness Policy” sa hanay ng pulisya. (CYRILL QUILO)
204 