OFW NG NEW FRONTIER RESOURCES, NAGING ALIPIN SA SAUDI

NAKATANGGAP na naman ako ng reklamo ng OFW na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Sa kanyang sulat, ikinuwento ni Pahmia Bukol ang matinding paghihirap na kanyang dinaranas mula sa kanyang among babae. Literal na pang-aalipin ang ginagawa sa kanya ng kanyang amo dahil maging ang kanyang pagkain ay ipinagdaramot sa kanya. Si Pahmia ay dumating sa Khamis Mushait, Abha, Saudi Arabia noong Pebrero 12 ng taong kasalukuyan, sa pamamagitan ng New Frontier Resources, Inc. Ayon kay Pahmia: “Noong una maayos pa sila makisama, pero noong umabot na ako ng 2 months…

Read More

KOTONGERO NG DAYUHAN SA AIRPORT SAMPAL SA SONA NI DUTERTE

TILA sampal sa huling State of the Nation Address, o SONA, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pananatili ng isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na garapalang kinokotongan ang mga Chinese national na hinaharang ang pagpasok sa bansa ng mga immigration officers. Ayon sa ating nakalap na impormasyon, si alyas “GL” na isang immigration assistant na nakatalaga sa Border Control Intelligence Unit (BCIU) sa NAIA – Terminal 3 ay inilipat lang sa Terminal 1, imbes na ito ay tanggalin sa airport upang maiwasan na…

Read More

LOKAL NA TRANSMISYON NG DELTA VARIANT, NAGSIMULA NA

KASUNOD ng balita ukol sa pagkakaroon ng lokal na kaso ng Delta Variant ng COVID -19 sa bansa noong nakaraang linggo, kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang lokal na transmisyon nito noong ika-22 ng Hulyo. Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing na hindi raw mapipigilan ang pagpasok ng Delta Variant sa bansa. Ang ipinatupad na travel ban ng Pilipinas sa mga bansang may naitalang mataas na kaso ng Delta Variant ay hakbang lamang upang mabigyan ng karagdagang panahon ang pamahalaan upang mapaghandaan ang…

Read More

“SOLID NORTH VOTES” SOLID FOR BONGBONG

DUMALO ang nasa limampung mambabatas at political leaders ng tinaguriang ‘solid north’ sa pagtitipon na inilarawan ni Sen. Imee Marcos bilang ‘pre-SONA’ merienda sa kanyang tahanan sa San Juan City kahapon. Bagaman wala pang pinal na desisyon ang kapatid na si former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa kanyang plano sa halalan sa susunod na taon, ang pagtitipon para sa mga dumalong mambabatas ay pagpapakita ng suporta at pagtaya sa posibilidad ng panalo ni BBM sa presidential race. Nakakuha ng 17.8 percent rating, si Bongbong o BBM ay pumapangalawa sa…

Read More

PERA NG BAYAN INANOD KASAMA NG ‘WHITE SAND’

(FERNAN ANGELES) HINDI umubra ang ipinagmamalaking “engineering interventions” sa patuloy at paulit-ulit na pagkaubos ng pinulbos na dolomite rocks na ginamit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa layuning magmukhang Boracay ang isang bahagi ng Manila Bay sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila. Sa larawang naglabasan sa social media, lumalabas na muling tinangay ng malalakas na alon pabalik sa laot ang mga artificial sand na isinaboy ng DENR sa maliit na bahagi ng Manila Bay. Sa nasabing proyektong patuloy na umaani ng batikos, gumastos na ang pamahalaan…

Read More

3 PATAY SA HABAGAT

NAGDULOT ng kamatayan ng tatlong indibidwal at lima ang sugatan sa pananalasa ng habagat nitong nakalipas na mga araw. Paglilinaw naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, walang kaugnayan sa landslide o pagbaha ang naiulat na casualty. Sa ulat ng NDRRMC, dalawa sa mga nasawi ay mula sa Region na na kapwa tinamaan ng kidlat habang ang isa ay nabagsakan ng punongkahoy sa bahagi ng Kennon Road sa Cordillera Administrative Region. Nasa mahigit apatnapu’t apat na indibidwal naman ang inilikas at nanunuluyan sa…

Read More

OCCUPATIONAL LICENSING ‘DI BABAGUHIN – DEFENSOR

HINDI gagawa ng batas ang Kongreso para alisin ang occupational licensing ng mga professional at highly skilled workers sa bansa dahil malaki ang naitutulong nito, hindi lamang sa mga manggagawa kundi sa bansa mismo. “We do not see Congress walking back and reversing all the gains that the government has achieved in regulating and licensing various occupations,” pagtiyak ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos imungkahi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na alisin na ang mga licensure examination dahil…

Read More

‘FASHIONISTA’ OUT SA SONA

WALANG pabonggahan ng damit at accessories ang mapapanood sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw (Hulyo 26). Sinabi ni House secretary Mark Llandro Mendoza, limitado ang mga bisita at congressmen na dadalo sa huling SONA ng pangulo. “Wala, wala yan (fashion),” ani Mendoza nang tanungin ng mga mamamahayag kung makakakita ang publiko ng asawa ng mga mambabatas na nagpapabonggahan ng damit sa SONA tulad ng nakagawian. Sa mga nakalipas, naging karaniwang tanawin na sa SONA ang pagrampa ng asawa ng mga mambabatas, hindi lamang sa…

Read More

Pinasaringan ng solon sa pagsirit ng COVID-19 cases sa Davao City SARA INUUNA PANGANGAMPANYA

MISTULANG pinasaringan ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat si Davao City Mayor Sara Duterte na napababayaan nito ang kanyang siyudad dahil sa ‘maagang pangangampanya’. Ayon kay Cullamat, patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Davao City na isang patunay na “hindi binigyan ng priority ang usaping pangkalusugan ng populasyon sa Davao”. “Sa nagdaang mga buwan ay naiulat na ito at hanggang ngayon ay patuloy na tumataas ang bilang ng Covid cases sa Davao City,” ayon sa mambabatas. Dahil dito, tila wala umanong atensyon ang namumuno sa Davao City…

Read More